Chapter 2

36K 484 1
                                    

Rated PG

____________________________________________________________

1:30 am. Wala a din yung package. Ano ba naman yan? Saan ba mangagaling yun? May nagdedeliver pa ba ng ganitong oras?

Andito ako sa kwarto ng bestfriend ko, nakaupo sa kama at nag aantay ng package na yun.

Katrina and I? We’re best friends since we’re on diapers. Sisters from another mother. Alam ko mostly everything about her at ganun din siya sa akin pero ilang taon din kaming hindi nagkita kasi when we turned 16, nagmigrate sila sa ibang bansa. Kailan lang sila umuwi dito and yun nga reunited na naman kami. She told me na she has a boyfriend pero hindi ko pa talaga namemeet. Masyado din kasi siyang busy sa schedule niya. Hanggang text at tawag na lang kami nagkakausap.

Inaaliw ko na lang ang sarili ko habang inaabangang dumating yung package ng bestfriend ko. Pakatagal naman. 

Maya maya, may narinig akong nagbubukas ng pinto. Kumabog bigla ang dibdib ko. Sino ba yun? Naku pag namatay ako dito sa condo mo Katrina, mumultuhin kita! Hindi talaga kita papatahimikin!

Shit! Binubuksan na niya ang pinto nitong kwarto! Hindi pa man din ako magaling sa self defense. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Hindi ko siya masyadong makita kasi madilim. Dinampot ko agad ang libro sa side table para panghampas sa kaniya just in case. Hala, unti unti na siyang lumalapit sa akin! Lumapit na din ako para hampasin siya pero sa totoo lang nanginginig pa rin ako!

"Ang gwapo" sabi ko sa isip ko.

Nagawa ko pa talagang maglandi sa sitwasyon na to diba. Nakita ko yung mukha niya, tumama kasi yung ilaw mula sa poste sa labas sa mukha niya. Nalaglag nga ang hawak kong libro.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon