Chapter 1

10.3K 232 6
                                    

Chapter 1: Aiza is back

“Aiz! Tara nga dito!”, napadilat ako ng sumigaw si Drew. Sumimangot ako kaagad at ibinalik ang mata ko mula sa pagkakapikit.

“Aiz!”

“Andrew! Manahimik ka pwede ba!”, bulyaw ko sa kanya. Ah! Ang aga-aga ang ingay ng isang ‘to!

“Aray!”, nagulat ako ng bigla niya akong pinitik sa noo. Agad akong napahawak doon, agad ko siyang hinarap at itinaas ang kanang kamay ko para suntukin siya.

“The hell, Aiz?”, natatawang sabi niya at umalis sa harap ko. “Lumayas ka na dito, tulog ka ng tulog.”, dagdag niya.

“Ako pa papalayasin mo?! Baka nakakalimutan mo na-“

“Na, ikaw ang naglalagay ng supply ko ng pagkain dito. Na ikaw ang nagbabayad ng kuryente ko. Hindi ko nakakalimutan, Couz.”, humalakhak siya. Nang-aasar talaga e!

“Peste ka, Andrew del Castillo!”, inis na sigaw ko sa kanya at dinampot ang bagpack ko na nakapatong lang sa may lamesita sa tabi ko.

“Yan ganyan, papasok ka kasi! Sayang binabayad ni Tito na tuition fee!”, nang-aasar na sabi niya.

“Fuck you, Andrew!”, galit na sigaw ko sa kanya at lumakad na papunta sa may pinto “Wag mo lock pinto mamaya, uuwi ako kaagad. I-lock mo yan at pagdating mo dito, sira na ‘to.” Turo ko sa pinto tapos ay lumabas na.

***

“Yo, Aiz! Long time no see!”, napatingin ako sa nagsalita mula sa likod ko.

“Vincent!”, bati ko sa kanya at nag-apir kami.

“Ano ‘yun? Siya lang?”, napansin ko ang mga kasunod ni Vincent. Kasama niya ang buong barkada.

Ngumiti ako. “Yo, guys. Musta na? Long time no see, ah?”, saad ko at sinalubong ang mga high-five nila.

Bigla naman umakbay sa’kin si Kevin, ang isa sa mga pinaka-kaclose ko sa barkada. “Eh ikaw lang, eh. ‘Di mo sinabi nagbakasyon ka pala sa US, ‘de sana sumunod ako.”, natatawang sabi niya.

“Yuck, Kevin! “, daing ng mga kasama namin. “Bitawan mo nga si Aiz, di kayo talo niyan ano!”, bigla ay hinila ako ni Chuck at siya naman ang umakbay sa’kin tapos ay hinila niya ako papunta sa kung saan.

“Kain tayo, gutom na ako e. Libre mo kami, Aiz.”, saad ni Chuck

“Oo nga, pambawi. Wala ka pasalubong sa’min eh.”, pagsang-ayon nina Kevin at ng iba pa namin na kaibigan na nakasunod lang sa’min.

One of the BoysWhere stories live. Discover now