Chapter 6 : The Skeptic and Believer

Magsimula sa umpisa
                                    

"Someone's skeptic" He said sarcastically na para bang iniinis ako so I just huffed. I believe in one thing, shit happens and the only one who can help you is yourself.

"Youre blind. What are you still doing here? Madaming masasamang loob sa paligid. You might get mugged" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hinihintay ko pa ang mga kaibigan ko. May usapan kami eh kaso matatagalan daw sila. Hihintayin ko lang sila dito at isa pa kung maho-holdap ako edi okay lang. Everything happens for a reason Ms. Transferee" Yung totoo? bakit ang korni ng lalaking to?

Everything happens for a reason my ass. If it really does then why did my dad died? Eversince he died nothing good happened. Bullshit.

"Believe what you want. Basta kung may daraan ditong taxi uunahan talaga kitang sumakay." I said in all honesty.

Again, he laughed. "Di ka naaawa sa bulag na gaya ko? What if sabihin kong uuwi nadin ako. Uunahan mo talaga ako sa pag-para ng taxi?" he asked.

Napailing-iling ako, "Nope. Kung babae ka pagbibigyan kita. See the saying is 'Ladies first' not 'Blind is first'. And besides mas malaki ang chance na ma-rape ako compared sayo."

"Andy Lim nga pala" He  said as he extended his arm in my direction.

Nakunot ang noo ko. Baka may sira talaga sa ulo ang isang to. "Malamang madilim nga. bulag ka eh" I sarcastically said.

He laughed. Crazy blind guy.

"Youre funny. Coincidence din naman kasi na bulag pa ako tapos Andy Lim pa ang pangalan ko. You can call me dilly and you are? By the way wala ka bang balak makipag-shake hands?" He said.

"No. Youre a guy. Who knows anong hinawakan mo. Eww did you even wash your hands after going to the comfort room?" I said frankly so ibinaba niya lang ang kamay niya at tumawa ulit.

"Dilly! Nandiyan ka lang pala!" Biglang may sumigaw na babae at agad siyang tumakbo papalapit sa amin. Basang-basa siya ng ulan kahit nakapayong siya.

"Uy Yani di ka pa umuuwi?" Tanong ni Dilly while still facing me kayat umatras na lamang ako para sila nung Yani ang magkaharap. 

Tiningnan ako nung Yani. She looked so curious as she was looking at me kayat inirapan ko nalang siya. Aish, heto na naman sila. Nakausap ko lang saglit ang boyfriend at crush nila ang sama na agad ng iispin. In a matter of minutes I would be branded malandi again. Hayy. Sometimes I just want to push them off a cliff.

Sumandal na lamang ako sa pader hoping na may taxi ng darating but I cant help but to hear their conversation since nasa malapit lang sila.

"Yani gabi na ah? Bakit di ka pa umuuwi?" That blind korni dude, Dilly asked.

"Nag-practice pa kasi kami sa choir eh. Ikaw?" Sagot nung Yani na parang kinikilig. May pa-cute pa-cute pa ang loka eh bulag ang kausap.

"Hinihintay ko pa sina Chord at Puma."

Bigla akong may naaninag na taxi kayat dali-dali ko na itong pinara. Mahirap na baka maunahan ako nitong babaeng to o di kaya nung korning bulag.

Sasakay na sana ako sa taxing kahihinto lang kaso bigla akong tinawag nung bulag.

"Uy teka Ms. Transferee ano ang pangalan mo?!" Sigaw niya kahit hindi siya nakaharap sa akin.

"Shane" Tipid kong sagot at agad nang umalis sakay ng taxi.

 END OF CHAPTER SIX.

- - - - - - - - --

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥ 

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon