Little Secret

5.3K 127 21
                                    

Den's

"Sana maluto ko ng tama yung mga tinuro mo.", sabay tawa kong sabi kay Alyssa.

Huminto siya sa pagkain at tumingin sakin ng nakangiti, "Kaya mo yan.", sabi niya habang nakaipit yung tinidor sa labi niya, "pag may tanong ka, text mo na lang ako."

Hindi ko maiwasang mapagtantong ang cute ng itsura niya. Hanggang ngayon, parang bata pa rin siya umasta. "Sabi mo yan ha?"

"Oo. Pero madali lang naman yan. Kaya I'm confident na magagawa mo yan.", sabay kindat at ngiti niya sakin.

Tumayo ako at sinimulan ng magligpit ng kinainan namin, "Sayo madali kasi dati pa, magaling ka na talaga magluto."

Tumayo na rin siya at tilungan ako, "Sus. Basta, sundin mo lang yung mga measurements tapos lasahan mo kung okay na. Tsaka wag kang maiinip sa paghahalo."

Hindi masyadong nag-sink in sakin yung mga huling sinabi niya, napunta kasi sa tirang pagkain yung atensyon ko.

"Teka, sayang tong garlic bread.", sabi ko habang nakatingin sa hindi nagalaw na isang pirasong garlic bread.

Nagluto kasi siya kanina ng buffalo wings, carbonarra at garlic bread para sa hapunan namin.

Oo. Inabot na ako hanggang hapunan dito sa condo ni Alyssa. Hindi ko na malaman kung ilang oras na ba akong andito.

Maliban sa alam kong alas nuwebe ako dumating dito sa condo niya at ngayon ay madilim na sa labas.

Tumingin ako kay Alyssa at biglang isinubo sa kanya yung tinapay, "sayang to, Ly.", patawa tawa kong sambit habang sapilitang isinusubo sa kanya yung tinapay.

"Ayy!!", nabigla niyang reaksyon, "ano ba yan!"

"Ubusin mo na kasi to.", pilit ko.

Nilakihan naman niya yung buka ng bibig niya saka ko isinubo sa kanya yung natitirang tinapay, "yan. Very good."

"Grabe ka.", halos mabulunan niyang angal, "brutal."

Pero habang ngumunguya si Ly ay napansin ko yung mga mumo ng tinapay sa gilid ng labi niya, "ano ba yan," patawa tawang sermon ko sa kanya habang pinupunasan yung gilid ng labi niya, "ang messy mo kumain."

Pero hindi ko narinig na sumagot o tumawa o mag react man lang si Ly, kayat napatunghay yung tingin ko papunta sa mga mata niya.

Nakatingin lang siya sakin.

Hindi ko sinasadya pero napalunok ako at biglang nakaramdam ng pagkailang.

Mabilis kong inalis yung kamay ko at dali daling kinuha yung mga nililigpit ko at dinala iyon sa lababo.

"Hoy! Ligpitin mo na yang natira.", sigaw ko kay Alyssa kahit nakatalikod ako sa kanya at hindi naman kita kung anong ginagawa niya.

"Sige.", kalmado at natural na sagot niya, "Ilagay mo na lang yan dyan, Den. Ako na'ng bahala dyan mamaya.", dagdag pa niya.

"Okay lang. Konti lang naman 'to.", at sinimulan ko ng maghugas.

"Ang kulit.", reklamo niya.

Nang maibaba niya sa lababo yung mga niligpit niya, hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ako maghugas, "ako na nga yan.", ma-awtoridad niyang utos.

"Kaya ko naman, Ly.", akma sana akong maghuhugas uli pero marahan niyang diniinan yung pagkakahawak sakin.

Inikot niya yung braso ko at pinatingin sa akin yung relo ko.

Lagpas alas nuwebe na.

"Hala?!", tili ko, "Nine thirty na?!"

"Ano maghuhugas ka pa?", naka ngising pang aasar niya.

If We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon