'Um- hindi ko pa nasasabi kay Athena. But to Grandma, I was telling her a while ago before she sleeps, and she is happy. She smiles again. Thank you for accepting me again, Caramel. Ayaw kong mawala ka ulit sa piling ko, you're very precious to me, Chaniel. And, she will be discharge tomorrow, can you make a surprise visit to our house?"


To: Mr. E...

'Duh, sinasabi pa ba yan, E. I love you a lot, alam kong pinapahalagan mo ako. It is good thing to hear that Grandma is smiling now. Sure, I can pay a visit tomorrow.'


From: Mr. E...

'Are you seriously serious about you love me a lot? Kasi noong mga nakaraang mga linggo, parang kinamumuhian mo talaga na halos papatayin mo na ako sa inis. How's the change of feelings, sweetie?'


To: Mr. E...

'Oh, sige, babawiin ko na. I don't love you a lot...but JOKE...kung hindi ka naniniwala, bahala ka sa buhay mo. Basta ako, naniniwala akong mahal kita....Sagutin mo naman yang lambing ko...'

I knew he laughed already. Gusto ko pa namang makita siyang ngumiti. Yung dahil ako ang dahilan, kasi, minsan ko na lang siyang nakikitang ganun dahil sa pagtataboy ko sa kanya.


From: Mr. E...

'I love you more than love, beyond definition. Kahit anong gusto kong sbaihin ito sa personal, ngayon na lang dahil gusto mo namang sagutan yang lambing mo. Sige, I love you, too, a lot plus three a lots...matulog ka na. May trabaho ka pa bukas, right? And I hope you will tell me why you work here in Spain, sweetie?'


To: Mr. E..

'Okay. Satisfied. Sige...sasabihin ko sa'yo bukas. But don't be mad. Good night, E..."


From: Mr. E...

'Don't dream of me that much, baka gustuhin mo ng hindi gumising. But well, gusto kitang gumising araw-araw. Sweet dreams, my Caramel. I'm happy you're mine again.'


At, ngumiti ako ng nakakaloka sa last na sinabi niya. Talon-talon mga kabog ng dibdib. Let's celebrate love. Choose love, choose Amore. Yeah,...grabeh talaga ang epekto ng mga kataga ng isang Eros Almonte, I didn't expect na maririnig ko pa ang mga ganyang mga salita after five years.


Dahil sa pag-ibig feels ko, maaga akong gumising, nagluto ng umagahan para kina Grandma para kay E at Athena. Baka, nandoon yun sa hospital, hindi biro ang magbantay ng pasyente talaga. Baka, hindi na nakatulog si E ng maayos. Hay naman...hanggang ngayon, nakangiti pa rin ako.


Ara was still sleeping hindi na siguro ako magpapaalam mamaya. Alam ko na naman na pagod yun sa trabaho. Sobrang hands-on siya sa kanyang trabaho rito. Minsan, nagtataka talaga ako bakit grabeh ang kayod niya, parang may gusto siyang patunayan. Ano naman kaya yun?


Nilagay ko na sa baunan ang pagkain saka naghanda na rin ng plato, juices, gatas at tubig. Sana hindi puyat ngayon si E? Sana may pahinga talaga siya? Sana, nag-alok na lang akong magbantay kagabi kaysa mag-isip ng kiligs.


Dali-dali akong nagbihis ng maayos, para pagkatapos sa hospital, didiresto na ako sa cafe. Baka mapapatawad pa ako ni Manager sa ginawa ko kagabi. Nainis lang talaga ako sa nakita ko, at matutuklasan ko lang na pinsan lang pala sina E at yung pinsan niya. Obviously naman, Chaniel! Praning ka lang! Tukneneng itong selos mo, pinapahamak kang mawalan ng trabaho talaga.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)Where stories live. Discover now