"19 years na ang nakakalipas nung me isang babae kaming natagpuan dito. Kabilugan din ng buwan nun nung nakita naming may isang nakahigang dalaga dito na walang malay. Akala namin isa rin siyang turista na nagkasakit at dito nakatulog. Ngunit nagkakamali ako, sabi ng aking inang babaylan galing daw ang babae na yun sa lumang panahon at ang totoo niyan eh sa dagat ang daan niya patungo sa lumang panahon noon. " Me dagat ba dito? Kahit na nagtataka ako sa kwento ni lola nakinig parin ako.

"Dun ikinwento ni ina sakin na sa may dagat dyan sa baba dumaan ang dalaga na yun, nalunod daw ang babae na yun at di na nakita pang mga tagadito dahil napunta siya sa lumang panahon. Dito siya sa Moon's Peak ibinalik dahil dito ulit me mawawalang dalaga. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?"
Sinasabi ba niya na baka nasa lumang panahon ang kapatid ko? Parang sumasakit yung ulo ko sa mga naririnig ko.

Ayokong maniwala, sa panahon ngayon napakahirap maniwala sa mga ganyang storya. Baka mamaya kinidnap yung kapatid ko at itinatago ng mga matatanda na to. O baka napadpas siya sa lugar na di niya alam kung san. Nasaan kana ba Ariane?

*********

Bumalik ako sa Manila, dun ako tumuloy sa research facility ko. Sa library ako nagpahinga, ihiniga ko ang ulo ko sa lamesang katapat ng mga libro. Magisa lang ako sa library na to, nagpagod ako para sa wala, hindi ko na tinapos ang ikinikwento ng matandang yun. Ayokong maniwala sa sinasabi niya.

Pero maalala ko lang, sa Moon's Peak nagkakilala si Mom at Dad, pagkapangak ni Mom kay Ariane namatay siya, si Dad ang nagpalaki samin. Hindi rin siya nag asawa ng iba para makapag focus lang siya samin. Nakalimutan ko na rin kung paano nagkakilala ang parents namin. Basta, special sa kanila ang Moon's Peak.

"Makapagtimpla na nga lang ng kape."

*blag.*

Ano yun? Nilingon ko kung san galing yung tunog, galing sa kahilera ng asian artifacts. Lumapit ako dun para ibalik yung nalaglag na libro. Pero nung nabasa ko yung title hindi ko ito ibinalik.

"Emperor's Sunjong Greatest Love?"

Nagtaka ko. Parang nabasa ko na lahat ng historical stories ng Joseon Era pero ngayon ko lang to nakita. Bumalik ako sa upuan ko at binuklat ko yung libro.

"Sa ilalim ng mga bituin at ng liwanag ng buwan merong isang batang prinsipe na humiling ng tunay na pagmamahal. Kay tagal niyang nagtatago sa likod ng isang mukhang hiniling ng kanyang ama. " Nakakapagbasa ako ng Hangeul (korean) bilang isang asian history major kelangan alam mo lahat ng lenggwahe ng buong Asia.

Sa loob ng libro me mga sinaunang drawing din. Kita dun yung drawing ng isang prinsipe na may kasamang babaeng kakaiba ang suot.

Nung panahon ba ng Joseon Era alam na nila na me gantong damit? Tiningnan ko ng mabuti yung drawing nakapantalon yung babae, at naka bagpack.

Pinagpatuloy ko yung pagbabasa.

"Ang kahilingan ng prinsipe ay agad na ibinigay ng mga bituin sa kaniya. Kinaumagahan, nakilala niya ang babaeng parang bituin sa kinang ang mga mata. Sa mga oras na iyon ay alam niyang ang babaeng yun ay may lugar na sa puso niya."

"Ngunit hindi niya akalain na ang babaeng yun ay nakatakdang ikasal sa kapatid niya. Hindi niya alam kung sinong susundin, kung ang kanya bang nararamdaman o kung ang kasiyahan ng kanilang kaharian sa mangyayaring kasal. Pero tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal. Ang kanyang babaeng minamahal ay dinukot bago ang kasal, niligtas niya ito. Hindi man niya mailabas ang tunay niyang nararamdaman niya alam ng sarili niya na importante sa kanya ang babae."

"Nawawala ang prinsesang itinakda para sa kapatid niya, ang babaeng mahal niya ang ipinalit dito. Natakot siya na baka malaman ng kaharian ang sikretong yun at ipapatay ang babae, itinago niya ito."

"Iniligtas siya ng babae at lalo niya pa itong minamahal sa araw araw. Dumating ang araw na ginusto ng babae na makilala ang totoong siya. Lumabas sila ng palasyo at inikot ang buong kaharian. Sa bawat ngiting pinapakita sa kanya ng babae lalo niya itong minamahal."

Biglang me drawing na sa next page. Nanlaki ang mga mata ko.

Kamukha ng kapatid ko ang babaeng inihandog ng bituin!

Nabitawan ko yung libro dahil sa sobrang gulat. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng matanda. Pero paano napunta si Ariane dito? Kung mangyayare nga lahat ng to sa kanya siya ang babaeng iibigin ng dating emperor ng Joseon dynasty. Gusto kong matawa dahil mukha na kong hibang sa mga naiisip ko.

Paano---

Paano ko mababalik si Ariane?


(To be Continued)

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now