Defeated

4.2K 102 19
                                    

Den's

Sunday

Instead of using my car, ginamit ko yung kotse ni Jus. Sabi ko, feel ko yung kulay ng kotse niya.

At kahit na pinagtaasan niya muna ako ng kilay dahil duda siya sa dahilan ko, pinahiram din naman niya ako.

Kahit na ang totoong dahilan... gusto ko lang iwasan yung posibilidad na may makakita sa akin sa pupuntahan ko.
.
.
.
.
.
Tumingin ako sa wrist watch ko bago i-start yung kotse. 8:30 AM.

"I think, I am early.", kausap ko sa sarili ko, "9 AM ang usapan namin, muka naman akong excited kung pupunta ako roon agad..."

Sumandal ako at saglit na tumahimik at nag isip, "Alam ko na."

I ignited the engine and started to drive, pero imbes dumiretso sa destinasyon ko, dumaan muna ako sa Pan De Manila.

Bumili lang ako ng tinapay, palaman at chocolate drink, saka tuluyang pumunta sa pakay ko.

...

*Ding-dong* *Ding-dong*

"Hey...", magandang ngiting bati niya sa akin nang buksan niya yung pinto, "tuloy ka."

Pumasok ako sa condo niya, "Nice. Ang linis a.", pang aasar ko sa kanya.

Kahit kasi maayos naman yung condo niya dati, pero kapansin pansin na parang mas malinis ngayon.

At amoy pa ang air freshener.

"Nakakahiya naman kasi sa magiging bisita ko.", banat niya.

"Sus. Oh, 'eto.", abot ko sa kanya nung mga binili ko.

"Ano to?", tanong niya habang tinitignan yung laman ng plastic bag, "pandesal?"

"Oo. Almusal natin. Nakakahiya naman kasi kung wala akong dala."

"Nyee. Pwede naman tayong magluto.", saad niya at pumunta sa kusina para ayusin yung mga dala ko.

Sumunod naman ako sa kanya sa kusina at ako na yung nagtimpla ng chocolate drinks, "Ayoko baka sunog na tapa ipakain mo sakin."

Tumigil siya sa ginagawa niya at tinignan ako na parang nagpapaawa, "Kalimutan mo na yon. Di ko naman sinasadyang maging disaster yung tapa. Grabe din.", paliwanag niya.

Marahan kong itinulak yung muka niya para tignan niya yung hinahanda niya.

"Joke lang. Baka lang kasi sabihin mo abuso ako pag pinagluto pa kita ng almusal e tuturuan mo na nga ako mag bake."

"Di ko naman sinabi na ako, Den. Sabi ko, TAYO.",

Nilagay ko na sa dining table yung mga pandesal, palaman at yung inumin namin. "Hay naku, Alyssa. Ayaw mo ba ng dala ko?", masungit habang naka pamewang kong tanong sa kanya.

Tumawa naman siya at nagsuot ng apron, "gusto mo bang eggs? bacon? or hotdog?", tanong niya at hindi pinansin yung sinabi ko.

Tinignan ko siya ng masama, "ayaw mo talaga nito?", turo ko sa mga dala ko.

Naglagay na siya ng kawali sa induction at tumingin sa akin, "Gusto ko naman yan, pero I don't think na mabubusog ka dyan, kaya magluluto ako."

Napaisip din ako.

Sabagay ay may punto siya. Hindi ako mabubusog sa pandesal lang.

Umismid ako bago sumang ayon, "Okay. Sige.", sabi ko, "eggs and bacon ako."

Umiling iling siya habang nakangiti.

Muli akong lumapit sa kanya sa kusina para panoorin siyang magluto, "Iniiling iling mo?", kunyaring pagmamataray ko.

If We Meet AgainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora