~37~ The City Of Pines

Magsimula sa umpisa
                                    

 

***

7:30PM na kami nakarating sa Baguio City. 5 hours lang yung byahe dahil walang traffic. Pagka-landing na pagka-landing pa lang ng mga paa ko sa lupa ay nag-inhale na agad ako ng hangin. Shemay… I can smell the pine trees. Nasa Baguio na talaga ako!

“Chloe,” humawak si Warren sa braso ko. “Tara, hanapin natin yung service ng hotel?”

“Okay.”

Mabilis naming nahanap ang service ng hotel na paglalagian namin. Dun pa lang kasi sa terminal, may nakita na agad kaming lalaki na may hawak na placard na may nakasulat ng ‘Le Pines Hotel’, kaya naman nilapitan na naman siya agad. Almost fifteen minutes lang ang byahe mula sa terminal papunta sa hotel. Napakaconvenient. In fairness, kahit na maliit lang ang hotel na ito, mukha namang malinis at magaganda ang facilities.

“Chloe, dalawang rooms ba?”

Ngumuso ako sa tanong ni Warren. Two rooms? Pwede namang one room lang pero two beds. Ganun din naman yun. Mapapamahal pa kapag dalawang room ang kukunin namin. Ilang araw lang naman kami dito.

“Naniniwala ako na trustworthy ka, Warren,” pabiro kong pinat ang balikat niya. “Hindi ka naman pervert diba?”

Kumunot ang noo niya. “May tiwala ka sa akin. May respeto naman ako sayo. Ayos lang naman kung dalawang rooms ah.”

“Hindi, wag na. One room. Two beds. Hindi naman tayo maglalagi masyado sa kwarto.”

“Tss, ikaw ang bahala. Kunwari ka pa, may crush ka sa akin eh,” bulong niya pa bago ulit binalingan ang receptionist. Kapal nito! “One room, two beds, please.”

Ang totoo nyan, bukod sa nanghihinayang ako sa pera, ayaw ko rin na mag-isa sa kwarto dahil sikat ang Baguio City sa horror stories or urban legends. Ugh, bakit ko ba yun iniisip? :/

Pagdating sa hotel room namin, napahanga agad ako sa banyo nito. Yeah, sa banyo. Sosyal, may bathtub at maganda pa ang shower! Malinis pa ang buong room. Malinis pa ang mga bed sheets ng dalawang single bed. We get what we pay for ika nga. Sulit. :D

Nakahiga na ako sa kama ko with my arms and legs wide open nang marinig kong may tinanong sa akin si Warren.

“Napagod ka sa byahe?”

“Oo, ang hirap ng nakaupo lang ng ilang oras. Ang sarap humiga!”

“Magpahinga muna tayo. Mamaya na tayo kumain, tutal, busog pa naman tayo diba?”

Sure, busog pa naman ako. Kumain kasi kami sa terminal kanina. Pero bakit ganun? Pagod ako, pero ‘di naman ako makatulog. Ilang minuto na rin akong nakahiga dito sa kama. Nakatulog nalang si Warren, samantalang ako nakatulala lang sa kisame. Haaaayyy! Patulugin mo ko, please. :3

Sa tinatagal-tagal ng stare off namin ng malinis na kisame, napagpasyahan kong lumabas muna ng veranda. For the nth time, napahanga na naman ako sa landscape sa labas. Parang may mini garden sa baba. Pagtingin ko naman sa kaharap na building ng hotel namin, napansin kong ‘Le Pines Hotel’ din yun pero nakahiwalay lang.

Sa kakatingin ko sa paligid, may nakita akong kakaiba. Hindi… Mali, nakakagulat pala. Nang magtama ang mga paningin namin, automatikong napaatras ako ng isang hakbang. Yung puso ko, parang tumalbog na palabas ng katawan ko.Tama ba 'tong nakikita ko o naghahallucinate lang ako?

She smiled in amusement when our eyes met and then she waved her hands on me. Sh*t.

“Chloe?? Wow, you’re here! What a co-incidence!”

Jenine. Don’t tell me, kasama niya si---

“Honeybee, look who’s here! Si Chloe oh! Small world talaga! Yay!”

SH*T. Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?

 

DUSTIN’S POV

“Honeybee, look who’s here! Si Chloe oh! Small world talaga! Yay!”

As I heard what Jenine said, I walked to the veranda coolly and looked at where she’s pointing. Expectedly, it’s her. Hindi ko namang intensyon na magpakita sa kanya. Heck, gusto ko lang naman siyang tignan mula sa malayo. Hindi ko inaasahan na magkatapatan pa ang hotel room na pinag-ii-stay-an namin.

“Chloe, kailan pa kayo nandito??” Jenine almost shouted so that Chloe could hear her. “Kami, kanina lang.”

Chloe smiled faintly, shock still registered her face. “N-ngayon lang din.”

“Nice! Who’s with you?”

To hell with the timing. Warren appeared on the veranda beside her. Katulad sa reaksyon ni Chloe, nagulat din siya. F-ck, magkasama sila sa iisang kwarto?

“Oh, you’re with your friend! Hi there. What’s your name again??”

Warren smiled fakingly. “Warren…”

Jenine walked beside me and hugged me by the arm. “Ang pangit tignan na nag-uusap tayo dito sa verandas natin. Mind if you join us for dinner???”

It took them almost a minute to answer. They gave us a nod and faintedly smiled at us. I even saw Warren held Chloe’s hand… I sighed annoyingly at the gesture and returned inside the room. That’s when I received a message from Wayne saying; Success ba? And as a reply, I typed ‘Thanks, dude. Hindi ko nalang sana ‘to pinagawa.’

What an a-sshole he is. Kakahiwalay lang namin, pero umeepal na siya. Wala ba siyang konsiderasyon?

---

A/N: Bitin? Oo, I agree. May update pa naman bukas. Comment kayo ha? Puro kayo highblood hahaha! Buti pa ako, inspired at in-like lol XD Hi sa aking gang sa Yhel stories' group na tinatawag na J.T.O.G. XD Pinasaya niyo ang araw ko; Eileen, Mhizie, at Maria Louise. Yiiee~ #SpecialMention kayo!

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon