Ngunit ganoon na lang kabilis na tinakasan ako ng kaluluwa nang makilala ang lalaki. Hindi pa man ito tuluyang nakakapag angat ng tingin dahil sa pagiging abala sa pag babasa, ay hindi naman naging hadlang iyon upang hindi maalala at makilala ang lalaki.

Ang lalaki sa mall!

Lintek, kung hindi ka naman talaga minamalas!

Nag angat ito ng tingin, at sa hindi inaasahan ay nagtama kaagad ang aming mga mata. Ngunit sa aking pagtataka ay wala man lang rumihistrong pagkagulat doon, mas kapansin-pansin pa nga na tila inaasahan nitong magkikita kaming dalawa. Sa takot at kaba ay hindi ko napigilang mapalunok.

“Ms. Salazar”— unang banggit pa lang nito sa pangalan ko ay pinanginigan na ako ng tuhod.

Alam ko na ang mangyayari sa'kin, at mukhang hindi ako tatagal sa kompanyang ito ng isang araw.

“You're fired.”— napapikit ako nang marinig ang mga katagang iyon. Nang makilala ang lalaki ay alam ko na ito ang gagawin nito. Sino ba naman normal na tao ang tatanggap sa babaeng minura-mura ka. Syempre wala! Inaasahan ko na rin nasasabihin nito ang mga katangang iyon.

“Wait, Mr. Montefalcon?”— narinig ko ang boses ni Elea, nagdilat ako ng mga mata. Humakbang ito pauna at tumapat mismo sa harapan ni New Boss, tila mag po-protesta.

No Elea!

Gusto ko iyong sabihin dito, ngunit hindi ko magawa.

“Bakit aalisin n'yo si Paine, hindi pwede sir.”— tumututol na sabi ni Elea. Bakas na bakas sa mukha ng babae na hindi nito nagustuhan ang sinabi ng amo. Sino ba naman ang matutuwa, huling araw na nito ngunit mukhang mauudlot iyon dahil sa boss nitong antipatiko!

Sa ngayon ang mga mata ni New Boss ay na kay Elea na, nakita kong binitawan nito ang papel na hawak bago isinandal ang sarili sa upuang kinauupuan.

“Why not?” — walang ganang tanong ng lalaki.

“Sir, hanggang ngayong araw na lang ako.” — sagot ni Elea. Muling bumalik ang titig ng lalaki sa akin, tuloy ay napaiwas ako ng tingin at natuon ang paningin sa papel na hawak nito kanina. At muntik ng mapamura nang makitang resume ko pala ang nakapaloob doon. Kaya naman pala hindi na ito nagulat nang makita ako. Inaasahan na nito ang aming pagkikita!

“But I want to fired her.”— sabi pa muli ng lalaki. Nang mag angat ako ng tingin ay sakin pa rin ito nakatingin. Muli naman akong kinalibutan. Alam kong mukha akong maamong tupa ngayon, ibang iba sa karakter na ipinakita ko rito kanina.

Nakakahiya!

Narinig kong bumuntong hininga si Elea.

Hala, suko na ba ito agad? Hindi na ba ito mag po-protesta?

“Kung iyan ang gusto n'yo, pero huwag nyo rin sanang asahan na narito pa ako bukas.”— nagpapasensyang sabi ni Elea. “Alam na ni Ms. Salazar ang lahat ng trabaho ko bilang sekretarya n'yo kahit ilang oras ko lang siyang tinuruan. Matalino at madali siyang makapick up Sir.”— pagtatanggol pa nito. Nais ko na talagang pigilan si Elea sa mga sinasabi. Parang nais ko na lang mag tatakbo at huwag ng bumalik dito. Punong puno ng kahihiyan ang aking pagkatao.

Ngunit sa lahat ng mga sinabi ni Elea ay hindi man lang nagsalita o nagka reaksyon ang lalaki. Tuloy ay muling napabuntong hininga ito at bahagyang tumango.

“Lets go Ms. Salazar.”— aya sa'kin nito. Akmang lalabas na kaming dalawa nang mag salita ang lalaki.

“Leave Elea, stay Salazar.”

Nanlaki naman ang aking mga matang binalingan ang lalaki. Anong balak nito. Pipigilan ko sana si Elea sa pag alis nito at sabihin okay lang na maalis ako sa trabaho, ngunit nang sulyapan ko ito ay wala na ang ito.

Boss! I'm Pregnant! (Edited Version) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ