XXXVIII. TOGETHER AGAIN???

156K 1.6K 70
                                    

XXXVIII. TOGETHER AGAIN???

“I want to meet your son.”para akong nanigas ng marinig ko ito mula kay Mark.

“Hindi na kailangan, he don’t know anything about us.”pinigilan kong pumiyok dahil sa tindi ng kaba ko.

“Bakit? Dahil hindi ko siya anak? Wala akong pakialam kong kaninong anak siya dahil kaya ko siyang tanggapin.”desperadong sabi nito.

“Mark please leave my son alone.”pakiusap ko sa kanya dahil natatakot akong makita niya si David at kunin niya ito sa akin. May karapatan itong kunin si David dahil anak niya ito.

“No Janine, do you think papayag pa akong mawala ka ulit sa akin? Hell no! I will and I can accept your son wala akong pakialam kong anak ni Zian yung bata pero akin ka Janine, naiitindihan mo? Akin ka!”alam kong nagtitimpi lang sa mga oras na ito si Mark, madilim na ang mukha nito.

“Hindi si Zian ang ama ni David.”nakita ko itong natigilan.

“Wala akong pakialam kong sino ang ama niya ang mahalaga sa akin ay ikaw. Mahal kita at kayang kong tanggapin lahat para sa iyo. Nagkamali ako at siguro kung ito yung karma ko tatanggapin ko even your child. Walang makakapagpabago ng nararamdaman ko para sayo Janine.”he stare at me blankly. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo na siya ang ama ni David.

MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)Where stories live. Discover now