Kinuha ko ang phone sa bulsa ng suot na palda, nang maramdaman ang vibration nito sa hita ko. Naka-receive ako ng message galing kay Karen.

Hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo. Sa muling paghaharap naming dalawa? Babawiin kita sa kanya.

May lungkot na napangiti ako. Mahal niya nga ako pero hinayaan niyang mapunta ako sa iba. I thought you love me? Kagaya pa rin ba noon na ililigtas mo ako?

Mula sa pagkakahiga sa couch ay umupo ako para hubarin ang suot na blazer. Hinubad ko na rin ang necktie ko. Maliligo na muna ako para mabawasan ang stress na nararamdaman ko.

Nung matapos ako ay naghanda na ako ng dinner. Hindi ako pwedeng mag-skip. Kakalapag ko pa lang ng plato na gagamitin ko nang marinig ang buzzer sa pinto. Naglakad ako patungo roon para buksan ang ito. Ang unang bumungad sa akin ay ang asul niyang mga mata.

"Hi?" Bati niya pero walang emosyon akong nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

Kahit pa break na kami ni Karen ay hindi ibig sabihin non ay pumapayag na ako maging girlfriend niya. Kagabi ko nga lang siya unang nakilala.

"Binibisita ka, bawal ba?"

"Oo dahil hindi naman kita kilala. So, please lang tigilan mo na ako."

Hindi siya nagpaapekto sa sinabi ko. "Ngayon ay akin ka na. Sa tingin mo ay titigil pa ako?"

"Hindi ako sayo at hindi mo rin ako pag-aari."

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Sorry sa ginawa ko."

"Too late dahil break na kaming dalawa ni Karen." Isasara ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako.

"Break na kayo?" Natatawang tanong niya. Masama akong napatitig sa kanya dahil natutuwa pa siya. "Hindi halatang broken hearted ka. Di ba dapat umiiyak ka?"

Napatigil ako at napaisip sa sinabi niya. May point siya. Dapat umiiyak ako ngayon. May kirot pa rin sa dibdib ko ang nangyari sa amin ni Karen pero hindi iyon sapat para umiyak ako.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong niya habang nakalabi.

"Umuwi ka na lang." Pagmamatigas ko pa.

"But... pumunta ako rito para makasama ka kahit kalahating oras lang." Malungkot pa rin ang tono ng boses niya.

Naawa naman ako dahil mahahalata ang pagod sa mga mata niya. Napansin ko rin na namumula pa ang gilid ng labi niya. Naalala ko na naman kung paano siya itinulak ni Karen at pagsusuntukin.

Nakasuot siya ng itim na jacket at plain t-shirt sa loob. Familiar ang jacket na yan sa akin. Kanina ko pa napapansin na nakatago sa likod ang kanang kamay niya. Mukhang napansin niya na nakatingin ako ron.

"Bago ko makalimutan..." Mula sa pagkakatago ng kamay niya sa likod ay ipinakita niya sa akin hawak niya. Isang white rose.

"A.M ?" Ito agad ang unang lumabas sa bibig ko. Kinuha ko na rin ang inabot niya.

Hindi siya sumagot pero sumilay ang isang maliwanag na ngiti sa mga labi niya pero ilang sandali ay napangiwi siya. Dahil ata sumakit ang sugat sa gilid ng labi niya.

A.M.?

Akira Morrin....

Hindi makapaniwala na nakatitig ako sa kanya. Kinuha ko sa bulsa ng short ko ang phone para mag-dial ng isang number.

Akira Morrin's ObsessionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora