"Bakit ka ba ngiti ng ngiti?!" Natatawang tanong ko sakanya.

"Wala naman, halata kasi na masaya ka." Aniya, tumango ako. Yes, wala na sigurong makakapag describe na salita kung gaano ako kasaya sa buhay ko ngayon.

Alas onse na rin ng gabi nang tumawag saakin si Drake, nagpaalam naman ako sakanya kanina na may despidida party para saakin sila Mateo, itinext ko pa nga sakanya yung address dahil baka gusto niyang pumunta, pero hindi siya nagreply sa text ko, naisip ko baka busy lang siya sa trabaho.


"Hello Drake!" Hiyaw ko sakanya dahil nagvivideoke si Mateo at panay naman ang tawanan nila Tom Andres sa pagbirit ni bakla.

"Sweetheart nandito na ako sa baba, let's go home." Mahinahon na sabi niya.

"Ah.. Sige, magpapaalam lang ako sakanila." Sabi ko atsaka bumaling na ako sa mga kaopisina ko.

"Uuwi ka na talaga?!" Sigaw ni Jenny na medyo lasing na, tumango ako at dinampot ko ang bulaklak na bigay saakin ni Tom Andres atsaka yung bag ko.

"Thank you talaga guys." Nakangiting sabi ko sakanila atsaka niyakap ko sila isa isa, si Mateo naman humalik sa pisngi ko.

"Punta ko sa bahay niyo bukas girl ha? Bibisitahin ko ang inaanak ko." Magiliw na sabi niya, tinanguan ko naman siya.

Inalalayan naman ako ni Tom Andres hanggang sa makarating kami sa laba ng bar, nadatnan kong nakasandal si Drake sa harapan ng kotse niya, napangiti kaagad siya nang makita niya ako pero nawala din yon nang bumaling ang tingin niya sa bulaklak na hawak ko at kay Tom Andres, napakagat ako sa ibabang labi ko, panigurado nagseselos nanaman yan.


"Ah, Tom Andres..dito nalang. Thank you ulit ha." Sabi ko atsaka nagbeso ako sakanya nung malapit na kami kay Drake.

"Sige, ingat. Subukan kong sumama bukas kay Mateo para madalaw si Tyler." Nakangiting sabi niya, tumingin naman siya kay Drake at tinanguan niya ito bago pumasok ulit sa loob ng bar.


Lumapit ako sakanya at nagulat ako nang punasan niya ng palad niya ang pisngi ko. "Psh, bakit ba kailangan mong halikan sa pisngi yung Santos na yon." Naiinis na sabi niya, ngumisi ako.

"Ano ka ba Drake, kaibigan ko lang naman si Tom Andres." Natatawang sabi ko sakanya.

"Sandali." Pinigilan niya ako nang bubuksan ko na ang passenger seat, mapapangiti na sana ako dahil pinagbuksan niya ako pero nagngitngit ako sa inis ang pagtataka.

"Ah, Jhomarie sa likod ka na, nandito na asawa ko." Mahinahon na sabi ni Drake sa isang babae na nakadress na beige na kitang kita ang legs dahil sa pagkakaupo doon sa passenger seat.

Ngumiti ito at tumango, "Sige po Sir, good evening po Ma'am." Bati nito saakin at lumabas sa kotse ng asawa ko, pinagtaasan ko naman siya ng kilay, pinagbuksan naman ni Drake sa back seat yung babae at hinintay makasakay bago isinara iyon.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now