UMPISA

139 2 0
                                    

Hindi siya pala ngiti pero mabait. Hindi pala kaibigan pero maaasahan. Hindi siya nagpapakita ng kabaitan, mailap masiado sa ibang tao maliban sa Nanay niya pero marunong gumalang.

I met him one time nung muntik na akong masagasaan. Pwede naman niya akong di tulungan eh. Masiado akong malayo sakanya non. Pero tinulungan parin niya ako. Hindi ko alam kung papanong ang bilis niyang makarating sa kinaroroonan ko para maitulak ako sa kabilang kalsada. Kaya imbes na ako ang masagasaan at masaktan, siya tuloy ang namimilipit sa sakit.

Ni Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hahawakan ko ba siya? O tatakbo para humingi ng tulong? Natataranta ako.

At nung akma na akong tatayo para makahingi ng tulong, hinawakan niya 'ko sa kamay at pinigilan.

"Ayos ka lang ba, Miss?"

Gusto ko siyang sampalin para matauhan. Siya ang nasagasaan at nasaktan tapos ako tatanungin niya kung okay lang ako? Baliw ba siya?

"A-ayos lang. S-Sandali lang wag ka muna gumalaw! Hihingi ako ng tulong!" Pero tumayo siya habang paika-ikang maglakad.

"Sa susunod, mag iingat ka." Yun lang at lumayo na siya. Halos nakatunganga lang ako noon. Unable to move. Abnoy ba siya?

"Hoy! Teka, Kailangan mong magpatingin sa doktor! Baka may Bali ka! Sandali!" Sigaw ko at tumakbo para sundan siya. Huminto siya at huminga ng malalim. Nangingiwi siya. Marahil masakit ang katawan.

"Umalis kana. Ayos lang ako." At nagsimula ulit siyang maglakad.

Simula 'non Hindi ko na siya tinigilan. Lalo pa't nasa iisang University lang kami nag aaral.

His cold. Halos wala siyang kaibigan sa school. Dahil sa pagsunod ko sakanya araw-araw, unti unti kong nakikilala ang lalakeng malamig pa yata sa yelo.

Maraming babae ang nagkaka gusto sakanya pero walang lumalapit dahil sa pagiging malamig niya. Takot yata sila. Pero ako? Nah. He maybe cold, but I know He's Harmless.

I'm concerned about him. I mean, nasagasaan siya tapos ni Hindi man lang nagpatingin sa doktor. Ilang beses kong pinilit na magpatingin siya pero lagi siyang umiiwas. Kasalanan ko kung bakit siya nasaktan kaya nag-aalala ako. Pero consistent siya sa pag tanggi sa offer kong magpatingin sa doktor. Gagastos lang daw ako. Eh ano naman? Sarili niya ang pinag-uusapan dito pero mukhang wala yata siyang pakialam.

"Kapag Hindi ka pumayag magpa tingin sa doktor, susundan kita hanggang sa bahay niyo at kakausapin ang magulang-"

"Tss. Oo na. Ang kulit mo." Ngumiti ako ng malapad pagkatapos. Sa wakas, pumayag din. Nagpatingin siya sa doktor tulad ng napag usapan at tama nga ako may Bali nga siya sa paa. Ayaw Sana niyang ako ang magbayad pero dahil pinanganak akong makulit, wala na siyang nagawa. Kasalanan ko naman Kaya dapat lang na bayaran ko ang pagpapa doktor niya.

Hindi naman daw malala ang injury. Konting pahinga lang at Okay na siya. Nakahinga akong maluwag. Salamat naman kung ganon.

"Aalis na 'ko." Nagsimula na siyang maglakad kaya tumakbo ako at hinawakan ang braso niya at nilagay sa balikat ko. Bigla siyang huminto kaya napahinto rin ako. Tinignan ko siya. Nag iwas siya ng tingin at sinubukang ibaba ang braso niyang naka akbay sakin pero hinigpitan ko ang paghawak sa braso niya.

"Kaya ko. Bitaw na." Pero Hindi ko siya sinunod. Instead, I smiled at him. "Wag ng maarte, Tara na."

Wala siyang nagawa kundi sumunod dahil naka akbay parin ang braso niya. Napangiti ako. Susunod din naman pala.

"Ipahinga mo na muna yang paa mo, Okay?" Sumimangot siya "Hindi kita nanay, tumahimik ka." Inirapan ko siya. Suplado. "Edi isusumbong na lang Kita sa nanay m-" Humarap siya sa sakin ng naka kunot ang noo. "Oo na. Tss." Tumawa ako. "Sungit mo po." Sinimangutan niya lamang ako.

Behind His ColdnessWhere stories live. Discover now