"What? You broke up with Mr. Gorgeous?" She hissed. "Yes. I just broke up with him. Why?" tiningnan nya ako na parang di makapaniwala.

"Seriously? Why?" inirapan ko sya.

"I'd rather not talk about it." I gave her a warning look and I guess with that, naintindihan nya na I will not entertain her next questions.

"Well, it's good then! You'll forget him here! I swear its beautiful here! And then let's hit the beach later. You're up?" she said it more like with a challenging tone.

"Sure!" we did a high five and then the four of us went somewhere to eat. Medyo busog pa ako pero natakam ako sa nakahain na bagnet kaya hindi na ako nakatanggi sa pagkain. Gosh. I love it here already.

My meal was easily interrupted with the beep of my phone. Ayaw ko sanag tingnan kaso baka importante. Naging mabilis naman ang disappointment ko sa desisyong buksan ang mensahe ng mabasa ko ang pangalan ni Ice. Hindi ko tinuloy ang pagbabasa at agad na tinaob ang phone ko sa lamesa.

Masyadong engrossed ang mga kasama ko sa pagkain para mapansin ang pagtingin ko sa phone ko. It beeped again and again and again. Alam ko na agad kung sino iyon. Muli kong kinuha ang phone ko kasabay nun ay ang pagregister ng caller ID ni Ice. Napataas pa ang kilay ko. Agad kong nilagay sa do not disturb mode ang phone ko para walang kahit na ano ang umabala sa akin.

Pagkatapos ng pagkain namin ay nilakad namin ang buong Calle Crisologo. Akala ko nung una ay isang buong bayan ito. Isang klaye lang pala talaga sya. Nag picture pa kami. Halos bawat bahay nga ata ay nagpapapicture kami. Sumakay din kame sa kalesa. Si Adam ang kasama ko tapos yung magkapatid naman ang kasama. Super enjoy naman kahit papaano. May nadaanan din kaming bilihan ng souvenir kaya bumili na din kami ng mga nagustuhan namin. Nagbigla ako sa dami ng binili ni Nikka. Sabi nya ay para daw iyon sa mga kaibigan nya.

Plano pala nila mamayang gabi ay dumeretso na sa Pagudpod para bukas na bukas din ng umaga pagkagising ay makaligo na agad sa dagat. Gusto din ni Nikka mapicturan ang sunrise. Tiyak daw syang maganda iyon.

Nag hiwalay kami ng sasakyan dahil may dala din sila ng pangkanila. Sumakay ako ulit sa sasakyan ni Adam. Pagkatapos mamili ng kung ano ano ay nagdesisyon na kaming tumungo sa Pagudpod. Nakapagpareserve na pala sila roon. Kanina ay tumawag si Noah sa receptionist para padagdagan ang rooms na kukunin nila. Buti na lang at may available pa. Medyo peak season din kasi dahil sa nga ganitong panahon ay nagbabakasyon na lamang ang ibang pamilya. Iba lang talaga ang trip ng magkapatid dahil pagkatapos na pagkatapos talaga ng Christmas nila naisipan ang pag punta sa beach.

"Okay ka na?" Adam asked habang nasa loob kami ng sasakyan, binabagtas ang daan patungo sa Pagudpod.

"Hindi ko alam. I was happy earlier kasi kasama ko kayo but somehow, nung magkakahiwalay na tayo, I felt sad again. Totoo pala yun? Ang panandaliang kasiyahan ay kasiyahan pa din kahit panandalian lamang." I tilted by head to look at Adam.

"So, hindi ka na masaya kasi ako kasama mo?" pabiro nyang tanong. Bahagya naman akong napangiti.

"Sira. Masaya ako na nandito ka ngayong kailangang kailangan kita. And I forgot to thank you. So, Thank You Adam, for coming with me and for being with me." Ngumiti si Adam sa sinabi ko.

"It's okay. It's my job anyway." Saglit syang tumingin sakin while wiggling his eyebrows. That made me smile.

Agad akong nakaramdam ng gutom ng bumaba ako ng sasakyan. Sa may di kalayuan naman, kahit madilim na ay nakikita ko pa rin ang malawak na dagat. Napakaganda din ng half moon. Ang sarap tumambay sa may dalampasigan, mag-inom ng alak, mag kwentuhan at pagnilayan ang mga bagay bagay.

"Nikka went straight to the restaurant. She says she's really starving and that she'll order for us. Let's put our stuffs first on our room." sabi samin ni Noah. Agad ko namang dinampot ang bagpack ko at yung luggage pero inagaw iyon ni Adam. Ang tanging dala lang ni Adam ay parang duffle bag. Marami talaga akong kaartehan.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now