Fucking gosh. Nakakanginig ng laman!

To be honest, kay Kuya Kurt ako unang na-inspire matutong mag-archery. At sobrang napakinabangan nito iyon sa university nito ngayon dahil varsity ito. It used to be just his hobby when he was here. Pero kung totoo mang ganoon ang presyo niyon, siguradong sobrang gara 'non!

And it will be mine kung mananalo kami, ohmygod. Pero! Huhu. Hindi ako confident sa League! Dapat nagcounter strike na lang kami. O basketball. O Billiards. O kaya DOTA. Bakit kasi League of Legends pa!

I have to use my brain. I have to strategize pero paano?!

Sigurado akong dadanak ng dugo 'to mamaya dahil sa mga pinusta nila. I know they will do everything and anything just to win this. Lalo't it will approximately take about 30 minutes to an hour bago matapos per game. At hindi ko alam kung ilang rounds 'to.

Napabuntong-hininga na lang ako sa iniisip.

Bahala na.

"So paano ang team up? Tsaka 5 players 'to, iku-customize ba natin?" tanong ni Kuya K.

"Yeah. Mid at Jungle or gusto niyo, gawin na nating 5v5 pero ang top, mid at jungle lane ay intermediate bot players?"

"Bale bottom lane lang tayo maglalaro?" pagka-klaro ko.

Tumango silang lahat.

Shit. Mas nadale na. That's good kasi bottom lang ang pinaka-kumportableng game play ko pero hindi ako magaling sa bottom lane kung magsu-support player ako at mas lalong hindi ako magaling mag-ADC kung hindi si Kuya Kurt ang support ko, huhuhu.

They finally settled sa 5v5. Nang magdraw lots, I was paired with Kuya K.

Mga panganay versus mga bunso pa ang labas pala sana.

May apat na computers na magkakatabi sa gaming room pero Kuya J kept a seat apart in distance and I was sitting at the end right beside Kuya K. Ito ang medyo malapit kay Kuya J. Kuya Justin was still on Skype pero sila na lang ni Kuya J ang nagkakarinigan via head set.

"May tendency bang mandaya si Kuya J kapag mga ganito Kuya?" bulong ko kay Kuya K kahit na lumabas yung isa para kunin ang gaming mouse and keyboard set nito sa taas.

"I'm not sure, but he might try any means. Kahit ako eh ayokong matalo. Kahit hindi singmahal ng pusta ni Kurt ang chess set ko over $1,500 din yun ha at galing sa sariling ipon ko yun for eighteen months. Kaya galingan mo," ngisi nito.

Napalunok lang ako ng laway. Ang mahal pa din kaya ng $1,500!

Three games. At 2 out of 3 ang kailangan.

If I get lucky...

We started at quarter to 9. At masakit mang aminin, mabilis kaming natalo ni Kuya K sa first game. Si Kuya ang Attack Damage carry o Attack Damage ranged. During the game, ADC o ADR ang tawag sa kanila. Pero naman kasi nung naglaro kami sa first game... Laging ako ang inuuna nina Kuya J na patayin kasi alam nila na ako ang weakest link, huhuhu.

Thankfully, we won the second match. By luck. Nagchange kami ng position ni Kuya K. He was a little reluctant pero I told him, iyon lang ang alam kong game play sa League at the moment. At halos atakihin ako sa kaba dahil nagsisigawan na sila Kuya J at nagmumurahan when I almost died, but I managed to use a flash to our tower kaya na-double kills ko pa sila. Kuya K, on the other hand looked worried. Kasi we almost lost. Hindi nito itinago na sobrang kinakabahan din ito tuwing aatake ako.

Paano pa sa deciding game?

"Lunch break?" Nakangising tanong ni Kuya J nang tuluyang matapos ang second game. "Almost ten na."

Miss Astig 2Where stories live. Discover now