Chapter 2

24.4K 630 29
                                    

Chapter Two

"His Place"

"Uhh.. Dito lang po ako, Sir Mishael." Nang nakarating na kami sa tapat ng ospital ng SU ay hinawakan ko na ang pinto ng kanyang kotse.

Hindi nagsalita si Sir Mishael. Tahimik at seryoso lang niyang niliko ang kotse patungo sa isang parking lot.

"Umm.." Tumikhim ako at naghintay na ihinto niya yung kotse.

"Stay there." napaangat ang aking mga balikat nang nagsalita siya. Pagkatapos niyang magpark ay lumabas siya kaagad mula sa driver's seat. Ni hindi siya tumingin sa akin. Saan siya pupunta?

Kumunot ang noo ko at sinundan ko siya ng tingin. Umikot siya ng kotse at nagulat ako nang nasa labas na siya ng pinto ng front seat at binuksan niya ito.

"Baba ka na." monotonous niyang sinabi. Para siyang robot kung magsalita.

"O-Opo." Tumango na lamang ako at bumaba na nga ako ng kanyang kotse. Nahiya pa ako dahil hindi ako sanay na nakasakay ng ganito kamamahaling kotse.

Pagbaba ko ay humarap ako sa kanya. He was tall, at kailangan ko pang tumingala ng bahagya upang masilayan ang kanyang mukha.

"Uhh.. Thank you po pala at hinatid niyo po ako rito, Sir. Tapos.. yung ginawa niyo rin po kanina.. H-Hindi ko po alam kung paano magbabayad. Malaki po talaga ang.. ten thousand. Pero kung bibigyan niyo po ako ng ilang buwan Sir, mababayaran ko rin po kayo..." kinagat ko ang aking labi at sa loob ng isipan ko ay nagcacalculate na ako kung ilang buwan ba ang kakailanganin ko upang makapag-ipon ng pambayad sa kanya.

"You don't need to pay me back." Matigas niyang sinabi. Tumingin siya doon sa mga buildings sa paligid namin. His face was so stern, hindi ko maiwasang makita ang pag-igting ng kanyang perpektong panga.

Agad akong nagprotesta sa kanyang sinabi. "Pero Sir--"

"Can you stop calling me that? You're not my employee." Natigilan ako nang tumingin na naman siya sa akin ng seryoso.

He really is intimidating.

"Uhh.. Opo.." Tumikhim ako at tumingin sa baba.

"Drop the 'po', Cindy."

Natigilan ako nang bumaling siya sa akin nang ganoon. Tumikhim na lamang ako at nanatiling tahimik.

Bigla siyang pumunta sa likuran ko at sinara niya ang pinto ng kotse. Bumalik siya sa driver's seat, kinuha niya ang susi mula sa loob ng kotse at narinig ko kung paano niya nilock ang mga pinto ng sasakyan pagkatapos.

Nanlaki ang mga mata ko. Teka.. Yung mga bagahe ko doon sa loob?!

Magsasalita na sana ako pero nagulat ako nang bigla nang tumalikod si Sir Mishael at nagsimulang maglakad patungo doon sa ospital. Papunta rin ba siya ng ospital?

"Uh.. Sir Mishael-- este.. Mishael?" Nagjog ako patungo sa kanya. "Saan po kayo pupunta?"

Nagbuntong hininga lang siya at nagpatuloy sa paglalakad imbes na sagutin ako.

Patuloy na lang akong sumunod sa kanya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko talaga nababasa ang iniisip niya. The next thing I know, nasa harap na kami ng ospital at pumasok na siya sa malaking pintuan nito.

Pinagmasdan ko kung paano naagaw ni Sir Mishael ang tingin ng bawat taong dinadaanan niya. Panay ang sulyap ng mga tao, lalo na ng nga babae, sa direksyon ni Mishael. Nakakaagaw-pansin naman talaga ang kanyang mukha, not to mention his perfect build.

Halos napatalon ako sa kaba nang bigla na naman siyang huminto at lumingon sa akin. Our eyes met.

"You should go to work now." aniya.

Before I Go (TDL Series #4) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon