Part One: Tagong Sulat

34.1K 954 337
  • Dedicated kay To All my Fans and Readers
                                    


Part One: Tagong Sulat

Part Two: Nabuksang Lihim

Part Three: Sa piling ng isa't-isa



YARA


I

"ANG GWAPO NIYA TALAGA!"

Nagsitilian ang mga babae sa paligid habang ang iba naman ay hindi magkandamayaw sa kakasigaw sa pangalan niya.

"Luke! Luke! Sama ka mamaya sa barkada. Masaya 'yun!"

"Wag! Sa amin ka na lang sumama Luke. Sali ka sa club namin!"

Magmula nang dumating ang Luke Salazar na 'yan sa school na 'to, nagbago na ang buhay ko.

Siya lang naman ang aking first real life person crush, first schoolmate crush at first classmate crush. In short, first ever ultimate crush all in one.

Kung bakit? Madalas kasi kung hindi fictional characters ang crush ko, artista naman. Kaya nga napakaespesyal sa akin ng taong ito.

Siya pa lang kasi ang una.

Ang problema, wala na yata akong pag-asang mapansin niya. Sa sobra ba namang daming babaeng umaaligid sa kanya na mas maganda pa kaysa sa akin, ano naman ang laban ko hindi ba? Kaya ang nasa isip ko, mag-aaral na lang ako. Ito na lamang ang aatupagin ko hanggang sa lalaki na mismo ang lumapit sa akin. What is beauty if the brain is empty? Bahala silang maghabol sa kanya. Masaya na ako na nakikita siya kahit sa malayo lang.

Nagustuhan ko siya hindi lang sa kagwapuhan niyang taglay kundi pati na rin sa angkin niyang talino at kabaitan na sa kanya ko lang nakita. Siya ang top 1 sa klase samantalang ako naman ang top 2. Minsan kay sarap isipin na kahit dito man lang sa ranking ng klase ay magkasama kami. Sa tuwing nakikita ko ang mga pangalan namin na magkadikit, hindi ko maiwasang mapangiti ng napakalaki. Itinatago ko na lamang ito sa pamamagitan ng pag-impit ng nararamdamang kilig o 'di kaya ay pagtakip ng mga labi upang hindi masyadong halata.

Hindi ako nasasaktan na pangalawa lang sa klase dahil alam ko naman na nararapat siya sa posisyon na iyon. He deserves it more than I do. Hindi ko ito sinasabi dahil crush ko siya o dahil nagbibigay ako ng daan para sa kanya, sadya lang talagang magaling siya sa kahit anong larangan mo siya ipunta. Mapa-Sports, Science, History, English o kahit pa sa Mathematics, parang wala lang ito sa kanya. Tanungin mo siya at masasagot niya ng walang pag-aalinlangan. Gano'n siya kagaling. Bukod pa roon, napaka-gentleman pa niya. Ayon pa sa matindi kong pag-i-stalk at pag-iimbestiga (gano'n ako kaadik hindi lang halata), hindi siya babaero, walang bisyo at higit sa lahat kahit sikat siya sa buong school ay hindi lumalaki ang ulo.

Lahat na yata ng kalidad na gusto ko sa isang lalaki ay nasa kanya na. Wala na akong masabi. Hanga ako sa kanya. Hindi ba't iyon naman ang tunay na depinisyon ng salitang 'crush'?

Malakas na tumunog ang bell biglang hudyat sa uwian. Tumayo ako mula sa kinauupuan upang ayusin ang mga gamit. Habang inilalagay ang mga libro sa bag ay may napansin akong nakaipit dito.

Paper plane? Saan naman kaya galing 'to?

Sandali kong inilibot ang tingin sa buong paligid at napakunot-noo noong mapansin na ako na lang pala ang tao rito sa loob. Sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko napansin na naglaho na ang mga kaklase ko pagkatunog na pagkatunog ng bell.

Bakit ang bilis naman yata nila?

Ibinalik ko ang tingin sa eroplanong papel. Nasa tapat na ako ng basurahan upang itapon ito noong may bigla akong maalala. Napakunot noo akong muli at napaisip. Kulay asul... Teka, parehas din ito ng mga eroplanong papel na nakita ko noong isang araw sa locker ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper Planes (A Novella)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon