At dahil halatang plastic ang pagkakasabi niya ay nakatikim lang ito ng matalim na tingin sakin. Walang pakialam na binalik din nito ang atensyon sa dalawang lalaki at pinagpatuloy ang pakikipag-usap.

 

"Pero sayang talaga eh, feeling ko madami na dapat siyang nasabi. Nakunan mo ba yun Hiro?" narinig kong sabi ni Kuya J.

 

"Medyo madilim eh pero yung boses, klaro hahaha," sagot naman ng kapatid ko dito.

 

"Send mo sakin mamaya ha? For future use, alam mo na," saad naman dito ni Kuya K at tinanguan pa si Hiro.

 

"Guys, I don't want to interrupt whatever business or whoever that person na pinag-uusapan niyo, sana hindi ako kahit parang napaparanoid ako dito. Kasi sa totoo lang nakakairita na kayong pakinggan eh," I confronted.

 

"Eh paano nga kung ikaw?" hamon naman ni Kuya J sakin.

 

Bahagya akong nalito sa sinabi niya pero ramdam kong biglang uminit ang mga pisngi ko nang maalala ang pinagsasabi nila kanina.

 

"A-Anong... P-Paanong ako?" kinakabahang tanong ko dito at nakita kong pigil pigil din nina Hiro at Kuya K ang pagtawa.

 

"Calling the attention of all passengers bound for Canada, you may now start checking in your baggage... Calling the attention of all passengers bound for Canada, you may now start checking in your baggage..."

 

Hindi na nasagot ni Kuya ang tanong ko dahil ataters si Mama na samahan kong magcheck in. Kaya ayun, nagyakapan na lang kami nina tita, ng dalawa kong pinsan at ni Hiro.

Kaya hanggang ngayon, hindi rin tuloy mawala sa isip ko kung ano yun. Hmp. Hayaan mo na nga. Baka trip lang talaga akong i-goodtime ng mga pinsan ko di ba?

Bumalik na ako sa pagkakasalampak sa sofa sa living room dala ang kinuhang pagkain at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nakaubos yata ako ng limang Reader's Digest.

The best ang mga articles, pramis. Lalo't true story siya. Ang gagaling pa ng mga nagsulat na akala mo andun ka talaga nung nangyari.

Pero ang kumuha talaga sa atensyon ko ay yung muntik nang mamatay sa sunog na dalagitang babae. Naipit kasi siya sa sasakyan at halos tatlongpung minuto siyang nakulong doon. I even thought na hindi na siya makakasurvive. Pero may tumulong sa kanya na bombero. Nakakaawa talaga sa part na pilit siyang lumalaban kahit naglalaglagan na ang mga balat niya sa katawan sanhi ng matagal na pagkababad niya dun sa apoy. Yung feeling na gusto mo ding maawa para sa kanya. Hanggang sa hindi na niya yata makayanan ang hapdi at sakit ng mga sugat kaya nakiusap siya dun sa tumulong na bombero na kung hindi siya makasurvive sa treatment, sabihan daw nito yung Mommy niya kung gaano niya ito kamahal.

I was really moved. Kaya napaisip din ako samin ni Mama. Ayoko mangyari sakin yun. Hindi ko iiwan si Mama ng ganun-ganun lang. Hindi ko hahayaang may mangyari sa aming masama.

Sinipat ko ang wall clock sa dingding at nakita kong almost six thirty na. Sunod kong tinignan ang front door and waited. It only took about five seconds bago ko narinig ang pagclick ng lock system at iluwa si Mama.

Miss Astig 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon