Napayuko si Kim ng marinig ang sinabi ni Xian kaya nalaglag ang ilang hibla ng buhok nya patakip sa mukha. Na mabbuti na lang dahil hindi nito makikita nag gumuhit na inis sa mukha nya.Nainis sya dahil alam nyang never naging ganun ang turing nya dito. 

'Kaibigan? Mahal nman nyang makipagkaibigan! MANHID!' ngali-ngaling isigaw ni Kim dito. 

Buong akala nman ni Xian, napahiya si Kim. Inabot ang mga nalaglag na buhok at isinabit sa tenga ng dalaga. "Erika might be gone...pero andito ka pa nman at hindi mo naman ako iiwan di ba?" Alam nyang para syang bata na humihingi ng assurance.Nabigla sya dito ng umangat ang mukha ni Kim at mag-lock ang mata nila .Kahit sya nagulat din sa dating ng iba't-ibang emosyon para sa dalaga.

Hindi nya alam kung saan nanggaling ang tila liwanag na suminag sa paligid ni Kim sa paningin ni Xian. Nagtatalo ang isip nya kung halusinasyon ba iyon dala ng pagod sa buong araw o epekto ng depresyon sa mga nangyari sa kanya. Yung parang 'holy' na nagglo-glow sa paningin nya si Kim. Parang instant na nagkamalisya sya kung yun nga ang tamang word para mai-describe yun. Kse mula ng makilala nya si Kim , never pumasok sa isip nya na magkatalo sila nito na may ibang pagtitinginan pa ang pwedeng mabuo sa kanila .

'WEEEHHH!!' Kantyaw ng utak nya. 'Yung Totoo!?'

'FINE!'

Isang beses lang yun pero hindi nya na inulit na i-entertain sa utak nya. Dahil incest yun kung sakali. MALI!

Yun yung isang linggo itong nawala sa klase at miss na miss nya ito . Hindi sya mapakali.Lalo na nang nagalit ito at iniwasan ng hindi nya alam ang dahilan. Ni hindi sya kausapin man lang . Dun sya may naramdamang kakaiba dito pero agad nman nyang kinalimutan at pinatay ang kaliit-liitang rason dahil hindi pwede! 

Ngayon na lang ulit!

Kung ano mang kagaguhan o pwersang nagtulak kay Xian para ilapit ang mukha kay Kim ay hindi rin nya kayang pangalanan. Lalo pa syang nawala sa sarili ng mapatingin sya sa labing bahagyang umawang parang naghihintay din. 

                  Nagulat si Kim sa ginawa ni Xian na pag-tuck ng buhok nya sa tenga. First time na may ginawa itong ganun sa kanya. Intimate na maituturing mula sa level na masyado kse itong marespeto sa personal space nilang dalawa. Hindi nya maintindihan ang biglang pagkabog ng dibdib nya. Anticipation!? Lalo na nang pag-angat nya ng tingin at magtagpo ang mga mata nila,may nakita syang kakaiba sa binibigay nitong tingin sa kanya kahit ang unti-unting pagliit ng distansya ng mga mukha nila. 

Nakikita na ba nito sa wakas na sya ang babaeng para dito? Na hindi sya pang-bestfriend material at lalong hindi pang-kapatid! ...Kundi isang babaeng magmamahal dito ng higit pa sa kayang ibigay ni Erika. Sobra-sobra pa nga! 

But he's still hurting...malinaw yun walang duda! 

Pero ano itong ginagawa nito?...

"You'll get over her!" mahinang nasabi  pa nya na parang sa sarili nya gustong ipatungkol right before he caught her mouth for a kiss.

Ang mga sumunod na segundo ay purong katahimikan maliban sa mga nakatakas na konting tunog mula kay Kim. Biglang uminit ang paligid.

Hindi sya makapaniwala at lalong ayaw gumana ng utak nya kung paanong milagro ang nangyayari na hinahalikan sya ni Xian.Nananaginip ba sya?! Hindi basta halik na  'smack' kundi halik na pwedeng gumawa ng  'baby'!...HALA!

Kung panaginip man ang lahat, ito yung tipong ayaw mong magising kahit pa wiwing-wee ka sa madaling araw . Dahil ito yung tipong napakalapit sa realidad ang pakiramdam mo. Yung tipong matagal na ininternalized subconsciously!

RETURN TO FOREVER (KimXi FF)Where stories live. Discover now