Chapter 31

20K 319 40
                                    

Hindi ako mapakali. Kanina ko pa gustong umiwi pero ayaw akong payagan ni Katrina. Nandito kami sa tapat ng bahay nila Julie. Kanina pa kami nagmamanman. Alam naming magisa lang si Julie. Paniguradong mamayang hapon pa si Elmo makakauwi.

“Katrina, let’s go home na. Wag mo ng ituloy to!”

“Ano ako baliw? Nandito na tayo diba?”

“Maawa ka naman kila Elmo at Julie. Sobra na silang nasaktan”

Nginitian lang akong pang asar ni Katrina.

“Wow. You sounded like a goodie goodie sister. Baka nakakalimutan mong kasama kita since day one na ginagawa natin to? Na isa ka sa dahilan kung bakit sila nasasaktan”

“Please let’s just stop. Aminado namanakong may kasalanan ako pero ayoko ng palalain pa!”

“Ikaw ang tumigil Amanda! Everything’s planned already. I know na sa mangyayari ngayon, wala ng balikan pang mangyayari”

Inangat ni Katrina ang mga papel na hawak niya. I tried to stop her pero ayaw niya akong pakinggan.

“Inaalala ko lang yung baby nila. Baka kung anong mangyari sa pamangkin ko”

“Edi much better. Walang baby, walang Julie at Elmo. Magkakaroon ulit ng Elmo at Katrina”

“Pamamangkin ko yun!”

“Wow naman Amanda ha? The last time I checked, halos isumpa mo na ang bata sa tiyan ng malanding babaeng yun!”

“Hindi ko sinabing gusto ko na si Julie! Ang sinasabi ko lang, kadugo ko ang batang nasa tiyan niya! Wag kang mandamay ng walang muwang”

Hinawakan niya ang pisngi ko at sinampal sampal ng mahina.

“My dear sister-in-law, wala akong pakialam. Wala ng atrasan to. Pagkatapos nito, ihahatid na kita sa airport, live your new life pero pago yun, tara na sa babaeng yun and finished this stupid business”

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon