Hindi makapaniwala ang abogada sa nakikita. Ang taong nakahiga sa kama, at kahit humpak na ang mukha dahil sa kapayatan, at malalim ang mata, ay hinding hindi niya maipagkakamaling iba kundi ang kanyang ama.
At may nagpapakain dito na isang ginang na kahit nadagdagan ang edad ay kita parin ang kagandahan nito. Halos walang pinagbago ito maliban na lamang sa konting timbang na nawala rito.
"Mom, Dad." Umiiyak na tawag niya sa mga ito.
Buong akala niya ay hinding hindi na niya makakasama ang mga ito kahit kailan. Pero heto't bagamat maraming nagbago sa anyo ng mga ito ay maligaya na rin siya dahil buhay pa ang mga ito.
"Anak!"
"D-darling."
Sabay na tawag ng mga ito sa kanya. Dali-dali siyang niyakap ng Mama niyang matagal siyang nangulila.
"How it happened?" Sambit nito habang yakap siya ng mahigpit. Parehong walang awat sa pagdaloy ang kanilang luha.
"Your Tito told us, that you and your brother died."
What? Pinaniwala ng Tito niya na patay na sila. At ang mga ito sa kanila. Pinaglaruan sila nito sa napakahabang panahon.
How could him to do that?! She couldn't believe that he trusted this man so much! Napakasama pala nito!
"You should be thankful dahil hindi totoong patay na kayo na maaari kong gawin anong oras ko man gustuhin ngayon. Magandang reunion iyon hindi ba?" Saka ito nakakalokong humalakhak.
"Hayop ka!" Sigaw ng Daddy niya.
"Manuel, nakahiga ka na nga lamang diyan ang lakas pa ng loob mong sabihing hayop ako." Nilapitan nito ang Daddy niya saka ito sinakal.
"Huwag!" Sigaw ng dalaga.
"Joaquin?!" Ang Mommy niya na hinawakan pa ito sa braso.
"Matitikman mo ang kahayupan ko Manuel. Maya-maya." Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakasakal sa Tatay niya.
"Joaquin, nakikiusap ako. Huwag mong gawin ito."
Lumuhod ang Mommy niya sa paanan nito. Lumambot naman ang mukha nito, atsaka binitawan ang leeg ng Daddy niya.
Perhaps, he really loves her Mother that much.
Matapos nitong itayo ang Mommy niya ay walang kibong umalis ito ng silid.
---
"Make it fast! Please!" Utos ni Harvey sa piloto.
"Sir, we can not do that. It is so foggy up here."
Alam naman niya iyon, kaya lang kung patuloy na maging ganito ang takbo nila. Maaaring may mangyari o nangyari ng masama sa kasintahan. At hinding hindi niya mapapatawad ang sarili, pag nagkataon.
Sinubukan niyang muli na tawagan ang nobya. Kung ang mga nakaraang tawag niya ay bigo siyang makontak ito, laking tuwa niya ng magring at may sumagot sa numero ng batang abogada.
"Hon! Nasa--
"Iho! Hindi si Chloe ito." Kahit hindi niya nakikita alam niyang nakangisi ang kausap!
"Atty. Rivera! Huwag mong sasaktan sina Chloe!" Gigil niyang bilin dito.
Hindi siya makapaniwala nang matuklasan na ito pala ang may pakana ng lahat. Binuhay nito sa kasinungalingan at pagpapanggap ang magkapatid na Abrogar.
Alam niya, sigurado siyang labis na masasaktan si Chloe oras na malaman nitong ang taong tinurinp niyang ama sa mahabang panahon ay ang dahilan kung bakit ulila na silang magkapatid.
YOU ARE READING
Heaven's Miseries (Completed)
ActionA contest entry. Action. Pero natalo. Hihihi. That's all. LOL. 2013 Alright Reserved. © NescaFaith.
