Chapter 8

174 8 1
                                    


Prince Sunjong's POV.

Hindi mawala sa isipan ko ang pinagusapan namin ni Ariane kagabi. Inabot na ko ng umaga sa kakaisip kung ano bang ibig sabihin ng sagot niya, isa ako sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na manatili dito sa palasyo at magpanggap na Jisoo. Bakit?

Bumalik ako sa higaan ko. Hmmm.

Hmmmmmmmm.

Hmmmmmmmmmmmm.

Hmmmmmmmmmmmmmmm.

Hmmmmmmmmmmmmmmmmm!

"Arghhhhh!! Nakakainis ang babae na iyon, hindi niya inayos ang sagot niya. Anong ibig niyang sabihin? Arghhhh."

Biglang me kumatok sa pinto.

"Ayos lang po ba kayo kamahalan?" Boses ng isang tagapagsilbi ko.

"A-ayos lang ako." Nawala na yung anino niya na kita sa may manipis na tela na naghaharang sa pinto.

Kelangan ko ulit makausap si Ariane. Tumayo agad ako at pinapasok ang mga utusan ko. Agad nila kong binihisan.

***************

Naglalakad na ko palabas ng aking tinutuluyang kwarto ng makasalubong ko si Yeongchin. Pinigilan niya ko sa paglalakad.

"Sunjong, pinapatawag tayo ng ama."

"Bakit?!"

Nagkibit balikat siya. Sabay na kaming naglakad patungo sa Gangnyeongjeon. (Bahay ng hari.) Habang naglalakad kami naisip kong tanungin siya tungkol kay Ariane na nagpapanggap.na si Jisoo.

"Yeong, wala kabang napapansin kay Jisoo? Mukha ba siyang kakaiba?" Tanong ko.

"Hmm. Wala naman akong napapansin. Bukod sa lagi niyang dalang kahon na gawa sa tanso?" Sabi niya.

"Ano pa?"

"Wala na? Ganun parin naman siya. Siguro kumulit ng onti pero siya parin yung Jisoo na kilala ko." Wala talaga siyang napansin? Nakakapagtaka.

"Bakit mo naman natanong?"

"Ah, wala. Wag mo ng isipin yung sinabi ko." Bago pa siya ulit makapagtanong buti at nandito narin kami sa Gangnyeongjeon. Sinalubong kami ng mga utusan ng ama at sinamahan kami sa may pagpupulong.

Nandun lahat ng ministro. Tungkol san kaya yung paguusapan?

"Habang tumatagal, lumalala ang dami ng mga magsasakang nawawalan ng kabuhayan. Ng dahil sa klima hindi maayos na lumalago ang kanilang pananim. Pangalan po ng palasyo ang isinisigaw nila Kamahalan." Sabi ng Ministro ng Pangkabuhayan. Tiningnan ko silang mabuti. Matagal na silang mga kaibigan ng ama. Kung ako ang magiging hari pipili ako ng ministro na magaling at matalino.

Karamihan sa mga ministro dito eh galing lang sa malalakas na pamilya.

"Isinigaw po ng mga tao ang pangalan niyo kamahalan. Gusto po nila tayong makausap." Nananahimik lang ang ama. Pero alam kong madaming pumapasok sa isip niya.

"Ama, kung bibigyan niyo ko ng pagkakataon na muling makalabas ng palasyo at makausap ang mga tao, maaaring makatulong yun sa kanila kahit onti. Kung ako po'y papayagan niyo."Nakarinig agad ako ng mga bulong bulungan mula sa mga ministro. Pero hindi ko iyon inintindi ang importante sakin ay ang pagpayag ng ama.

"Mukhang magandang paraan yun para magkaron tayo ng derektang komunikasyon sa ating mga tao. Sige, pumapayag ako." Natuwa ako sa sagot ng ama. "Magsama ka ng mga kawal."

The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon