Kabanata 28

179K 2.3K 120
                                    

Dedicated kay @DeeCGee , nakakatuwa yung comment niya sa previous Chapter, galit na galit siya. Haha, salamat po! :)

Thank you rin sa lahat ng nagcomments! Super na-appreciate ko po yung mga nag-e-effort sa pagtatype ng comment nila.. Super thank you! Napapangiti niyo ako tuwing may nababasa akong comments! Salamat! :"> Love lots. <3



Kabanata 28




"We would like to present to you the next project of Go De Perfumè." Magiliw na nagsasalita ngayon si Mateo sa harapan ng mga business partner ni Tom Andres, kagaya ng pinag aralan ko itinuloy pa rin namin yung pag gawa ng mga soaps at shampoo. Sinusubukan na nila ngayon yung mga first batch na nagawa sa factory.



Okay naman yung formula kaya masasabi kong walang magiging problema kapag nailabas na yon sa Pinas at dito sa China.




"Congratulations!" Hinihintay ko na ngayon si Tom Andres sa labas ng function room ng hotel dahil may mga papipirmahan pa ako sakanya, pero medyo natatagalan siya dahil na rin sa mga bumabati sakanya.




"Grabe teh, wala ka bang napapansin kay Sir.Tom? Isang linggo palang tayo dito sa China pero tignan mo naman, napaka-professional na ng dating niya." Para nanamang kinikiliti ng kung ano 'to si Mateo, sabihin nanating mayroong hidden desire itong si Mateo sakanya!




"Saka mas lalo siyang gumagwapo, lalo na kapag naka-coat and tie siya.. Haaay." Para nanaman siyang nagde-day dream kaya hinampas ko siya ng folder na hawak ko. "Aray naman girl ha.." Suway niya saakin, tinawanan ko lang siya ng marahan.




Maya maya pa ay lumapit na rin siya saamin. "Let's go." Seryosong sabi ni Tom Andres at nauna na siyang naglakad saamin.



Tahimik lang kaming sumunod ni Mateo sakanya, pero natigilan kaming pareho nang humarap siya saamin.




"Ah, Mr.Delameo, pwede mo bang itawag lahat ng ito sa Pinas?" Seryosong utos niya kay Mateo habang iniaabot ang isang brown envelope, kaagad namang kinuha ni Mateo iyon at binuklat, napansin ko naman ang paglaki ng mata niya.



"I want that papers finished at nine pm sharp." Yun lang at laking gulat ko nang bigla niya akong kinaladkad palayo kay Mateo! Pilit kong hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero sobrang higpit ng kapit niya at nasasaktan ako!




Nang makalabas na kami ng hotel ay kaagad iniabot sakanya ng Runner ng hotel ang susi ng kotse niya, kaagad niya akong pinasakay doon. Umikot naman siya at mabilis na sumakay saka pinaharurot ang sasakyan niya!



"Saan tayo pupunta?!" Pagtataka ko sakanya, pero hindi niya ako sinagot. Niluwagan niya ang neck tie niya at mas lalong binilisan ang pagmamaneho niya, napahawak ako seat belt!



"Hoy! Baka mahuli tayo!" Hiyaw ko sakanya, pero tinignan niya lang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho niya.



Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang Chinese restaurant, maliit lang iyon, kumbaga sa Pilipinas para lang siyang isang karinderya sa kanto. Kaagad akong bumaba at sumunod sakanya, napansin kong may isang matandang Pinay doon na nagluluto sa labas.



Sandaling napakunot ang noo ng babae pero kaagad napalitan ng ngiti iyon! "Tom?!!" Hiyaw nito at tumakbo palapit kay Tom Andres saka niyakap ito!



"Manang Cheche!" Ngayon ko lang nakita na ngumiti ng ganyan si Tom, para bang napaka-peaceful ng mukha niya at nawala lahat ng stress niya sa trabaho nang mayakap niya ang matandang babae. "Kailan ka pa nakabalik?! Miss na miss kita hijo! Ang laki laki mo na, kumusta ka na? Si Tammie? Malaki na rin ba siya?!" Punong puno ng excitement ang boses nung Manang Cheche, kulubot na ang balat niya at puti na rin ang buhok niya pero kahit ganun kita pa rin ang kagandahan niya nung dalaga pa lamang siya.



"Oo naman Manang, malaki na si Tammie, may sarili na nga rin siyang business eh." Masayang balita ni Tom Andres, napatingin saakin si Manang Cheche. "Sino siya? Girlfriend mo ba siya?" Tanong nito sakanya, lumingon naman si Tom saakin, ang aliwalas pa rin ng mukha niya. "Haha, hindi ho Manang. Siya po si Marie, kaibigan ko." Pakilala saakin ni Tom, kaagad akong tumungo. "Go-good afternoon po!" Bati ko, lumapit siya saakin at niyakap ako.



"Masaya ako at may kaibigan si Tom, osiya halina kayo sa loob ng makakain na kayo. Paborito nitong si Tom ang chicken soup ko! Gusto niya lalagyan ng maraming sili at syempre h'wag kalilimutan ang hita ng manok!!" Nakakatuwa marinig ang masiglang boses ng matanda! Hinila niya kaming dalawa ni Tom papasok sa loob, medyo maraming kumakain at kahit maliit lang ang pwesto ay mukha namang malinis.



"Dito tayo, dito sa loob tayo lang ang tao! Walang istorbo!" Ngiting ngiti pa rin ang matanda, magkatabi kaming umupo sa sahig ni Tom.



"Maiwan ko muna kayo at ikukuha ko kayo ng pagkain!" Masayang sabi ni Manang Cheche bago lumabas, napalingon ako kay Tom at napansin kong nakangiti pa rin siya. "Parang ang saya saya mo ah." Puna ko sakanya, kaagad siyang lumingon saakin at tinitigan ako sa mata. "Oo, namiss ko kasi si Manang, ang tagal na rin ng huling pagkikita namin. Siguro ay grade six pa lang ako non." Aniya.



"Siya kasi ang nag alaga saamin ng kapatid ko nung mga bata palang kami, dito kami nag aral ng elementary. Tuwing umaga palagi kaming pinag luluto ni Manang Cheche ng chicken soup." Nakangiting kwento niya, para bang namimiss niya yung pagkabata niya. "Nasaan ba ang Mama mo?" Usisa ko sakanya, "Nandito rin naman si Mama, waitress siya dito, dito niya rin nakilala si Mr.Go." Parang may pait sa pananalita niya, magtatanong pa sana ako pero biglang pumasok si Manang Cheche na may dalang pagkain. Umupo siya sa harapan namin at pinaghainan kami.



"Ikaw ba hija kumakain ka nito?" Tanong niya saakin, tumango naman ako bilang sagot sakanya. Nagsimula na kaming kumain, masarap nga talaga ang luto niya.



"Namiss ko 'to Manang!" Masayang sabi ni Tom, "Syempre alam mo namang walang makakatalo sa chicken soup ko."



"Alam mo ba hija nung bata pa yang si Tom, tumutulong tulong siya dito tuwing pagkagaling niya sa eskwelahan, tapos kapag wala naman siyang pasok ipinapasyal pasyal niya si Tammie sa park, pasan pasan niya ang kapatid niya dahil nilalakad lang niya iyon, medyo malayo kasi ang park dito.." Masayang kwento ni Manang, narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Tom Andres.



Sandali pa silang nagkwentuhan ni Manang Cheche. "Bumalik kayo dito bago kayo umuwi ng Pinas ha?" Paalala ni Manang, tumungo si Tom Andres para halikan ang noo ng matanda tsaka niyakap ito. "Masaya ako sa narating mo hijo.. Mag iingat kayo ha?" Maluha luha pa ito.



"Sige po aalis na po kami, salamat po sa pagkain. Nag enjoy po ako." Nakangiting sabi ko, tinanguan naman niya ako at nginitian.



Tahimik pero nakangiti siya habang nagmamaneho. Wala pang 20 minutes ay tumigil kami sa isang park, ito siguro ang madalas nilang puntahan ng kapatid niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at naupo kami sa swing.



"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko sakanya, nilingon niya ako at nginitian. "Gusto ko lang ng kasama, hindi ka ba na-stress? Isang linggong puro trabaho lang ang ginawa natin dito, at simula ng dumating tayo dito, hindi ko pa ulit nakikita yung mga ngiti mong totoo." Aniya saka tumingin sa malayo, medyo madilim na rin at nag uuwian na ang ilang batang nag lalaro.



"Dito pala nagkakilala sa China ang Mama at Papa mo." Untag ko, narinig ko ang mapait na pagngisi niya. "Oo, at dito niya rin kami pinabayaan. Matapobre kasi ang pamilya nila Mr.Go, nung malaman na may ibang babae si Mr.Go ginipit nila ang pamilya namin at pinalayas kami sa bahay na tinitirahan namin, mabuti na lang at nakilala namin ni Mama si Manang Cheche, siya ang naging kasama namin hanggang sa makaipon na kami ng pera pabalik ng Pilipinas. Ipinangako ko sa sarili ko na darating ang araw pababagsakin ko din yang pamilyang Go." Natatawang sabi niya, parang kinurot ng kung ano ang puso ko dahil ramdam ko yung sakit sa pananalita niya.



"Natuto akong mag trabaho habang nag aaral, sinuwerte kaya naman napagtapos ko rin si Tammie. Hanggang sa pinahanap na pala ako ni Mr.Go, para pumalit sa pwesto niya. Hindi na raw kasi nagkaanak pa ng lalaki kaya hinanap ako. Psh, magaling lang sila kapag may kailangan." Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya, hindi niya talaga tinatawag na ama si Mr.Go para bang ayaw na ayaw niyang mabanggit ang salitang iyon. Sandali kaming natahimik na dalawa, pero kaagad din niyang binasag ang katahimikan.



"Kanina pa ako kwento ng kwento, pero ang tahimik mo pa rin." Aniya.



Ngumiti ako ng mapait, "Pasensya ka na, hindi ko naman kasi alam kung paano ko mapapagaan yang loob mo." Sabi ko sakanya, kaagad siyang umiling. "Hindi mo naman kailangang magpayo saakin eh, yung makita ko lang na nakikinig ka masaya na ako." Sabi niya.



"Saka isa pa, alam kong may dinadala ka rin diyan sa puso mo." Dagdag pa niya. Napakunot ang noo ko at tinignan ko siya ng buong pagtataka. "Mahal mo siya?" Tanong niya, tumingin ako sakanya, bakit nung itinanong niya yon isang tao lang ang pumasok sa isip ko.. Si Drake..



Napatawa ako ng mahina, "Mukhang mahal ka naman niya ah? Bakit mo siya pinakawalan?" Pag uusisa niya, huminga ako ng malalim. Medyo nagtaasan ang balahibo ko dahil humangin ng malakas, tumayo siya at hinubad ang coat niya tsaka inilagay iyon sa balikat ko, hinawakan ko ang gilid non at tumingala ako para makita ko ang mukha niya. "Salamat." Nakangiting sabi ko, tumango lang siya at umupo na ulit. "Pinakawalan ko siya dahil alam kong may mas babagay pa sakanyang iba diyan." Panimula ko, pinagsalubong ko ang dalawang kamay ko at tumungo ako, nagbabadiya nanaman kasing tumulo ang luha ko at ayokong may makakita non.



"Masyado siyang mataas para abutin ko, kaya mas mabuti na yung hangga't maaga lumayo na ako sakanya." Kwento ko, napapitlag ako nang makita kong nakaupo na siya sa harapan ko, hinawakan niya ang kamay ko at pilit niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa. "Hindi kami bagay.. Alam mo naman diba? Laman ako ng isang scandal..madumi ako para sa isang katulad niya." Umiiyak na bulong ko, umiling iling siya at pinunasan ang luha ko. "H'wag mong sabihin yan." Pag aalo niya saakin, "Alam ko, isa rin ako sa mga nanghusga sayo. I'm sorry, nadala lang ako ng galit ko. Pero Marie, hindi mo dapat ibinababa ang sarili mo ng ganyan.." Sabi niya, marahan niyang pinisil ang kamay ko at mas lalo niyang pinalalim ang titig niya saakin.



"Dahil paano tataas ang tingin sayo ng iba kung mismong sarili mo hindi mo kayang itaas." Seryosong sabi niya, napansin kong ngumiti siya ng marahan. "Ipinapakita mo na matapang ka pero duwag ka rin naman pala." Natatawang sabi niya, maging ako natawa sa sinabi niya. Dahil totoo naman yun, kaya kong ipakita na matapang ako pero sa loob loob ko takot na takot ako.



"N-natatakot akong masaktan.. K-kasi baka kapag sinubukan ko siyang mahalin, baka sumobra nanaman.. B-baka iwanan niya lang din ako.." Nauutal na bulong ko, nakakahiya. Yung luha ko dire-diretso sa pagtulo.



"H'wag mong ikulong sa sarili mo ang salitang baka masaktan ka nanaman, dahil hindi ka naman masasaktan kung hindi ka nagmamahal." Paliwanag niya, para akong tinutusok ng maraming karayom dahil naaalala ko nanaman ang mga luha ni Drake, nasasaktan ako ng ganito dahil mahal ko siya? Dahil malayo siya saakin? O dahil hindi ko maamin sa sarili ko na mali ang ginawa ko?



"W-wala na.. Huli na, pinagtulakan ko siya palayo saakin.." Bulong ko, marahan niya akong hinila palapit sakanya at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya saakin. "Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya susukuan ng dahil lang sa pinalayo mo siya sayo." Bulong niya, tinanggap ko ang yakap niya at doon ko ibinuhos lahat ng iyak ko.



"Don't be afraid to open your heart again, lahat ng tao may karapatang maging masaya ulit. Kahit ilang beses ka pang mabigo, alalahanin mong marami pang next time. At isa sa mga next time na yon ang magpapasaya sayo habang buhay."



Hawak hawak niya ang kamay ko ngayong naglalakad na kami sa hallway ng hotel, nag offer siya na ihatid ako sa kwarto namin ni Mateo. "H'wag ka ng iiyak mamaya, kaya nga sinama kita para ubusin mo na yang luha mo sakanya. Saka para naman makita ko na ulit yung magandang ngiti mo." Natatawang sabi ni Tom Andres, pabiro kong hinampas ang braso niya, medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niyang pakikipag usap saakin.



Tumigil na kami sa tapat ng kwarto namin ni Mateo, "So, I'll see you tomorrow? Mag dinner tayo pagkatapos ng meeting." Anyaya niya, magsasalita na sana ako pero pinutol niya kaagad ang sasabihin ko. "Bawal tumanggi, bayad na rin yon para sa paglalagay mo ng sipon dito sa damit ko." Sabi niya sabay itinuro ang dibdib niyang iniyakan ko kanina, nanlaki ang mata ko at natawa ako ng marahan!



"Nakakainis ka Tom Andres." Natatawang sabi ko, "Basta bukas, sige na magpahinga ka na, marami pa tayong aasikasuhin bukas." Aniya, "Yeah, good night. Thanks for tonight." Nakangiting sabi ko sakanya, saka tumalikod na para buksan ang pinto pero marahan niyang hinila ang kamay ko at hinarap niya ako sakanya, napapikit ako nang dumapo ang labi niya sa kanang pisngi ko.



Dahan dahan niyang inilayo ang labi niya sa pisngi ko at ngumiti. Hinaplos niya ang pisngi ko at matama niya akong tinitigan sa mukha bago nagsalitang ulit.



"Pakinggan mo yang puso mo, h'wag ang sasabihin ng iba."

****

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon