Chapter 12

15.3K 457 12
                                    




Chapter twelve

"Bulaklak"

Napaawang ang aking bibig habang nakatingin kay Mishael. Ilang segundong nanatili ang titig ko sa kanya. Si Mishael at ako? Magkasama sa isla ng Jeju nang kami lang dalawa?

"Mishael," kumunot ang noo ko at umiling ako sa kanya kahit sa totoo ay kumabog ang puso ko sa kuryosidad na makapunta sa ibang bansa. "Hindi ako pwedeng makaalis ng Pilipinas. Mayroon akong trabaho dito, atsaka 'yong mama ko..." lalong lumakas ang iling ko sa kanya. "Hindi ko talaga pwedeng pabayaan ang trabaho ko dito."

Nakita kong bahagyang napakunot ang kanyang noo sa akin at natigilan siya.

There was silence.

"Think about it, Cindy." Ani Mishael.

Inisip ko nga ang magandang tanawin na maaari kong makita doon sa mala-paraisong lugar na iyon, pero inisip ko din ang ilang araw akong mawala, at isa pa, hindi propesyonal ang dahilan na mag-aabsent ako sa trabaho nang dahil lamang sa isang premyong bakasyon. I am a nurse. Trabaho ko ang isipin ang kapakanan sa iba. Sa ilang araw na mawawala ako sa ospital kung sakali, parang sinasabi ko lang din na hindi ko passion ang trabaho ko at ayokong magbantay ng pasyente, na kaya kong ipagpalit ang trabaho ko para sa iba pang mga material na bagay sa mundo. At ang pinakaayaw kong mangyari ay baka magiging bad record sa akin ang umalis ako. Ilang taon kong pinaghirapan na marating ang titulo ng pagiging RN, at isang napakagandang biyaya ang mabigay sa akin itong opurtunidad na natanggap ako ng SUMC. Isang kilalang ospital ang SUMC at ayokong mawala sa akin ang puwesto ko dito. Natatakot akong mangyari iyon. Paano na ang mama ko?

Umiling ako kay Mishael muli.

"Hindi talaga, Mishael... I'm sorry." Napatungo ako. Nasa imahinasyon ko pa din ang hitsura ng dagat kapag mapasyalan ko ang baybayin nito. "Ang nais ko naman talaga ay sa iyo ko na ibibigay ang grand prize ko. Inisip ko na din na maganda ang magpunta kaming dalawa ni mama sa Jeju. Oo. Pero kukulangin sa panahon ang makuha niya ang lahat ng kanyang papeles upang makaalis. Ang totoo din ay wala naman akong passport upang makapunta sa ibang bansa gaya ng korea. At isa pa, mayroong sakit sa puso si mama at natatakot ako kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya kapag magbabakasyon kami sa malayo." Tumingin muli ako sa kanyang mga perpektong mata. "Kung pwede, iba na lang sana ang paraan upang mabayaran kita, Mishael. 'Wag kang mag-alala hahanap talaga ako ng paraan."

Natahimik si Mishael. Hindi ko maiwasang hindi mapamangha sa mala-immortal niyang features sa mukha. Napakaguwapo ni Mishael kahit anong anggulo. Pakiramdam ko ay uminit ng bahagya ang aking mga pisngi nang dahil sa aking mga iniisip.  Nakakapagtataka talaga kung bakit nagbreak pa sila ni doktora Athalia.

"You're right." Napailing si Mishael at napatingin siya sa aking gilid upang tila maiwasan na magtama ang aming mga mata. Bumuntong hininga siya't humina ang kanyang boses. "Gusto kong humingi ng dispensya. I was foolish for trying to force you so impulsively."

"Tanga din siguro ako 'no." tipid akong napangiti. "Mayroon na ngang swerteng nakarating sa akin, hindi ko pa tatanggapin."

Hindi lamang siya nagsalita at nakinig lamang siya sa akin.

Sa huli ay hinayaan na lamang niya akong makapasok sa loob ng gusali. Naramdaman kong parang gusto niya akong pigilan pero hindi niya ginawa. Huminga ako ng malalim at nang lumabas na ako ng gusali ay wala nang premyong nakalagay sa pangalan ko. Magsisinungaling ako kapag sasabihin kong hindi mabigat ang pakiramdam ko habang lumalabas ng gusali at nadatnan ko si Mishael na nakapamulsang naghintay sa akin sa labas.

Agad siyang napatayo ng maayos nang lumabas ako.

"Tapos na." ngumiti ako sa kanya upang hindi siya mag-alala sa akin. Mamaya ay baka iisipin pa niyang nalungkot ako dahil tinanggihan niya ang alok ko sa kanya.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon