Chapter 7: Isip ko'y Litung-lito

1.2K 31 14
                                    

Kluzera's says: Madaliang UD kasi baka matatagalan na naman ang mga UDs ng stories ko kasi pasukan na XD

Enjoy reading ^_^

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Beautiful You Chapter 7 

Chloes's POV 

Nandito na ako ngayon sa school.

Ang sakit talaga ng ulo ko! Para na nga raw akong zombie sabi ni yaya at nagtanong din siya sa akin kung bakit raw ganun itsura ko, may malalaking eyebags!

Sinabi ko na lang na nagpuyat ako sa kakabasa para matapos ko na yung kwentong sinusubaybayan ko, palusot.com lang ang peg ko fre! Wala pala ang daddy ko kanina sa bahay. Sabi ni yaya ay di raw umuwi kagabi dahil ang dami raw trabaho sa opisina.

Papunta pala ako ngayon sa locker ko ng may humarang sa aking lalaki. Well, matangkad siya, matangos ang ilong, singkit na mata, mapupulang labi, at hunks in short POGI. Pero di ko sya type. Mukha pa lang nito di na mapagkakatiwalaan, mukhang playboy ang isang ito.

"ahm, chloe, flowers for you" sabi niya sa akin sabay bigay ng mga bulaklak. Maganda naman ito lalo na't favorite flower ko siya, roses!

Tinanggap ko na lang sayang naman pero, sus, di yan uubra sa akin ang mga ganyang bagay. Yang bigay-bigay ng flowers? Nakow! Lumang stratehiya na yan!

"Thank you sa flowers" nginitian ko naman siya para di ako magmukhang snob at mataray.

Pagkasabi ko ng pasasalamat ay magpapatuloy na sana akong maglakad papuntang locker ngunit ng malapit ko na siyang lagpasan ay hinawakan niya ang aking braso na nagpahinto sa akin. Napatingin ako sa kanya at tinitigan ko siya ng pagkahulugan, parang sinasabi ko sa aking titig na "what?" at mukhang nakuha naman niya iyon. 

"ahm, chloe, are you free tonight?" Iimbitahan sana kita para kumain sa labas" sabi niya sa akin.

As expected,yan yung sasabihin niya sa akin. Yang mga ganyan? Alam ko na yan! kaya di niya ako maloloko. 'pag pumayag ako dyan sa dinner date na 'yan, habang kumakain, manghihingi ng permiso yan para manligaw sa akin. Tapos manliligaw nga yan, bibigyan ka ng mga chocolates, flowers, letters at kung anu-ano pa.

Tapos dadaanin ka rin niyan sa mga bulalaking salita, at tatadtarin ka niyan ng mga greetings (morning, afternoon, and evening) at sweet messages sa phone. Sample ng sweet message "kung ako ang mamahalin mo? Kukunin ko ang buwan at isasaksak ko sa puso mo ng hindi ka na makawala pa sa buhay ko" BOOM! Hahaha! ang korni ano po?

Beautiful You >>>♦BXB♦MAN♥MAN♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon