chap 58: The confessions of Love (Part 2)

3K 77 4
                                    

Mira's P. O. V

Dalawang araw na ang nakakalipas hindi pa rin siya nagigising. Argh! Bwisit!! Pumunta nalang ako sa isang bar.

"Ano pong order niyo?? " pagtatanong ng bartender sa akin.

"Alak malamang" kainis rin ang isang to ah. Bad mood ako tapos sasabay pa ang gagong to.

"I mean ano pong klaseng alak ma'am " pagtatanong niya ulit.

"Vodka straight up " I said. Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na rin ang order ko. Uminom lang ako ng uminom hindi ko na rin mabilang ang nainom ko. Nagiging malabo na rin ang paningin ko pero wala akong pakialam umorder pa ako ulit.

"Isa pa" sigaw ko sa bartender.

"Ma'am nakakarami na po kayo lasing na nga po kayo eh" bartender. Aba kailan pa natotong mangaral ang bartender sa bar ha.

"Wala kang pakialam hindi mo alam kung anong sitwasyon ang kinalalagyan namin ngayon. I know I'm doing this to escape from the problems were on right now pero hindi mo ko masisisi. Right ?" pagpapaliwanag ko sa bartender. Medyo tipsy na rin ako ni halos hindi ko na masyadong nasisilayan ang mukha ng bartender sa counter.

"Pasensiya na po ma'am hindi ko po kasi alam na marami po kayong problema" ani ng bartender.

"Kaya nga dahil hindi kayo marunong makiramdam mga lalaki nga talaga mga sarili niyo lang ang iniisip niyo." wika ko.

Hiccup

"Miss mukhang lasing ka na ah" ng may isang lalaking kumausap sa akin bigla nakita ko pa na umupo siya sa gilid ko.

"Argh!! Sira ka ba nakita mo na ngang lasing diba paulit ulit lang ha!! " pasigaw kung sabi.

"Miss siguro sumama ka nalang sa akin magpahinga ka muna" naramdaman kung humawak siya sa balikat ko. Aba manyakis ang lalaking to. Ah shit, wala akong masyadong lakas kahit na pilit kung tanggalin ang pagkakahawak niya sa wrist ko hindi ko matanggal.

"Hey ano ba let me go!! " pilit akong pumipiglas sa pagkakahawak niya pero ang lakas niya. Tinamaan na rin ako ng alak unti unti ng tumatalab.

"Come on I'll take care of you " ang baho niya amoy alak siya.

"I said let me go!! " paglaban ko sa kanya.

"Let her go! " ng makarinig nalang ako ng boses. Ang boses na yon si Einar pero bakit siya nandito??

"Bakit ka ano-anu ka ba niya ha??!! " pagalit na sabi ng lalaki.

"Boyfriend niya kaya back off kung ayaw mong puruhan kita!! " t-teka ano daw b-b-boyfriend??

"Pasensiya na" bigla nalang umalis ang lalaki.

"T-teka anong boyfriend ha!!! Sira ka ba!! Adik ka ba!! " sunod sunod kung sigaw sa kanya.

"Ikaw bakit ka ba nandito ha!? Kung hindi kita sinundan kung ano na ang nangyari sayo!! " nagulat ako ng narinig kung sumigaw siya. G-Galit ba siya?? At sinundan niya daw ako??

"T-teka sinundan mo ko?? " pagtatanong ko sa kanya.

"Kakasabi ko lang diba. Halika na nga iuuwi na kita sa inyo. Here bayad niya keep the change" sabi niya at nagbayad sa counter at sabay hila niya sa akin.

"Aray ano ba!! " pagrereklamo ko at tumigil nalang siya bigla.

"Tsk. Uuwi ka na sa ayaw at sa gusto mo!! " bigla nalang niya akong binuhat sa may balikat niya na para bang wala lang ako.

"H-hoy ibaba mo ko ano ba!! " pagpupumiglas ko.

"Wag ka ngang gumalaw!! " rinig kung reklamo niya.

Gangster Queens Vs. Mafia Kings [COMPLETED]Where stories live. Discover now