~39~ Waiting For Nothing

Magsimula sa umpisa
                                    

… Mahal ko si Chloe. Mahal ko rin si Jenine.

Tama ba ang naging desisyong si Jenine ang pinili ko?

“Dustin…”

I pulled away from the hug and then got up, “Bumalik na tayo sa hotel. Gusto ko nang magpahinga.”

Hindi ko na sana ipinilit na magpunta pa dito. Mas lalo lang akong naguguluhan.

***

Pagbalik namin sa hotel, natulog na agad ako. Natulog nga ba o nagtulog-tulugan? Bwsit. Naiirita na ako sa sarili ko. Para bang may gusto akong gawin pero ‘di ko naman alam kung ano. Paksh*t talaga! Kahit kailan hindi pa ako nagkakaganito. Ano bang nangyayari sa akin?!

“Dustin, ano bang problema?”

“It’s nothing. Don’t worry about me.”

Nakatanaw lang ako dito sa veranda. Ang alam ni Jenine, nagpapahangin lang ako, pero iba naman ang ginagawa ko. Gabing-gabi na… Putek. Nasaan na ba sila? Bakit ‘di pa yun umuuwi?

“Dustin, aren’t you going to bed yet? Almost midnight na.”

I faced Jenine, leaned on her and planted a kiss on the forehead. “Maghapon na akong tulog. Hindi pa ako inaantok. Mauna ka na. Goodnight.”

“You sure?” She asked innocently.

“Goodnight. Magpapaantok lang ako,” sagot ko pagkatapos ay humarap na ulit ako sa kabilang building. D-amn it, lights are still off over there. Where the hell are they?

“Sige, goodnight, Dustin. I love you…”

“I love you.”

Binigyan muna ako ng yakap ni Jenine mula sa likod bago siya pumasok. Nagpakawala nalang ako ng buntong-hininga sa ginawa niyang yun. Bakit sa tuwing niyayakap niya ako, wala na yung dati kong nararamdaman para sa kanya? Pilit na sumisiksik sa utak ko na mahal ko siya, pero bakit may kulang?

Minsan, napapaisip na rin ako. Mahal ko pa rin ba talaga si Jenine o sadyang ipinipilit ko lang sa sarili ko na mahal ko siya dahil may isang bagay siyang pinaninindigan ko?

Another hour has passed yet they still haven’t arrived home. I decided to go out and bought myself a cup of coffee from a vendomachine when I heard a familiar voice. I haven’t seen whose voice it is but I surely know that it’s hers.

… Chloe.

Sa pagkataranta ko, nilingon ko kaagad kung saan nanggaling yung boses. Automatikong napakunot ang noo ko nang makita sa Chloe na inaalalayan ni Warren na pumanhik sa hagdanan. Half-open ang mga mata niya at parang wala sa sarili. Is she drunk?

I hurriedly put my coffee on the trashbin and walked towards them. Tumigil sila sa paglalakad at tinignan ako. Sa paraan ng pagtingin nila, alam kong hindi nila gusto ang presensya ko, pero wala akong pakialam. Sila ang dahilan kung bakit ako hindi mapakali ngayon.

“Saan kayo galing? Anong nangyari sa kanya?”

Bumuga sa hangin si Warren at ngumisi sa akin. Isa lang ang masasabi ko, nayayabangan ako sa kanya. “Dustin, hindi naman sa bastos ako, pero diba, wala na kayo ni Chloe? Bakit nangingielam ka pa? Bakit nandito ka pa?”

Hindi ako umimik. Wala akong masabi. Malinaw naman ang tanong niya. Bakit ko sila sinundan? Bagsak ang balikat kong pinagmasdan kung paano niya hawakan si Chloe sa bewang. Dati, ako lang ang gumagawa nyan sa kanya. Ngayon, iba na.

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon