Waiting For The Train (Part 2) (Oneshot Story)

1.2K 30 24
                                    

Dugdugdugdug.

Kahit na 5 years na ang nakalipas, hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Naiiyak at nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pwesto niya sa isang certain point sa train, ang pagha-"Hi" niya at pagngiti sa akin, ang vandal niya sa bench, at ang pangyayaring nagtapos sa aming lihim na pagtingin.

Dugdugdugdug.

Pero kahit na ang train na 'to ay puro sakit lang ang idinulot niya sa'kin, hindi ko pa ring makuhang iwanan ang train na 'to.

Oo. Andito pa rin ako sa train kung saan kami palaging nagkikita. May idinulot din naman itong magandang memories sa akin.

Ganun pa rin naman buhay ko. Sakay ng tren-school-Sakay ng tren-bahay. Graduating na ako ngayon sa college. Sa mga susunod na taon, magiging busy na rin ako. Magtetake-over kasi ako ng publishing company namin. May isinulat nga din akong mga stories eh, at ang isa, naging mabenta. Ginawa ko pa ngang character dun si Train Guy eh. He's always been my inspiration when I wrote down my stories.

Akala ko, ganon na lang ang buhay ko. Kaso, may isang araw na iba sa lahat. Isang araw na gumimbal sa tahimik kong puso.

Pauwi na ako nun. Naghihintay ako ng train. Nandito ako ngayon sa bench na palaging inuupuan naming dalawa. Nakayuko lang ako nun, nang may bigla akong narinig na boses.

"Hi!"

Rinig ko ang mga maiingay na tibok ng aking puso. Teka? Ano 'to? Deja-vu ba ang tawag dito. Nakayuko pa rin ako nun.

"Ah Miss, sa'yo ba 'tong panyo na 'to?"

After I heard that line, my eyes got wet and I was shock. Pinunasan ko naman agad ito.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at sobrang nagulat ako sa aking nakita.

M-Magkamukha sila ni Train Guy? O baka naman nananaginip lang ako dito.

"Miss, panyo mo ba 'to? Nakita ko kasi na nahulog mo eh."

Mali ako. Hindi ito isang panaginip.

"Ah, o-oo! Te-thank you," nauutal kong sagot.

Pagkatapos kong utal-utal na nagsalita, kinuha ko naman ang panyo ko. Ngumiti lang siya sakin at umupo sa tabi ko. Niyuko ko naman kaagad ang ulo ko. He left me thinking a lot of things. Kuhang-kuha niya talaga ang ngiti ni Train Guy. Isama mo na rin ang mukha't body physique nito.

Dumating na ang train. Nauna akong tumayo sakanya at kinuha ang mga libro ko na nakapatong dun sa bench . Nakayuko akong naglakad nun at pumasok na sa loob. Nakasunod siya sa'kin. Pagkatapos ng about 30 minutes, nauna siyang bumaba. Kumaway siya at ngumiti sa akin. Ganun din naman ang ginawa ko.

Simula nung araw na yun, nagpatuloy ang routine namin na yun. Parang si Train Guy talaga siya. Magha-"hi" siya sa'kin at maghe-"hello" din naman ako sakanya. Pagkatapos nun, katahimikan na. Tapos bababa na siya at kumaway't ngumiti sa'kin. Ganun din naman ako sakanya. Minsan, iniisip ko na siya ay si Train Guy talaga. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi naman kasi kami close. Pero kung tatanungin niyo ako na may pagtingin ako sa kanya? Ang sagot ko dyan ay:

Ewan. 'Di ko alam.

Sa tuwing magkasama kami sa tren ni "Train Guy No. 2", bumabalik  lahat ng masasaya't malulungkot na araw ko na kasama si Train Guy. Dahil sa nangyaring hindi na kinaya ni Train Guy na mabuhay pa, parang naging manhid na ang puso ko at hindi na kailanmang tumibok sa iba. Ngunit, parang bumabalik ang lahat ng nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Train Guy No. 2 Pero hindi ko alam kung mahal ko na ba siya o hindi.

Isang araw, habang naghihintay kaming dalawa ng train, may nakita akong kulay berdeng papel na nakaipit sa libro niya. Inisip ko naman na baka bookmark lang or something. Ngunit nung dumating na ang tren, nakita kong nahulog ang papel sa libro niya. Nauna kasi siyang tumayo sa akin. Nung medyo malayo-layo na siya sa'kin, pinulot ko ito at nilagay sa bag ko. Pagdating ko sa bahay, binasa ko ang nakasulat dito.

Waiting For The Train: Together We Ride (A Fanfiction One-shot Story)Where stories live. Discover now