Chances And Destiny [01]

2 0 0
                                    

•February 9 -- Tuesday•

[Camille's POV]

Hindi ako maglalasing.

Hindi ako magpapaka-emo.

Hindi ako magbabago dahil lang sakanya; kay Andre.

Papatunayan ko lang sakanyang hindi siya kawalan para sa akin. Yun lang, no need to be bitter. No need to be pathetic.

"Cam, okay ka lang? Lalim ng iniisip ah." Pang-aasar ng bestfriend kong si Marc. You heard it right. Bestfriend ko si Marc. Si Marc na pinagselosan ni Andre, a lot of times. Or should I say, almost all the time.

"Ummm, Marc bestfriend kita diba? So I think you have the right to know this."

"Oo naman! Ano ba meron, Cam? Parang kanina ka pa malungkot ah." Napapansin ni Marc kung anong nangyari. Malamang bestfriend ko siya eh, duh?

"Kaseee.. uhhh b.. b-break na kami ni Andre."

"SHOOT SERYOSO?"

"Oo. Kahapon pa." Malungkot kong sagot sakanya.

"Bakit? Ano nangyare? Sino nakipagbreak? Sinaktan ka ba niya? Okay ka lang?"

"Grabe makapagtanong 'to oh. Bakit? Kase masyado siyang seloso. Hello, ikaw kaya pinagseselosan niya. Hindi ko na kaya yung ugali niya eh. Masyadong possessive. Ano nangyare? Siyang ang nag-confront sa akin. Siya nauna. Sino nakipagbreak? Ako! Nag-agree naman siya eh. Sinaktan niya ako? Physically, no. Emotionally, yes. Okay lang ako? I will try to be."

"Kaya mo yan, Cam. Ikaw pa! Andito lang ako para sayo."

"Thankyou bes! Maasa-"

"Tignan niyo yung Camille oh, pagkatpos niya kay Andre, kay Marc naman. Gosh, feeling maganda."

Yan ang dahilan kung bakit si Marc lang ang kaibigan ko. Lahat ng babae sa school, ayaw saken, simula nung naging kami ni Andre. 2 years na. 2 years nang masama ang tingin saken ng mga tao dito. Buti nga't 'tong si Marc hindi naniniwala sa mga chismosa eh.

"Ano nanamang ginawa ko sainyo, Felice?" Sabi ko sa grupo na mga #1 chismosa sa school at nagtayo ng fans club nina Andre at Marc.

"Inagaw mo lang naman si Andre samin dati. Sinaktan mo siya. Tapos ngayon, si Marc naman? Ibang klase ka rin eh." Sagot nung isang babae.

"TUMIGIL NA KAYO! WALA AKO SA MOOD PARA MAKIPAG-AWAY SA MGA KATULAD NIYONG MALALAN--" Sinampal ako ni Felice.

"Huwag na huwag mo kaming sasabihan niyan. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan namin." Sabi ni Felice.

"EH G*GO KA PALA EH! HINDI MO RIN ALAM KUNG ANONG NANGYARI KAY CAMILLE KAYA WAG MO SIYANG MASABIHAN NG GANYAN! AKO NA MISMO ANG MAGSASABI SA INYONG MALANDI KAYO! LALO KA NA FELICE!!!" Galit na galit na sabi ni Marc. Nakakatakot siya. Parang hindi siya yung bestfriend ko. "WHAT, SASAMPALIN MO RIN AKO? GO AHEAD!"

Umiiyak na si Felice at dinala na siya at ng mga kasama niya paalis.

"Wag na wag niyong sasaktan si Camille! Isa pa, makakatikim talaga kayo saken!" Pahabol na sigaw ni Marc.

"Okay ka lang, Cam? Sorry, hindi ko napigilan eh."

"Ahh o-oo! Ikaw ba? Sorry rin kase dahil sakin, muntik ka ng mapaaway. Sorry Marc ah?"

"Okay lang yan Cam! Tara, shot tayo mamaya?"

"Pass muna ako Marc. Sorry ah, madaming homework eh."

"Hay nako Camille Hernandez, grade conscious ka talaga. HAHAHA."

"Psh, Marc. You never failed to make me laugh."

+++++++++++++++++++++++++++++++++

[A/N: Pa-epal lang po saglit. =)) You can listen to Sponge Cola's Jeepney sa part na 'to. Wala lang, para lang mas mafeel niyo yung story. HAHAHA mejj na-LSS ako sa song eh. OKAY KYLA, ENOUGH NA! *sige na nga bye :(*]

Sumakay na ako ng jeep. Haaaay, yung memories namin ni Andre. Bumabalik.

Lagi kasi kaming magkasama sumakay ng jeep since pareho lang yung daan papunta sa mga bahay namin. WHAT THE HELL, CAMILLE? Bakit inaalala mo pa yan? Mag move on ka na!

Masakit. Kasama ko siya kapag nagsstar gazi-- STOP CAMILLE! STOP!

Naiiyak na ako. Mukha akong tanga dito eh. Umiiyak ako sa loob ng jeep. Masakit. Pero wala na eh, nakipag break na ako sakanya. Hindi ko na pwedeng ibalik yung dati. Hindi na rin ako pwedeng magsisi kasi.

Umuwi na ako, as usual walang tao sa bahay kaya dire-diretso nalang ako sa kwarto ko.

I'm trying so hard para makalimutan na agad si Andre. But the memories are flashing back. They're haunting me. Since hindi ko rin naman mako-control 'tong utak ko, hinayaan ko nalang na mag reminisce.

Naalala ko nung nililigawan niya ako, talagang ang kulit kulit niya non. Ilang beses ko siyang sinungitan, pero he keeps on pestering me.

The thought made me smile.

Naalala ko yung nag-Quantum kami tapos nagpapataasan kami ng score sa basketball.

The thought made me smile.

Naalala ko yung kumain kami sa Greenwich, tapos carbonara yung order ko. Eh kumulat yung sauce sa labi ko, pinunasan niya yun.

The thought made me smile.

Naalala ko yung sinagot ko na siya after 5 months na panliligaw. Tapos pagkasabi ko ng "Yes." Binuhat niya agad ako tapos ang lawak ng ngiti niya. Binalita niya na nga rin agad sa barkada niyang kami na eh.

The thought made me smile.

Naalala ko yung mga gabing itetext niya ako ng "Babe, tapos ka na kumain? :) Gawin mo na assignment mo tapos matulog ka na, ha? I love you! I love you! I love you! :*"

The thought made me smile.

Kaso wala na. HAHAHAHA. Break na kayo ni Andre, Camille! Wag ka na umasa. Hindi na siya sayo. Tapos sabi niya, tama raw yung desisyon diba? So why not prove it to him?

Yun na lang ang task ko: Prove to him that my-- OUR desicion is right.

Hindi ko napansing tumutulo na yung luha ko. Okay lang yan, Cam. I keep telling myself. You deserve someone better than Andre de Guzman.

Umiyak lang ako. Syempre, kailangang ilabas ko 'to, diba? Umiyak lang ako hanggang makatulog na ako.

"You'll find someone better than him, Camille." Sabi ko sa sarili ko.

[A/N: Maiksi lang po talaga ako gumawa ng chapter. Halos hindi nga umaabot ng 2 pages eh. Don't worry. First chapter palang naman eh. The story will get better. * I hope so * Pizawt! x thegirlonfirexxx x]

Chances And DestinyWhere stories live. Discover now