Narinig ko namang may tao sa loob kaya siguro si mama yun. Pinihit ko ang doorknob at diretsong pumasok.

"Mama wala na namang shampoo sa-"

Nagulat ako nang madatnan ang isang babaeng tuwalya lamang ang suot at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Hindi ako nakagalaw sa katayuan ko habang nakatitig din sa kanya.

"Aaaah!" Para akong naalimpungatan sa sitwasyon namin at nataranta. Oh damn! She's naked and I suddenly barged in!

"I-I'm sorry," I said avoiding a look at her as I closed the door.

Napatulala ako. Sobrang bilis ng hininga ko pero wala naman akong ginawa para hingalin. Pinakalma ko ang sarili ko as she flashed in my head again. Her hair was still soaking wet and tiny droplets of water were falling down onto her neck and her legs were so smooth- what the! Aish! Ano bang iniisip ko?

Nakarinig ako nang yabag papalapit sakin. It was mom. Bigla akong namutla nang makita ang kunot niyang noo. "Dale, may narinig akong sumigaw. Okay lang ba kayo?" nag-aalala niyang tanong.

"Okay lang po, ma..." I laughed awkwardly. Nginitian ko pa siya para 'di na magtanong pero mukhang di siya kumbinsido sa aking sagot.

"O sige. Bumaba na kayo mamaya para mag-almusal," aniya at umalis habang nakakunot ang noo.

Now that I am alone again, ako naman ang napakunot. Ano na nga ba ang gagawin ko? Nakalimutan ko.

Damn! What did she do to me?

* * * * *

"Bakit ang tahimik ninyong dalawa?"

Kumakain na kami ng lunch(kanina pa kami natapos mag-almusal) and the atmosphere is unhandy-- or at least for the both of us. Hindi kasi kami nagsasalita saka nakayuko lang ako habang kumakain. Walang may gustong umimik o mag-angat ng tingin.

Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina and I know she is too. Hindi ko na rin nakuha yung shampoo dahil sa nangyari. Damn shampoo! Siya ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon.

"May nangyari ba kanina?"

"Wala!" sabay naming sagot. Nagkatinginan kami pero agad din akong nagbawi dahil hindi ko makayanan ang ilang.

"O...kay?" Binalingan ako ni mama at binigyan nang makahulugang ngiti. Tsk, akala ko pa naman makakatakas ako sa kanya. "Carmeen, gusto mong tumulong mamaya na magluto?"

Narinig kong tumunog yung kubyertos niya. Sumilip ako at nakita kong kumikinang ang mata niya. "Opo tita! Ano po bang lulutuin niyo?"

Nag-uusap na sila mama tungkol sa iba't-ibang putahe na hindi ko naman maintindihan. Hindi rin ako sumisingit dahil wala rin naman akong maintindihan sa pinaguusapan nila. I didn't even know that this girl is so interested in different dishes and cuisines.

My mind is really wondering kung paano sila naging close ni mama. She's just an ordinary girl, that's what I know. Tsaka hindi kumakausap ng isang stranger si mama. My mom is friendly, yes. But I'm really curious kung paano nakuha nitong babaeng ito ang loob ni mama. It's very mysterious-- just like her.

"Bakit ba gusto mong matutunan magluto?" tanong ni mama sa kanya.

"Ah, para ready na po ako," she said as she scoops rice with a hotdog on her spoon.

Nagtaka naman si mama maski ako. "Ready para saan?"

"Kung sakaling mag-boyfriend po ako," makahulugang saad saka sumulyap sa akin. What is she implying? "Charot lang po..." Tumawa siya. "Gusto ko pong mas lumawak ang knowledge sa kitchen."

OPERATION: Make Ligaw to himWhere stories live. Discover now