Chapter 29

23.2K 320 15
                                    

Unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko. Mas magaan ang pakiramdam ko ngayon kaysa kanina. Pagtingin ko sa labas, parang maghahapon na. Napabalikwas ako ng upo.

“Shit! Nakatulog ako”

 

 

 

Lumingon ako sa paligid ko. Hindi naman ako nanananiginip diba? Nandito ako sa loob ng kearto namin sa Inn. Pagtingin ko sa damit ko, iba na din ang pangtaas ko.

“Julie! Asawa ko! Julie!!!”

Nandito pa siya diba? Bati na kami diba? Hindi niya naman ako iniwan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siya palabas ng cr.

“Asawa ko..”

“Bakit ka sigaw ng sigaw? Ano, may masakit ba sa iyo? Masama ba pakiramdam mo?”

“You’re still here”

“Nagdedeliryo ka na ba?”

Hinawakan niya ang leeg at noo ko.

“Hindi ka na naman mainit”

“Asawa ko....”

Hinila ko siya palapit sa akin. Napairit siya pero hindi ko na pinansin. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Moe, what’s the problem?”

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon