"Oo. Para ko siyang sinampal sa pagtanggi, in front of his daughter. I did not know, para ang laki ng konsensiya ko para sa kanya, you know...hinahabol niya ang kapatawaran ko at buong loob niyang hinihingi ito na walang halong bahid ng pagsisinungaling. Ngunit, what did I do? Para akong tinapakan ng pride. Gusto ko, maranasan din niya ang sakit ng makaliwa at maiwanan ng ganoon-ganoon na lang...at alam ko, na mali ang ganoon. Alam mo, kailangan ko na siyang patawarin, even though, nanganganib ako sa kanya. I made him fall in front of his daughter."



"Umiibig ka ba ulit sa kanya, Manay? Parang sa pagkakasabi mo, hooo. Tagos hanggang Pilipinas...kung sa lechon manok pa, tagos hanggang buto."



"Anong umiibig ka diyan? Makagamit ka ng umiibig, parang nasa probinsiya tayo sa Pilipinas."



"Well, paki-share naman ng profiel ng ex-boyfriend? Akin na lang kung wala talagang pag-asa..."



"NO...I mean, madamot ako pagdating sa kanya...well, kung yun ang sinasabi mong umiibig."



"OKAy, kailangan mo pala talaga ng ganyanan para umamin ka, ha. So, sino nga?," ang seryosong usapan, nauwian sa asaran.



"Hindi na maaaring malaman mo pa. Ewan ko nga, kung hahabulin pa niya ako pagkatapos ng ginawa ko sa kanya na parang inidyan ko siya sa isang date. Ho..."



"Asus, inamin mo na kaninang nagdadamot ka..."



"O siya...si kuwan," wala naman akong dapat ilihim kay Ara, para ko na rin siyang bestfriend sa loob ng tatlong buwan. DI ba? "Si Mr. Eros Almonte ang sinasabi ko sa'yo, kaya nagdadamot talaga ako."



Para siyang nabawian ng malay dahil sa tulala niyang hindi makapaniwala. Was she serious? Nakakapanggulat ba 'yun? Oo naman, para sa kanyang iniidolo rin si Eros. Sinapak ko siya ng malakas sa balikat, para kasing hindi na siyang humihinga, kasabay din ang ARAY niya.



"Tss...ang haba ng hair mo. So, totoo pala talaga ang sinasabi ng mga ka-OFW ko doon sa hotel. Na may nililigawan si Eros...then, ikaw pala 'yun. Ho...worth it ka ba," na...tingnan niyo, ako na ang tinatanong niya kung worth it ba ako?



"I don't know."

*****



Lying in my bed again, tomorrow will be another day. Sana nga? Thinking about my family again...sana magkita na tayo? I missed them so much. So much that it hurt. Papapikit na ako ng mga mata upang umidlip nang nag-ring 'yung cellphone. Who was this ba? Padabog akong umupo ulit sa kama, saka sinagot ang tumawag na walang basa-basa sa pangalan.

A Very Special Romance (BOOK 3 COMPLETE)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें