Until We Meet
By: Bhebe_Maldita
•ווווו
"Sam!!" Napalingon ako sa taong tumawag sakin habang nag mamadali akong maglakad papunta sa may field ng school namin.
"Oh Krishna.. Kakadating mo lang din?" Tanong ko
"Yeah. Tara bilisan na naten baka mahuli tayo" sabi nya at sabay na kaming naglakad papunta sa field dahil nandun ang school bus na sasakyan namin papunta sa leadership seminar. Mga officer's sa Council lang ang kasama syempre. At kasama ako don kasi ako ang president sa Student's Council eh.
"Buti naman at dumating na kayo, kayo nalang ang hinihintay, cge na pumasok na kayo at aalis na tayo" bungad samin ng titser namin. Sya yung kasama namin na pupunta don.
Ay sumakay nanga kami sa bus papunta sa Sky Academy. Dun kasi nila gaganapin ang Leadership Seminar ng whole day lang.
"Dito tayo" tawag samin ng titser namin. Umupo kami sa may 2nd row ng bleachers. Alam nyo ba yung mga bleachers sa mga covered court sa basketball? Ganon! Sa covered basketball court kasi nila gaganapin ang seminar daw!
So ayon nanga naupo na ako sa may bandang gitna. Habang si krishna ay nasa bandang dulo. Napasimangot ako dahil hindi ko sya nakatabi. At maya maya pa ay nag-umpisa na ang seminar at may nagsalita na sa harap. Nakinig naman ako. Pero nabored ako agad kaya iginala ko ang mata ko. Naghahanap ng pogi kung meron ba! Lol
At habang ginagala ko ang mata ko ay napako ito sa isang lalaki na nakaupo lang sa tapat ko. Oo nasa tapat ko lang sya nakaupo. Nakatagilid sya sakin kasi nakaharap sila sa stage. Kaya free na free akong tinitigan sya..
Ang cute cute nya! At ang tangos ng ilong! Pinanuod ko sya bawat expression nya pero nanatiling seryoso ang muka nya. ano ba yan! Hindi man lang ngumiti si babe! Habang tinititigan ko sya ay lumingon sya sa pwesto ko! Agad kong iniwas ang tingin ko.
Phew!!! Muntikan na nya akong mahuling nakakatitig sakanya!!! Woohhhh! Buti nalang talaga! At ayon nga nag tuloy tuloy ako sa panunuod ng ginagawa nya. At for the first time! Nakita ko na din syang ngumiti!!!! Halos ma-inlove ako sa ngiti nyang yon!!!!!
Omg!!!! ang cute cute talaga ni babe!!! Nginitian nya kasi yung katabi nyang lalaki. Kaibigan nya siguro yon kasi nag kukulitan sila. Ang cute nya talaga!!! Ano kayang pangalan nya?
At ayon nga. Pinanuod ko lang ang bawat galaw nya. Ang sarap nya kasi panuodin kahit wala naman syang ginawa! Ang cute cute nya! ang cute nya pag seryoso yung muka nya. Pero ang pogi nya pag naka-smile na! Hawak ko ang cellphone ko at tina-type ko sa diary ko lahat ng ginagawa nya! Yong paglingon lingon nya! Yung pag-ngiti nya! Yung pakikipag kulitan nya sa kaibigan nya, yung bawat paghikab nya dahil inaantok ata! Haha ang cute nya talga! Yung bawat pagyakap nya dun sa jacket na dala nya dahil nilalamig ata. Aircon kasi dito. yung bawat pag kain nya. Oo kumakain sya ng chips na dala nila! Ewan ko ba pwede pala yon! Lol
Buong session ay pinanuod ko lang ang bawat galaw nya at tina-type ko sa phone ko. Hehe parang sira ba?! Ewan ko ba! Ang cute nya kasi! Crush ko na ata sya! Haha! Hindi ko din mabilang kung ilang beses nya akong muntik mahuling nakatitig sakanya. At hindi ko na din mabilang kung ilang beses ko syang mahuling nakatingin sakin!!! Oo!! Tumitingin din sya sakin!!!! At halatang halata ko yon dahil kapag titingin na ako sakanya ay bigla syang mag iiwas ng tingin!!! Syempre ako naman kilig na kilig! Ang hirap nga pigilan ang mga ngiting gustong kumawala sa labi ko! Ayoko ngumiti ng malapad noh! Baka sabihin pa nitong mga katabi ko eh nasisiraan na ako ng bait!
YOU ARE READING
Until We Meet (One Shot)
Teen FictionThey said, 'Dont wait for the perfect moment, take the moment and make it perfect' but you know? Not all the time you can take the moment, and not all the time you can make the moment perfect.. I believe is patiently waiting is the best thing to do...
