Humalakhak sina Matt at Jerome na nasa likod nila.

"Gah! Ang sakit. Buti na lang may abs ako." Nakangising sambing ni Cedric na tumayo rin agad.

Damn! Kanina pa sila nakikinig. Dapat pa ba akong magulat? Panira naman talaga ng privacy ang mga nilalang na ito e kaya hindi na ako dapat magulat.

"Alas!"

Tumakbo palapit sa amin si Raze at aktong yayakapin na si Ace nang bigla itong lumihis papunta sa akin.

"I missed you, Zein."

"In the count of one..."

Mabilis na kumalas si Raze na napakamot na lang sa batok. Napatingin ako kay Vanessa na nakangiti sa akin.

"Welcome back..."

Yayakapin ko na rin sana ito nang bigla nya akong batukan. "Bakit ngayon ka lang? Bakit dumating ka pa? 'Di ba nilayasan mo na kami?" Naiiyak na sambit nito.

Naramdaman ko ang kamay ni Ace na hinihimas ang ulo ko dahil sa ginawang pagbatok ni Vanessa.

"Baka magka-amnesia ang girlfriend ko."

"Tumigil ka!" Sigaw sa kanya ni Vanessa.

Niyakap ko ito gamit ang isa kong braso. Damn! I missed her. Namiss ko ang pagbulyaw nya at ang matalim nyang dila. Namiss ko rin ang drama ng babaeng ito.

"Stop the drama... Best actress ka na." Bulong ko.

Natawa kaming pareho. Napatingin ako kay Matt na diretsong nakatingin lang sa akin bago tumalikod at naglakad palayo. Sumunod naman sa kanya si Jerome.

Lumabas kami at pumunta sa salas kung saan nakakalat na ang mga pagkain na binili nila. Nanatili kaming magkadikit ni Ace. Hindi nga ako makagalaw na maayos dahil pakiramdam ko ay madadapa ako.

"Hindi kriminal si Zein! Ano bang mahirap initindihin do'n?" Sigaw ni Cedric na tutol sa ginawa ni Supremo.

Kumain na lang ako ng piatos at hindi na pinansin ang mga mokong. Nag-uusap sina Jerome at Matt na nasa lapag habang si Vanessa ay nasa kusina para magluto ng pop corn.

"Zein... may sasabihin ako." Seryosong sambit ni Raze.

Mabilis na kinain ako nang kaba dahil sa seryosong tono nito. Naagaw naman nya lahat ng atensyon namin. Nasa kanya ang buo naming atensyon at gaya ko ay gusto rin nilang marinig ang sasabihin nito.

"Bakit kay Zein mo pa sasabihin?" Tanong ni Ace na nakasandal sa aking balikat.

"Hindi ko na kaya..." Halos maiyak ito.

"Ano bang sinasabi mo, Raze?" Naguguluhang tanong ko sa sinasabi nya.

"Kuya mo sya, Zein. Call him, Kuya. Matanda sya sa'yo." Pagtatama ni Ace.

Hindi ko ito pinansin at nanatili ang mata ko kay Raze na hindi alam ang gagawin. Mukhang seryoso talaga ang problema nya para magkaganito sya.

"Ano ba kasi 'yon? Pabitin ang gahamputs..." Bulong ni Cedric.

Huminga nang malalim si Raze at muling nagseryoso. Gusto ko na syang sapakin dahil sa pambibitin nya pero hindi ko magawa.

Alam kong kailangan nya nang lakas ng loob para masabi 'yon at ayokong syang ipressure. Dapat ay kusa nya itong sabihin nang hindi namin pinipilit lalo na't mukhang seryoso ang problema nya.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon