Kabanata 43

163K 3K 428
                                    

Dedicated kay @LeXXa22 agree ako sa comment mo ;) -- Miracles can happen as long as you believe in God.--- 

FEATURED COMMENTS FROM THE PREVIOUS CHAPTER:

Chocolait- No, no, no, no..... Not this kind of pain please.. Ang sakit ng mga mata ko kakaluha at May migraine na ata ako kakaisip ng susunod na mga update... Waaaaaaaaaaaa, I am hoping a positive update author..... I don't want to think all the negative, hindi ko kayang ma accept huhuhu. msmariposa- ohemgee :( bakit ganon? sa tuwing me kasiyahan dapat me complement ba na kalungkutan?? Ms. Author have mercy on your reader who believs in happy ever after :( mukzienaf- Naiimagine ko yung kasiyahan ni Drake nung nalaman niang buntis nga si marie'sooo sweet lng sabik na sbik magkababy'aww feeling ko magkkasakit din ako sa puso sa nalaman ko*aist rosypink74- it is so frustrating that you're given happiness and yet this is just temporary. in Marie's case, she and Drake were given a precious gift, but there's a condition behind. she will later choose between her life and her baby, but "everything happens for a reason". all they need to do is have "faith" and always believe that there is such a word as "miracle". unending_pain- Nkakalungkot na kung kaylan msaya na sila dun pa dumting ung pinakamasakit na katotohanan. Ipaglaban nyo yan kei marie at drake. Have faith in God. majcabs- Hayy. Prang ako dn. natatakot dn ako. prayers yung miracle kei marie. Prayers!

Kabanata 43

 

“Mabuti nalang at nakita kita kaagad, tignan mo nga yang paa mo puro paltos na.” Suway niya saakin pagkatapos niyang lagyan ng band aid ang mga paltos ko, nandito kami ngayon sa Manila Bay, nakatingkayad siya sa harapan ko, ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa kaliwang tuhod niya habang nakatingala saakin. Marahan niyang pinunasan ang natuyong luha sa pisngi ko. “May problema ba?” Tanong niya saakin, hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ko siya sa mata.

Isipin ko palang na hindi ko makakasama ang dalawang mahalaga sa buhay ko parang pinapatay na rin ako. “Sweetheart..” Untag niya, umiling iling ako pero kita ko sa mukha niyang hindi siya kumbinsido. “Uwi na tayo.” Bulong ko sakanya, tumango tango siya at napasinghap ako nang buhatin niya ako na parang bagong kasal, humawak ako sa leeg niya at  isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghugot niya ng isang malalim na hininga.

Sobrang higpit ngayon ng hawak ko sa kaliwang kamay niya habang nagmamaneho siya patungo sa condo unit ko, nanatiling nakatuon ang dalawang mata ko sa labas. Hindi ako superhero para hindi makaramdam ng takot, dahil ngayon takot na takot ako sa maaaring mangyari.

“Kumain ka muna sweetheart.” Dala dala ni Drake ngayon ang isang tray ng pagkain dito sa kwarto, inilapag niya sa bed side table ang tray at tinulungan niya akong makaupo. Kita ko ang pag aalala niya saakin dahil alam kong nababahala pa rin siya sa nangyari kanina. Sinubuan niya ako ng pagkain, titig na titig siya saakin kaya naman pilit kong iniiwasan ang mata niya, hindi ko kasi alam kung paano ko  sasabihin sakanya, dahil ngayon palang parang pinipiga na ang puso ko, alam ko kasing masasaktan ko nanaman siya.

“Ayoko na.” Bulong ko, “Sweetheart, nakaka-apat na subo ka palang.” Suway niya saakin, tinignan ko ang mukha niya. Doon ko lang napansin na mukhang pagod na pagod siya dahil sa trabaho. “Busog  na ako.” Bulong ko. “No, ubusin mo ‘to. Makakasama sa inyong dalawa yan, mukhang hindi ka kumain maghapon.” Ramdam ko ang iritasyon sa boses niya.

Just Fall In Love Again (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon