C#10

696 27 0
                                    

***

"A Princess loving a Princess"

Chapter 10
{Continuation of chapter 9}

Youme POV

pagbabang pagbaba ng motor ay nahakot agad ni Shiny ang mga tingin ng mga tao. Tss. Bat ba kasi ang astig niya ngayon?

Naka leather jacket, combat shoes at naka slacks lang naman siya pero ang astig niya! Sobra! Nagniningning pa sa araw ang puti niya at nagpa dagdag pa ng kaastigan niya yung buhok niyang nakalugay at tinatangay ng hangin.

"Stop staring..."
Siya. Kaya napaiwas ako agad ng tingin. Hmmp!

Pagka kita ko naman sa mga tao sa paligid, halos dukutin ko na mga mata nila kasi sila nakatitig kay Shiny! Ako ayaw niyang titigan ko siya tapos sila hmmp! Hmmp!

"Don't pout." Siya nanaman.

Ang inglesera talaga ng babaeng to, pansin niyo ba? Ako kasi halata ko na, minsan lang niya kasi ako kausapin ng tagalog eh, palibhasa kasi anak mayaman kaya siguro more on english siya.

"Why not?" Ako. Yan tuloy napapa english narin ako.

"It turns me on."

Naramdaman ko namang uminit tung pisngi ko! The heck! Ano bang pinagsasabi nitong englisera na to hayz!

"Ouch! Ouch! Stop it!"
Pinalo palo ko nga siya. Nakakainis siya eh.

"Nakakainis ka talagang englisera ka! Hayz!!"

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Wala!"
Tapos iniwan ko na siya hmmp naiinis ako kasi aahhh! Basta!

Shine POV

Problema ba ng babaeng yun?
She's hurting me pero hindi naman talaga masakit. Para nga siyang hangin lang sumuntok hahaha!

She's simple yet so  beautiful in my eyes,
Ang cute niya mag blush at aaminin ko na tu turn on ako kapag naka pout na siya! Really it's uuuhhh!!!

"Hey, Wait bat ba ang sunget mo Youmeng?"
Tanong ko. Siya simangot lang.
Dahil kaya hindi ko siya nasundo?

Eh kasi naman di ako nakatulog agad kakaisip sa kanya na late ako ng gising. Buti na nga lang ay naisipan kong mag motor nalang kanina sakto kasi traffic pala dahil sa ayun patay sa daan.

"I said stop pouting or else I will kiss you." Ako. Then napa tigil siya bigla tas tinitigan ako. Now what?

"Kiss? Pareho kaya tayong babae sira kaba?"

And With that nasaktan ako, i feel hurt. Oo nga naman pareho kaming babae. Babae. What do I expect? Hahaha! Napailing nalang ako.

"Ha-ha! Oo nga tara kain?"

Ako. Tapos ako naman ang nangiwan sa kanya.

Si Youme? I like her, sa kanya napukaw ang pansin ko simula pa nung una. And i think hindi nalang "like" yun ngayon, mabilis man isipin pero totoo. Hay...
Kung ganun din siya ayoko isipin, dahil alam ko naman na wala siya nararamdaman sakin dahil una sa lahat PAREHO KAMING BABAE. at alam ko hindi open  siya sa mga ganito, straight siya.

"Hoy babae! Hintayin mo naman ako!"

See? I'm "BABAE" daw. Babae siya babae ako.
Kaya makuntento ka nalang Moonshine kung ano kayo ngayon.

nilingon ko siya at dinilatan kaya lalo siyang umusok sa inis haha! Ang cute cute niya mamula mula na nga siya.

"Aw...! Ano ba yan! " sabi ng babae na nakabanggaan ko, hindi ko kasi siya nakita, nilingon ko kasi si Youmeng tss. Yan napa upo yung babae.

"Sorry miss sorry." Kako, yung babae naman nagpapagpag na ng dress niyang nadumihan.
Napatulala lang siya ng mapadako ang tingin sakin at parang kinikilala ako? Hmm?

"Hey? Shine right?"
Huh? Sino naman tung babaeng to.

Teka? Bat parang nahilig ako sa salitang babae?
Kasalanan to ni Youmeng !

"I'm Fresca remember?"
Fresca? Diko kilala..

Asan naba si Youmeng ang tagal niya kaya nilingon ko siya then hayan sakto nasa likod ko na pala siya. Hingal na hingal siya napatawa naman ako haha! She keeps me happy every time she's near me.

"Anong lahi kaba ha Shiny bat ang bilis mo naman tumakbo, yung totoo may lahing kabayo kaba?"

"Sa ganda kong to kabayo? Laswa naman Youmeng."

Tapos nagtawanan na kami. At naglakad na patungong cafeteria.

"Aheemm, excuse me I'm still here."
Sabi ng Sino naba to ulit?
Nakalimutan ko nandito nga pala siya. Masyado kasi natuon ang pansin ko kay Youmeng.
Lumapit siya saakin at nagpalipat lipat ang tingin niya saamin ni Youmeng. Tinignan niya ng pababa at pataas si Youmeng kaya napakunot ang noo ko ganun din naman si Youmeng.

Youme POV

Aba aba tung babaeng to na kamukha ng isang clown ay tumitingin ng baba pataas?
The heck!

"Who is she?" Tanong niya kay Shiny habang nakaturo yung hintuturo niya sakin kaya napataas ako ng kilay.

Hindi ba dapat KAMI ang dapat magtanong sa kanya niyan. Kilala kaya siya ni Shiny? Pero sa nakikita ko parang hindi niya kilala eh dahil nakakunot lang noo niya.

"Excuse me miss pero siguro kami ang dapat magtanong sayo niyan sino kaba?" Ako. At ang babae lalong tumaas ang kilay, konti nalang aabot na sa anit niya.

"She knows me." Sabi ulit ng babae sabay turo kay Shiny.

"Ha? I don't know you sino kaba?" Shiny.

"Come on Shine I know you know me." Babae.

At ako palipat lipat nalang ang tingin sa kanilang dalawa.

"Miss hindi kita kilala so if you don't mind aalis na kami dahil naririnig ko na yung mga anaconda sa tiyan ng babaeng kasama ko na may lahing baracuda."

Shiny! The heck! At talagang binulong niya sa tenga ko yung huling sinabi niya saka siya tumawa ng malakas.
Yung babae naman ngayon ang palipat lipat ang tingin samin.

"Bye miss." Tapos umalis na kami, kahit tinatawag siya ng babae hindi na siya / kami lumingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nang kumakain na kami ni Shiny ay my biglang umupo sa tabi ko. Napataas naman ang kilay ko dahil siya nanaman yung babae kanina!

"Ikaw nanaman?" Sabi ko.

Yung babae naman inirapan ako. Abat! Tapos tinuon niya ang tingin kay Shiny ko!!

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala?" Sabi niya, si Shiny wa sagot haha buti nga sayo. Kumakain lang siya ng cotton candy.

" I'm Fresca! Fresca sa bar noon?"

Bar? Nag pu punta si Shiny sa bar?
Tumigil naman si Shiny sa pagkain saka nag isip tapos ilang sandali umiling lang siya.

"Gosh! I'm Fresca! Naka inuman mo dati sa bar, na inuwi pa kita sa bahay dahil lasing na lasing kana then pag gising ko wala kana, ang daya mo nga eh matapos kitang paligayahin ng gabi iniwan mo lang ako."

Then si Shiny biglang nakaalala, hmm? So magkakilala talaga sila? Ano? Bahay? Bar? Lasing? Paligahin? Ano nangyayari?

"I know you know me dahil ako lang nman ang pinaka magaling mong naka one night stand."

Whatttt?? One night stand??!!
Nabilaukan ako...
Kaya pala paligayahin? Lintik!!
That girl! Urgghhh!!!
Biglang nag init ang ulo ko gustong gusto ko siya sabunutan!

"Excuse me.." Kako lang at umalis na.

Narinig kong nagsalita si Shiny pero diko na naintindihan.

Sumisikip ang dibdib ko!
Kaya mas pinili kong umuwi na at magpahinga.

Ewan ko pero
Nasasaktan ako.
Ang sakit isipin na may nakapag paligaya na sakanya noon pa.

***

Vote!
Comment!

HalfbloodyMoon

A Princess Loving A Princess [Extraordinary GxG Paranormal Story] *SPG*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon