Ayoko din kasing naiistorbo ako ng gutom sa kasarapan ng pagbabasa.

Nang makita ko ang malaking box ng coco crunch ay kinuha ko iyon saka tinungo ang fridge at naglabas ng isang karton ng fresh milk. Habang kumukuha ako ng tall glass ay umalingawngaw na naman sa isip ko yung nangyari one week ago sa NAIA.

We still have four hours bago ang flight at sinadya talaga nina Mama na agahan ang pagpunta sa airport in case daw magka-aberya. Doon na din kami naglunch since 5pm pa naman ang flight namin. It will actually take 14 hours tops kaya while waiting sa time na pwede nang magcheck in, tumambay muna kami sa coffee shop.

 

Sumama ding naghatid samin ni Mama ang dalawang pinsan ko at si Hiro na noo'y nakita kong nagtatawanan na at nag-aasaran kasama ang mga pinsan ko. Nasa kabilang table sila, mga 2 feet apart sa mesa namin nina Mama. Masaya akong makitang at ease na siya samin.

 

My mom and my two aunts were busy chit chatting as well while I was just sitting comfortably sa upuan ko, beside my Mom, habang nagbabasa ng dinownload kong e-book sa Ipad.

 

Maya maya ay nakita kong nagtanguan ang mga pinsan ko at si Hiro bago ako binalingan.

 

"Louie, sino nga ulit crush mo?" nakangising tanong ni Kuya K sakin.

 

Kunot-noong tinignan ko lang siya bago muling ibinalik ang pansin sa Ipad.

 

Wala na namang magawa at ako na naman ang nakita.

 

"Sabi sayo eh. Iba talaga pag may sanib hahahaha." Narinig kong saad ni Kuya K at muli ay nagtawanan silang tatlo.

 

Hindi ko na lang pinansin at nagkunwang busy sa pagbabasa.

 

"Mason? Ah... Hehehe..." malanding saad ni Kuya J na ginaya pa ang boses ng babae at narinig kong humagalpak muli ang tatlong lalaki.

 

Tapos sinundan din ni Hiro sa tono na parang wala sa sarili habang nangalumbaba sa mesa. "Si Mason... Ano..."

 

"I love you na yan hahahahaha!" mabilis na dugtong naman ni Kuya K saka muli silang naghagalpakan.

 

"Ano ba?! Ang ingay niyo naman Kuya!" reklamo ko sa mga 'to.

 

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako. Wala naman silang binanggit na pangalan ko pero nakakainis kasi ang pakiramdam. Feeling ko pinariringgan ako na ano eh.

 

Tsaka bakit ba puro Mason ang binabanggit nila?! Badtrip. Alam ko namang walang masama eh pero bakit nga?! Di ba dapat babae pinag-uusapan nila kasi lalaki sila?! Kainis ampotek.

 

"Chill ka lang, hindi ka naman inaano eh," baling sakin ni Kuya J na pigil pigil ang tawa.

Miss Astig 2Where stories live. Discover now