Ako Ang Nagwagi: Ikalabing-apat na Kabanata

126 0 0
                                    

Tanghaling tapat, habang nanonood ng Eat Bulaga nagtext si Bryan ...

[ Leonard! Hahahaha! :))))))))))))))))))))))) ]

Grabe! Kahit kanto ang pagitan namin ramdam-ramdam ko yung kaligayahan sa bawat titik at smiley ng text niya! Ang saya-saya niya!

May hangover pa ba siya dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw?

Dahil magkatext na naman kame?

Bakit naman ako yung magiging dahilan?

Bakit naman hindi eh ako nga yung katext?

Napangiti tuloy ako ....

At nakita yun ni Mama!

"Papa, tingnan mo si Jun-jun, napapangiti mag-isa! Lagi pang hawak ang cellphone niya!" sumbong ni Mama kay Papa!

Hahaha! Napangiti na naman tuloy ako!

Sumagot si Papa ...

"Hayaan mo na! Baka may girlfriend na kaya ganyan!"

BOOM!

Biglang napalitan ng pagkakunot ng noo yung ngiti ko!

Girlfriend?

Wala akong girlfriend!

Lalaki po yung katext ko!

At requirement ba ang relasyon para magkatext?

"Jun-jun, kelan mo ba ipapakilala sa amin yang katext mo para makilatis?"

Waaaaah!

"Papa, kaibigan ko lang po yung katext ko!" Sagot ko!

"Eh bakit kung makangiti ka jan parang wala nang bukas? Ang saya-saya mo pa!"

Oo nga! Bakit ba ang saya ko pag katext ko siya?

Biglang may nagbilang sa isip ko! Parang katulad sa mga gameshow kapag tinatanong yung contestant ...

5

4

3

2

1

TIME'S UP!

Hindi ko nasagot yung tanong ni Papa sa akin at yung tanong ko sa sarili ko!

Kung gameshow talaga 'to, talo na ako!

Kaya sinagot ko na lang si Bryan!

Hindi! Ibang sagot yung tinutukoy ko ah?

Hindi naman kasi siya nanliligaw!

Nireplyan ko lang yung text niya!

[ Ang saya mo ngayon ah? ]

Sabi ko!

Gusto ko rin sanang sabihin na masaya rin ako kasi masaya siya pero nakakahiya! Hahaha!

[ Lagi naman akong masaya ah! Pero mas masaya nga lang ngayon! :)))))) ]

Reply niya!

Natutunaw na ako sa tuwa.

Kutob ko kasing ako nga yung dahilan kung bakit siya masaya kahit imposible dahil pareho kaming lalake!

Oo! Aaminin kong parang kinikilig ako pag magkatext kami pero parang lang! Siguro ganun din yung nararamdaman niya!

Kaya para malaman kung bakit ba siya masaya, naglakas loob na akong magtanong ...

[ Bakit naman mas masaya ka ngayon? ]

Lumipas ang anim na minuto, wala pang sagot ang loko!

Natatakot atang umamin ng nararamdaman niya!

Wag kang mag-alala Bryan, ok lang yun sa akin!

Sa sobrang tagal niyang sumagot, natuyo na yung lalamunan ko at nauhaw kaya pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig! Haha.

Masyado ata akong natetensyon sa isasagot niya!

Pagbalik ko ...

"Jun, tumunog yung cellphone mo! Nagreply na ata yung katext mo!" Pang-aasar ni Papa! Haha!

Dali-dali kong tiningnan!

[ dito sa mundo unti nlang ang seryoso...

kaya suwerte mo pag inlove ako sayo.

-booom! haha xD

gandang tanghale

kaen.kaen din pag may time:P ]

Naku, si Rheianna pala, kaklase ko nung highschool, nag-GM!

Hayyyy! Akala ko siya na!

Ilang sandali lang ang lumipas, may nagtext na naman!

Pero sa pagkakataong ito, sigurado ako na galing na 'to kay Bryan .....

AKO ANG NAGWAGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon