Chapter 4

49 26 1
  • Dedicated to Jesyl Torres
                                    

SCARLET POVs

Ilang araw ang lumipas simula ng interaksiyon namin ni Jeric at simula noon ay hindi na kami nag papansinan, minsan ko nalang siya makasalubong pero madalas ko siyang naaabutang nakatingin saakin sa malayo. Tambay talaga ako sa library simula palang, I love it here dahil na rin katahimikan.

Naglalakad ako papuntang canteen ng makaramdam ako ng gutom. Umorder lang ako ng two slice of pizza at drinks. Madalas akong kumain  sa football field sa may bleachers, tahimik kasi doon at walang iistorbo sakin.

Naglakad na ako papunta dun habang hawak hawak ko ang pizza at drinks kong take out. Monday ngayon wala akong 1st subject kaya ito tatambay muna ako at kakain lang, hobby ko na to. Naiinis ako sa paligid ko, ako lang naman ang pinagbubulung bulungan nila tapos ang sama pa ng tingin sakin, hindi ko nalang sila pinapannsin at pumunta na sa bleachers, yes walang katao tao mukang masosolo ko to ah. Napangisi ako 

"Solong solo nalang kita ngayon" At nilantakan ko na ang pizza ko, hindi pinansin ang mga ibang taong napapadaan sa pwesto ko basta kumain lang ako. Hanggang sa naubos ko na yun success.

Nakarinig ako ng halakhak, napakunot ang noo ko dahil bagong tao ang nakikita ko, ewan ko pero hindi naman kase ako mahilig mangkilitis ng tao dito sa school siguro matagal na tong nag aaral dito o wala lang talaga akong pakealam sa paligid ko?

"Don't worry wala akong nakita"

Huh? bakit? ano bang dapat niyang hindi makita? Kung gusto niyang iparating ang katakawan ko ay wala akong pakealam, mas napakunot ang noo ko hindi ko nalang siya pinansin at napailing nalang habang inaayos ang mga kalat ko.

"You know what" Sabi naman niya, kaya napatingin ako.

"Ngayon lang ako nakakita ng ganyang katakaw"

Oh god don't fool me.

"But cute"

Hindi ko padin siya pinapansin dahil wala talaga akong interes. Tumayo at tiningala siya ng nakakunot ang noo samantalang siya ay ang pilyo niyang mga ngiti.

"I am Zayn, Zayn Bailey"

Iniabot niya ang kamay niya naghihintay na tanggapin ko yun, pero tinitigan ko lang yun, nang mapansin niyang wala akong balak tanggapin yun ngumiti nalang siya at ibinaba ang kamay niya.

"I have a boyfriend so please stay away from me" I said. He is really tall.

Inirapan ko siya at tumalikod na para mag ayos, akala ko aalis na siya pero andun lang siya nakatayo at nakangiti, napailing nalang ako at kinuha na ang bag ko para umalis nang medyo lumampas na ako sa kanya bigla niyang hinawakan ang kamay ko, tinignan ko ang kamay niyang hawak ang kamay ko, he just smile. Tinalikuran ko ulit siya.

"How cold, sana sa susunod na pagkikita natin mapangiti na kita"

Sabi niya bago binitawan ang kamay ko at naunang umalis, napalingon ako sa likod ko at tinignan siyang paalis na nakakunot ang noo sakto naman ang pagdaan ng isang pamilyar na likod. Tinignan ko iyo ng mabuti, tumigal siya at lumingon/

Madilim ang titig niya ngunit nakangisi.

"Flirting huh" Nakataas ang kilay niya akmang tatalikod na.

"What do you mean?"

Tinitigan niya lang ako at tumalikod na saakin at naglakad na. Tinitigan ko ang likod niya medyo nakalayo na siya pero nagawa pa niyang lumingon.

"Don't flirt in front of me baby." He said before he finally out of my sight.

KATHRINE POVs

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Monster Lost LoveWhere stories live. Discover now