I felt my knees weakened while my heart is breaking again. Halos napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam. I felt like my whole body was being stabbed. Ang sakit. We lost our baby again for the second time because of my negligence. And worst, Abby is still inside fighting for her life.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Abby kapag nagising na siya. I already witnessed how she suffered when we lost our first baby. Paano kung hindi na niya ako mapatawad ulit this time? Baka hiwalayan na niya ako nang tuluyan. I don't want to lose Abby.

******

After three days ay saka pa lang ako nagkaroon ng lakas para ayusin ang mga gulo na nangyari. Hinanap ko ang kasamahan ni Amanda sa trabaho dati na siyang nakakaalam sa mga tunay na nangyari sa amin to testify about the truth.

Four months ago, kasama ko sila Travis, Gomer at Calix noon sa isang bar. I drunk a lot that time dahil sa frustrations ko sa mga nangyayari sa buhay ko at sa amin ni Abby.

Lumayo ako kila Calix at nagsolo sa bar counter. That's when I met Amanda. Lumapit siya at nagpakilala sa akin. Waitress siya sa bar na iyon. I was too drunk that time kaya di ko na masyadong alam ang mga nangyayari sa paligid ko. But I can still remember when I told her my frustrations about Abby and our relationship though hindi na masyadong clear sa utak ko ang mga itinakbo ng usapan namin. Dahil nga lasing ako, hindi ko na alam ang mga ginagawa ko. Nagising na lang ako kinabukasan na katabi ko na siya sa isang kama sa isang mótel room.

Gulong-gulo ang utak ko noon dahil hindi ko maisip na magagawa ko iyon because ever since I took Abby's vírginity when we were in college, even despite the fact that I learned about the pictures ay never pa rin akong nakipag-séx sa ibang mga babae.

Oo, sinubukan ko dati na makipag-séx sa iba para makaganti sa akala kong panloloko ni Abby sa akin, pero kahit humawak ng ibang babae ay di ko na magawa. Parang nandidiri ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit pero kahit galit na galit ako kay Abby that time, I know that only her could satisfy me in bed. Siya lang talaga ang gusto kong nakakasama sa kama. I lost interest with other girls ever since I beddéd her.

Mabuti na lang at nilapitan ako ni Jenna, kasamahan ni Amanda sa trabaho that morning sa parking lot ng mótel habang naglalakad ako pabalik sa bar to fetch my car at sinabi sa akin ang lahat ng totoong pangyayari. Siya ang tumulong kay Amanda para madala ako doon to set me up because that time, Amanda already knew that she's pregnant at ayaw siyang panagutan ng ama ng ipinagbubuntis niya. Nasa loob ng mótel room si Jenna the whole time at lumabas lang bago ako nagising. She told me na wala naman talagang nangyari sa amin ni Amanda. Nakokonsensiya daw siya dahil ako na ang pangatlong biktima ni Amanda kaya sinabi niya sa akin ang totoo.

Nakahinga ako ng maluwag that time. Pinalagpas ko na lang ang mga nangyari dahil para sa akin ay wala naman iyong silbi. Pero dahil sa tànginang Amanda na iyon ay naaksidente ang asawa ko at nag-aagaw buhay sa ospital and until now ay hindi pa rin gumigising. Pati anak ko ay nadamay sa ginawa niya. Kaya ipinahanap ko siya sa isang private investigator dahil nagtago si Amanda when she knew about what happened to Abby.

Patung-patong na mga kaso ang isinampa ko sa kanya. Inamin naman niya ang totoo sa mga pulis at nagmakaawa pa sa akin na iurong ang mga kasong isinampa ko sa kanya, pero galit na galit ako dahil habang ginagawa niya iyon ay ang itsura ni Abby sa loob ng wasak niyang kotse ang nagfa-flash sa isip ko. Hinding-hindi ko siya kayang patawarin. Sa ibang panahon siguro, oo. Pero hanggang hindi nagiging maayos ang lahat sa amin ni Abby ay hindi ko siya kayang patawarin.

Wala na akong pakialam kung buntis pa siya ngayon. Tàngina lang, muntik nang ikamatay ng asawa ko ang ginawa niyang panghihimasok sa buhay namin na ikinamatay din ng magiging anak na sana namin. Sobra-sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nangyari sa mag-ina ko. Kaya dapat lang na pagbayaran niya ang lahat ng damage na ginawa niya sa buhay namin ng asawa ko.

Faded Memories (Complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat