"Pwede po bang wag na? Wala namang magtatakang saktan ako. " lalong lumakas yung bulung bulungan. Kung magsasama ako ng mga kawal,maiilang ang mga tao na kausapin ako.

"Kaya naman pong ipagtanggol ng prinsipe ang sarili niya kamahalan. Hindi pwedeng maging isang hari ang isang prinsipe kung ang sarili niya ay di man lang niya mailigtas. Paano pa ang buong pinamumunuan niya?" Sabi ni Yeongchin. Tumango tango ang ama.

"O sige. Pero siguraduhin mong uuwi ka ng maayos."

"Opo kamahalan."

**************

[Present Time. January 21, 2017]

Jonas Gonzales's POV.

2 days ng nawawala ang kapatid ko simula ng pinag hiking ko siya, ang nakakainis pa yung mga kasama niya sa hiking eh nakauwi na pero nubg tinanong ko kung nasan ang kapatid ko isa lang ang sagot nila "Sinong Ariane? Wala kaming nakasamang ganun."

Kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang magkasama sa buhay. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala. Kaya nag file ako ng leave at aakyat din ako sa Moon's Peak para hanapin siya.

Iniwan ko yun sa may lamesa ng boss ko, kinagabihan nun bumyahe agad ako papunta sa bundok.

Mga 5:30 am na ko nakarating doon. Pagbaba ko sa waiting shed wala ni isang tricycle na nagpasakay sakin. Balak ko nalang sana lakarin yung daan papunta sa trail. Pero may isang matandang babaeng kumalabit sakin.

"Ijo, sumabay kana samin kung wala kang masasakyan. San kaba patungo?"

"Sa trail po ng Moon's Peak." Sumama ako kay lola papunta sa tricycle nila. Dun ko nakita ko nag aangkat sila ng kahoy. Pinaupo ako ni lola sa may loob katabi niya.

Naisip ko tuloy na tanungin siya.

"Lola, bakit wala na gaanong dumadaan papunta sa trail?"

"Ipinagbawal muna ng mga babaylan dun ang pag bisita ng mga turista. May ginagawa kasi sila ngayong orasyon dun." Babaylan? Teka, bawal na yung mga turista?

"Kelan pa po pinagbawal?"

"Mga dalawang araw na ata ang nakalipas." Yun din yung araw na nawawala si Ariane. Maya maya lang huminto na yung tricycle pagsilip ko nasa may trail na kami. At totoo nga ang sinasabi ng matanda may mga nakalagay ng harang sa trail.

Bumaba na ko at tiningnan ko kung san ako pwede dumaan.

"Lola. Salamat po." Tinanguan lang ako ni Lola at pati ng asawa niya. Umalis na sila. Pinagkasya ko ang sarili ko sa isang putol na tali ng harang nakapasok naman ako. Habang nilalakad ko yung trail biglang dumilim yung langit. Tiningnan ko tuloy yung nakalagay na weather forecast sa cellphone ko.

Sunny naman. Pero bakit parang uulan na dito?

Nakarating na ko sa may Moon' Peak. Namangha ako sa ganda ng cliff. Talaga ngang kita mo ang buong kalangitan dito kaya pag kabilugan ng buwan dito nagpupunta ang mga turista.

"May hinahanap kaba ijo?" Nagulat ako sa biglang nagsalita sa tabi ko. Paglingon ko nakita ko ulit yung lola na nagpasakay sakin. Hala, taga dito ba sila?

"L-lola. Hindi ko alam na taga dito ka." Nginitian lang ako ni Lola.

"Hindi ko rin naman sasabihin sayo. Pero ramdam kong me hahanapin ka dito." Sabi niya. Umupo siya sa isang bench na nasa likod ko. Tinapik niya yung tabi niya. Senyales na pinapaupo niya ko, lumapit ako at ginawa yung gusto niya.

"Lola--"

"Sabi ko na, mangyayare na naman yung nangyare makalipas ang 19 years." Natahimik ako. Magtatanong sana ko kung me insidente ba dito ng pagkawala ng isang babae eh pero bigla siyang nagsimulang mag kwento.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now