Special Chapter

Magsimula sa umpisa
                                    

"That was all part of the past now. Panahon na siguro para maging isang pamilya na tayo kasama si Saide, D-Dad."

Hindi siya agad naka-react sa sinabi ko. Nakita kong tuluyan nang tumulo ang mga luha n'ya sabay hagulhol kaya sinugod ko na s'ya ng mahigpit na yakap. I missed my father so much. May nagawa siyang mali pero sino ba ako para huwag magpatawad?

Pareho na kaming humagulhol habang mahigpit na magkayakap nang makarinig kami ng tikhim mula sa likuran ko.

"S-Saide...anak..." ani Daddy kaya bumitaw na ako.

Saide looked at me with a blank face tapos ay sa lapida naman ni Noura.

"She told me before to be nice to you and your siblings 'coz we are of one blood," malungkot niyang sabi saka pilit na ngumiti na doon pa rin nakatingin sa lapida. "Sabi n'ya, we should take care of each other because we are family."

Tahimik lang akong nakikinig.

Malungkot ang mga matang tumingin siya uli sa akin. "Before she died, she told me was happy meeting you, Max and Rianah. She said she loved you all with all her heart."

Humagulhol ako. Ni hindi ko siya nasabihan na mahal ko rin siya. I touched her tombstone and wept.

"I'm sorry. I'm so sorry."

Naramdaman ko na may umakbay sa akin at nagulat ako nang nalamang si Saide iyun.

"I'm willing to give it a try. I will accept you as my sister. It won't be easy because I have a foul attitude but I will try. We're family, after all."

Family.

Umiyak ako at niyakap ako si Saide nang mahigpit.

Noura, I will take care of our family. Promise.

---

Ang lakas ng tawa ni Orpheus nang matamaan siya ng espadang kahoy ni Rianah. Kanina pa sila naglalaro ng kapatid ko dito sa courtyard at mukhang tuwang-tuwa naman siya. Pinanood ko na lang sila habang nakadungaw ako mula dito sa balkonahe sa harap ng kwarto ko.

He wasn't bad afterall. He did what he did to keep his family. Ginawan n'ya ng paraan ang mga maling desisyon ni Daddy sa buhay. Nalaman ko rin na pinadala n'ya si Yadira sa Hellville para sa aming magkakapatid. Hindi dahil sa isa akong vampire-witch.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng silid ko kaya alam kong tapos nang maligo si Titus. Isang buwan na rin siya dito at ipinaubaya na niya kay Matteo ang pamamahala ng Hellville. Bawal pa rin kasi ang relasyon namin doon. Nakakalungkot lang dahil dahil iniwan niya ang posisyon niya sa bayan. Alam kong mahal na mahal niya ang Hellville, pero iniwan niya dahil sa akin.

He had few Bloodworth relatives naman daw in other places pero hindi sila interesado sa maliit na bayan ng Hellville.

And when I said that he had been living here for a month now, I meant he bought a house near here. Doon talaga siya nakatira. Dumadalaw lang siya dito araw-araw at minsan nakikigamit ng banyo after naming magsanay ng martial arts.

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod at agad kong naamoy ang gamit niyang sabon at shampoo. Ginamit nanaman ang mga gamit ko.

Tss.

"I love you so much," malambing niyang sabi habang nakapatong sa balikat ko ang baba n'ya.

"I love you too," nakangiti kong sagot. Pero agad na nawala ang ngiti ko nang makita ko ang isang babae na kakapasok lang ng courtyard.

Aba! Buhay pa pala 'to? Ilang buwan din kaming walang balita sa kanya.

"T, mag-usap tayo. Bakit mo ako iniiwasan? Akala ko ba tayo? Hoy bruha kang Savannah ka. Mang-aagaw!" malakas niyang sigaw habang nakatingala sa amin.

She Was BittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon