21

1.7K 34 6
                                    

Chapter 21: Day 1 - Painting of the PAST

[A/N: P.S SOME HINTS HERE! KAYA TALASAN NINYO ANG PAGBABASA, NEVER LEFT A WORD UNREAD]

~ ◆ Ciana ◆ ~

Nag-aayos na ako ngayon sa sarili ko, pupunta daw kami sa isang museum.

"Mukhang nahuli ka kagabi ah" naka smirk na sabi ni Luna

"Yea... unfortunately" matamlay kong sabi, 3am kaya ako nakatulog kagabi tapos ngayon, 7:30am na, 3 hours lang tulog ko, ginising kasi ako ni Luna kaninang 6am, tss...

"Suko ka na?" napalingon ako sa kanya

"Of course not!"

"Eh ang laki-laki na nga ng eyebags mo!"

"Wala akong pakialam sa mukha ko" sabi ko at umupo sa kama ko

"iidlip ka na naman ba?" hindi ko siya pinansin. Dahan-dahang kong sinira ang mga mata ko, I can't help it! Ang bigat-bigat ng katawan ko, specialky my EYES

**knock knock**

Napadilat naman ako dun, tss...

Binuksan ni Luna ang pintuan kaya napalingon ako kung sino, isa palang maid na naghahatid ng mga pagkain

"Ito na po ang breakfast ninyo" sabi niya at binigyan si Luna ng isang tray na merong pagkain.

Isasara na sana ni Luna ang pintuan ng bigla akong sumigaw "Teka!" tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at naglakad papunta sa pintuan

"Pwede mo ba akong bigyan ng isang mug ng coffee?" sabi ko sa maid na nag bigay ng pagkain

"Cge po, babalik ako" sabi niya at umalis na. Sinara ko na rin yung pinto

"Yan ang napapala mo!" sabi niya di ko nalang siya pinansin

"O! Kumain ka na" binigay niya sa akin yung plate na meron isang kanin, dalawang stripes ng bacon, sunny side up at 2 na hotdog, sosyal!

Kinuha ko naman yun at kumain na, infairness, masarap siya aahh... the BEST BREAKFAST EVEERR!!

**knock knock**

"Ako na" baka kasi yung coffee ko

Binuksan ko yung pintuan at tama nga ako "Ito na pi ang coffee niyo" nginitian niya ako

Nginitian ko din siya "Thank you" at sinara ko ng pinto

Nilagay ko yung mug sa tabi ng plato ko at bumalik na sa pagkain

***

"Aaaahhh!!" I feel lively!

Tapos na nga pala kaming kumain at nag hihintay nalang kami sa mga susunod na announcements

"All students please proceed to the lobby"  - speaker

"Alis na daw tayo" sabi ni Luna, tumango ako

Umalis na kami sa kwarto at pumunta na sa lobby

"Okay, students, pupunta tayo sa isang museum, as I said earlier. Please line up, sasakay tayo ulit sa bus since malayo-layo yun" pag eexplain ng tour guide

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya, ang mas napansin ko ay ang mga guards, parami ng parami sila tapos palaging naglalakad malapit sa paligid ko....

"Ciana!" napalingon naman ako kay Luna

"O?"

"Alis na daw tayo!" sabi niya at hinila, nag pahila na lang rin ako.

*****

Museum (P.S GAWA-GAWA KO LANG ANG MUSEUM NA ITO. IT'S JUST PART OF MY IMAGINATION.)

Napa nga-nga kami nung pumasok kami sa musuem... Ang laki-laki.

"Okay, follow me guys" sabi nung tour guide, sumunod naman kaming lahat.

Ipinakita nila sa amin ang iba't ibang mga natural resources na galing dito sa Pilipinas.

Pumasok kami sa isang silid at bumungad sa amin ang isang malaking pearl "Wooow!!" mangha naming sabi

"Here guys, this is the Pearl of Allah or commonly known today as Pearl of Lao Tzu. Una itong nakita sa Brooke's Point sa Palawan." - tour guide "Pearl of Lao Tzu is also the LARGEST KNOWN Pearl IN THE WORLD"

Napa-wow ulit kami.

"Okay guys, sunod naman" - Tour Guide

Pumasok na naman kami sa isang silid kung saan maraming naka-paskil na picture frames.

"Okay guys... this is Jose Rizal, alam niyo naman na siya ang National Hero, so lets proceed ...." - Tour Guide

Meron akong napansin na sulok, it leads to a way na gusto kong puntahan for an unknown reason,  I'm just curious.

At dahil curious na curious ako ay nag lakad ako papunta dun

"Hoy Ciana!" sigaw ni Luna sa akin, napalingon naman ako sa kanya "Saan ka pupunta?" tanong niya

"Dyan lang, babalik ako" sabi ko at naglakad ulit papunta doon, narinig ko pang tinawag ulit ako ni Luna pero di ko na siya pinansin

Lumiko ako at nakita ko ang mga brown old big antique picture frames na naka sabit sa dingding.

Tinignan ko ang unang picture frame, it's a picture of a family, a family picture. Merong dalawang matanda, baka sila yung mga magulang, naka upo sila sa isang royal couch tapos merong dalawang magagandang dalaga na naka tayo sa likod nila, smiling. they look like a happy family.

"Isn't this picture, beautiful?" napalingon ako sa nag salita na nasa gilid ko

"Niña?" she smiled, without looking at me

Tumingin ulit ako sa picture, kumunot ang mga noo ko ng meron akong napansin.

"Diba... ikaw yung nasa picture?" nakakunot kong tanong, she didn't answer and stayed silent

I waited for her answer, pero wala and the atmosphere is getting awkward "I believe in 'Silent means YES' so.... is your answer yes?"

Tinignan niya ako, "Maybe?"

"Maybe?" naguguluhang kong tanong, she just gave me a faint smile and left....

"Okay?" tumungo ako sa next picture, isang matandang babae na merong korona, sunod naman ay isang picture ng isang matandang lalaki na nakasuot rin ng isang korona pero mas malaki yung korona niya kaysa sa matandang babae kanina, yung dalawang matanda nga pala ay yung mga matanda sa family picture.

Tumungo ko ako sa ika-apat na picture, isa itong magandang babae na medyo naka bun ang buhok niya? Expressionless ito at nakasuot ng black dress. [Gilid -》] Siya yung babae na nasa family picture.

Napa buntong hininga nalang ako.

"Ang ganda niya, diba?" nagulat naman ako sa nagsalita

"B-blaze?" hindi niya ako pinansin at tinitignan lang niya ang litrato

"W-well, maganda siya k-kapag ngumingiti s-siya" nauutal kong sabi, ang weird naman, for an unknown reason.

"I know." he said, smiling "Pero she still looks gorgeously stunning"

"Y-yeah" mahinhin kong sabi, napatingin ulit ako sa litrato

"The time is near, Ciana...."

Napalingon ako sa likod ko, wala naman ah? Kami lang naman ang nang dito ni Blaze at alam kong hindi siya yun.

Sino yun?

Nakaramdam ako ng uneasy feeling. "I-I need t-to g-go back" sabi ko at agad na umalis.

I'm sure, it's not Blaze.

__________________________

What do you think?

Sino kaya yun?

My Ice PrincessWhere stories live. Discover now