BTS - 2

26 2 0
                                    

Kyla's POV

"Kyla..." tumingala ako ng may tumawag sakin. Hanggang ngayon yakap yakap ko pa rin ang sarili ko dahil sa ginaw.

"Ikaw pala cherry.." wika ko ng nakilala ko kung sino itong tumatawag sakin.

"Ano bang ginagawa mo dito sa labas ? Trip mo bang matulog dito? pffft" natatawang sabi nya habang binubuksan ang lock sa pinto ng apartment nya na katabi lang ng DATI kong apartment.

Napaisip ako. Trip?

Sana nga trip na lang tong ginagawa ko eh.

umiling ako "Sobrang tanga ko na talaga kung mag t-trip pa ako ng ganito" sabi ko saka tumayo kasi namamanhid na yung paa ko.

"Sorry naman. Ano pala nangyari?"

"Pinalayas ..na ako ni tita baby" sabi ko ng naiiyak na naman.

"Ano? Teka..bakit?"

"Apat na buwan na kasi akong hindi nakakabayad ng upa sa apartment"sabi ko saka niyakap yung pack bag ko kasi ramdam na ramdam ko na yung ginaw.

"Naku~~ Pasok ka muna dito,giniginaw ka na"pag-aalok nya.

Pumasok naman ako. Ngayon pa ba ako mahihiya at tatanggi?

"Salamat"sabi ko ng binigyan nya ako ng isang tasang may lamang gatas.

"Welcome.. Teka,balik sa topic. Bakit apat na buwan kang hindi nakabayad ? eh ang alam ko may trabaho ka na diba?"sabi niya sabay inom din nung gatas nya.

"Yun na nga eh.Wala na akong maipangbabayad kay tita baby ngayon,"

"Naubos na ba sahod mo?"tanong nya

umiling naman ako. "Saan pa ako kukuha ng sahod kong natanggal na ako sa trabaho" sagot ko ng nakapikit kasi parang naiiyak na naman ako.

"Na naman?!"

"Aissh ! Hindi ko na alam kong anong gagawin kooooo! Arrrgh !" sabi ko saka ko sinabunotan ang sarili ko dahil depress na talaga ako.

"Ikaw naman kasi. Bat ba kasi walang tumatagal na trabaho sayo"

"Tanga ako eh. Clumsy. Walang alam sa buhay. Hampas--"

"Oy.oy..oy..nakakarami ka na sa sarili mo. Wag mo ngang nilolook down sarili mo kyla."

Bahagya akong natawa sa sinabi nya kasi naalala ko yung sarili ko dati na taas noo akong naglalakad at sobrang confident.

Iba na talaga ngayon...

"Kailangan ko na talagang maghanap ng trabaho. Baka sa lansangan ako matulog nito"

"Kaya mo bang matulog sa sala?"tanong nya

"Oo naman. Kahit sa sahig pa nga eh"

"Pwede ka namang dito muna kyla habang wala ka pang matutuluyan yun nga lang dito ka sa sofa matutulog,kasi maliit lang naman yung kwarto ko"

"Oo naman walang problema !! Salamat talaga cherry. Utang na loob ko to sayo"

"Ano ka ba wala yon..Tsaka diba kailangan mo ng trabaho? Pwede kitang eh reto sa pinsan ko" nakangiti nyang sabi.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya.

"parang iba yang iniisip mo ha. Hahaha Erereto kita sa kanya, I mean madami syang alam na trabaho,legal at marangal. Maasahan mo yon"

"T-talaga ? Sige pero bago yan mag aapply muna ako sa iba"

"Wala ka bang tiwala sa pinsan ko? haha"

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 26, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

BTS Personal AssistantTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang