Chapter 4

1.8K 40 5
                                    

Kluzera's says: HAPPY NEW YEAR sa lahat. 

Nakapag-UD din sa wakas. Sa lahat po ng nag-vote at nag-comment maraming salamt po. 

Para sa soft copy ng chapter na ito iclick lamang po ang external link. 

Don't forget to vote and comment thank you :) 

Enjoy reading!!! 

 Si Jason po sa multimedia!!

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Chapter 4  

Chloe's POV

OMG. Parang kilala ko 'tong boses na ito. Dahan-dahan akong lumingon sa likod at sa aking paglingon bumungad sa aking mga mata ang nakangiting si Jerome. Anong ginagawa ng isang 'to dito sa Pilipinas? Sinusundan niya ba ako? Haayy, di ko na naman ma-eenjoy ang school year ko na ito.

"alam ko yang tingin na yan chloe" ang nangiting tugon ni Jerome. "alam kong naguguluhan ka kung bakit ako nandito right?. Marahan akong napatango. "Nandito ako dahil lumipat din ako sa school na ito. Nung nalaman kong lilipat ka sa Piipinas, nagpaalam din ako sa mga magulang ko na lilipat din ako rito para makasama ko ang "My Love" ko". Pagkatapos niyang bigkasin iyon ay hinawakan niya ang aking mga kamay.

Kinilabutan ako sa kanya. Grabe yung titig niya sa akin. Talagang may pagnanasa. Nakakadiri. Di ko namamalayan na masyado na palang matagal ang paghahawakan namin ng kamay dahil sa nawala ako sa aking sarili. Natauhan lang ako ng may nakita akong taong papalapit di kalayuan pero nakikita kong nakakunot ang noo sa likod ni Jerome, si Jason. Kaya bago niya pa ito Makita pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Jerome sa akin. Pero wait, bakit ba ako natatakot na makita ni Jason na magkahawak kami ng kamay? Ah, basta kailangan ko ng tanggalin ito kasi nagugutom na ako.

"Ano ba Jerome, bitawan mo nga ako". Ayaw kasi talagang tanggalin ni Jerome. "Pare, tanggalin mo yang kamay mo sa future wife ko". Ang tila may galit na pagakakabigkas ni Jacob.

"Anong sabi ni Jacob? wife?" naguluhan ako sa sinabi ni Jacob pero iwinaksi ko na lamang iyon dahil sa sitwasyong aking hinaharap. Alam kong ginawa lang yun ni Jacob para tanggalin ni Jerome ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

Pero di pa rin tinanggal ni Jerome,, pilit ko pa rin itong tinatanggal. Ang kulit talaga ng isang ito. "Ayaw ko nga, sa akin lang si Chloe, SA AKIN, NAKUHA MO BA YUN HA? SA AKIN LANG SI CHLOE". Grabe natatakot na ako kay Jerome.

"Ayaw mo talagang tanggalin ha?". Biglang sinuntok ni Jacob si Jerome kaya napatanggal din yung pagkakahawak niya sa akin. Pero mabilis din nakatayo si Jerome kaya nasuntok niya rin si Jacob. Naguguluhan na ako. Napatulala na lang ako rito sa tabi. Di ko alam kung ano ang gagawin ko. Napagdesisyon kong awatin silang dalawa. Kaya pumagitna ako sa kanilang dalawa.

"Ano ba tumig.." bago ko pa matapos sabihin iyon ay nakita kong papalapit na ang kamao ni Jerome sa akin kaya napahinti at napapikit ako. Pero walang dumapo na kamao sa aking mukha. Pagdilat ko nakita kong may kamay na nagpigil sa kamao ni Jerome na dapat ay dumapo sa ko. Pagtingin ko sa may-ari ng kamay na iyon ay si Jason pala.

Beautiful You >>>♦BXB♦MAN♥MAN♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon