The Start

34 2 0
                                    

Umupo kami ni Luisa sa pinaka dulo. Our usual spot. May pagka abnormal kasi etong best friend ko. HRM Student kaming pareho ni Luisa. When the right time comes, magiging chef ako ng sarili kong resto. Napangiti ako. "Para kana namang baliw dyan, Sophia. Ngumingiti mag isa. Isama mo naman ako!" At ngumiti siya ng malapad. Yung kita pati gilagid. Napa irap na lang ako.

Makulit man si Luisa pero maaasahan yan sa lahat ng bagay. Marunong naman din yan mag seryoso lalo na pag usapang baking na. Nagkakaroon na siya ng sariling mundo. Kung ako gusto kong maging chef at magkaroon ng sariling resto. Balang araw, Si Luisa naman gusto niya magtayo ng sariling Coffee shop na mas highlight ang mga ibe-bake niyang cake, muffins at cupcake.

Natapos ang buong klase na sobrang pagod ako at si Lu. Kasalukuyan kaming kumakain sa Cafeteria.

"Kanina kapa tinitignan nung lalakeng Engineering ang uniform." Sinundan ko ng tingin ang lalakeng tinitignan niya. My eyes widened. "Siya yung naka bunggo sakin nung paakyat ako sa klase natin Lu."

Napalingon kami ng biglang lumapit sa amin si Kuyang Engineer Student. Siniko ko si Luisa pero umirap lamang siya. "Can I?" Tanong ni Kuya. Tinuro ko ang silyang kaharap namin ni Lu at tumango bilang pahintulot. "Uh, about last time, sorry kung di na Kita nadala sa hospital para mapatignan yung paa mo. Nagmamadali din kasi ako dahil may hinahabol akong plate eh."

"Oh talaga? Nahabol mo naman ba? Nakakatakot naman yun! Tumatakbong Plato!" Muntik na akong mapa face palm sa pagiging sarcastic ni Luisa. Kahit kelan talaga to.

I smiled to him. "Naku, Okay lang Uh, Kuyang Engineer Student!" Tumawa siya at inabot sakin ang kamay niya.

"Jonathan Manalo. But you can call me, Nathan or Nate since yun naman ang tawag nila sakin." Ngumiti siya Kaya ginantihan ko rin ang ngiti niya bago inabot ang kanyang kamay.

"Sophia Nicole Andrade, Just call me Sophie. And this is my best friend, Luisa Jane Cerna." Ngumiti ulit siya.

"Unggoy." Bulong ni Luisa. "What?" Tanong ni Nate. Ngumiti ng plastik sakanya si Lu. "Nako wala! Nice to meet you, sabi ko." Sinamahan niya pa ng pag irap. Napatawa ako samantalang iiling iling lamang si Nate. "Sige, I have to go now
May klase pa ako Sophie eh! See you around." Tumango ako at kinawayan siya. "Buti naman." Hinampas ko sa braso si Luisa. "Ang sama mo talaga, Lu!" Natatawang sabi ko. Umirap lamang siya.

Behind His ColdnessWhere stories live. Discover now