XVII. NEW SCHOOLMATE
“Sis!” tawag ni Anne nang makita ako nito pagkababa ko ng kotse.
“O? Aga aga makatili ka diyan wagas na wagas.” Siguro may nakita nanaman itong gwapo kaya kinikilig nanaman.
“Hi Papa Mark! Sabay kayong pumasok ah.” Tumango lang naman si Mark kay Anne.
“I’ll go ahead. Wag mo na akong hintayin mamaya may lakad ako.” sabi nito at nauna nang umalis sa parking lot..
“Grabe! Ang sungit, buti nalang hot siya. Uy! Lumelevel up kayo ah may pasabay sabay pa sa pagpasok.” Sa araw araw na ginawa ng Ditos wala din naman ibang ginawa ito kundi ang punain kami ni Mark.
“Ikaw kung anu ano nanaman napapansin mo.” Lahat kasi para dito may meaning.
“Eh kapansin pansin naman talaga kayo.” Nakataas pa ang kilay nito, hindi talaga ito papatalo.
“Sus tigilan mo nga ako, ikaw din naman kapansin pansin ka, wala ka lang tiwala sa sarili mo.” Maganda ito ayaw lang maniwala na maganda siya.
“Hmp! Anyways may chikanez ako sayo girl!” ayon bumalik nanaman ang sigla nito sinapian nanaman ng espiritu ng kalandian.
YOU ARE READING
MR. BADBOY'S WIFE (PUBLISHED Under LIB)
RomanceMark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong nakilala niya na ang bagong salta sa kanilang University na nakakuha ng atensyon ng karamihan? A girl...