RTG7: The House Rules

476 35 64
                                    

TO ALL MEMBERS:

1. Give and Take tayo dito. 

- Tungkulin ng bawat isa ang magbasa ng story ng ibang members lalong lalo na sa partners for the RT trading delight and the Featured story of the week.

- Kung binasa na ang story mo, learn to read back

- Sa mga naging Assigned Story para sa Applicants, you must read their stories once they are officially a member of RT.

- And please do remember: Comment and Vote is a MUST IN ALL CHAPTERS!

2. As much as possible maging active ka.

- Busy sa school/work? 

- Ugaliing palaging nagre-report sa inyong TEAM Leader. Bawal po ang mga pahabol at paimportante dito.

- A message on FB/WP will do. PM or MB or kahit man lang sa FB Group ng RT. I-special mention mo si TL. Hindi yung tamang parinig lang. 

- There are a lot of ways para makapagpaalam, kung pwedeng i-text si TL eh di i-text mo. Kung gusto, may paraan. 

- Kung nagpaalam ka na magiging inactive pero palagi ka naman naming nakikita na OL sa FB. We will take your excuse as invalid. Unless you could give us a good reason or else, Ms. Guidance will have a deal with you.

3. Sa tuwing may mga bagong member, ugaliing ifollowback ninyo siya kaagad.

- Dapat lahat ng members nakafollow kayo old man or new.

4. Bilang member ng RT, matutong makisalamuha, makinig, rumespeto sa kapwa RTsians.

- Lalo na kung ito ay mga officers o mga nakatalagang Team Leader nyo. Para magkaroon tayo dito ng maayos na samahan at maiwasan ang anumang iringan.

- Unawain ang bawat miyembro at wag pairalin ang init ng ulo.

5. Kung meron man kayong reklamo patungkol sa isang tao o ibang bagay na patungkol sa RT, ipagbigay alam agad ito sa guindance/complaint personnel.

Doon idulog ang inyong hinaing. Di na nyo kailangan ikalat or ipost pa sa ibang page maliban lang sa taong nakatalagang personnel  i PM nyo siya sa watty or Facebook Acct nya para makausap. At siya ang magsisilbing arbiter nyo. AT RESPETUHIN ANG ANUMANG DESISYON KAKALABASAN NITO.

Code of Conduct:

1. About sa Comments/Critiques.

Huwag na huwag mong gawin ang ayaw mong gawin ng iba sa'yo.

- Hangga't posible, please do leave "FRIENDLY" comments.

- Wala namang masama sa i-correct mo ang gawa niya pero sana, do it nicely.

- Huwag mangopya lang ng comments ng iba. Halatang halata ka.

- Hindi counted ang nagco-comment lang sa comment ng may comment.

- Meron naman iba, First few paragraphs or Last paragraph/line lang ang binabasa.

- Okay lang naman na tipid mag-comment basta malaman. Basta may connect sa kwento. Hindi yung: interesting, yey, ay, how sad, yuck, ew, ud na, weee, love it, nice, good start, nice prologue, awww, sheeet, I was once like this, nostalgic, relate, <3, :), HAHAHHAHAHAHHA.

- Inuulit ko, huwag na huwag mong gawin ang ayaw mong gawin ng iba sa'yo.

2. About sa pa-read ng pa-read.

- Pabasa ka ng pabasa, hindi ka naman marunong mag-readback.

- Yung totoo? Anong klaseng walang pusong tao ka?

- Sige lang, ipagpatuloy mo lang yan. Hindi mo alam, sobrang bad record kana pala. And maybe sooner or later... tanggal kana.

3. About sa RT Trading at Featured Story.

- Alam mo, hindi biro na pinagpuyatan ng kapartner mong basahin yung story mo. Sana naman, matuto kang gawin ang kung ano man ang naka-toka sayo. 

- Mahiya ka naman. Lalo na araw araw ka naming nakikitang nagbababad sa MB ng iba.

- Sa featured story naman, NO ONE IS EXEMPTED sa pagbabasa. Kahit nung nakaraang linggo absent ka, required mo paring balikan yun. 

4. Idleness.

- Kung gusto mo ng umalis sa team, huwag mo ng bigyan ng sakit ng ulo ang mga seniors/ Leaders mo. Alam namin yung iba jan naghihintay nalang ng notice of termination.

- Yung iba naman, laging online sa FB. Pero ni magparamdam sa TL, wala.

- Meron din na dinadaan sa classmate/bestfriend/kakilala ang pinapasabi. Yung totoo? Natitext mo yung non-RT na pogi/magaganda pero yung TL mo hindi?

- Dude, Teh... Stop playing around. Totoo kami sayo pero pinaplastic mo lang kami. Goodluck nalang pag nag-send na si TL mo ng note kay Ms. Guidance.

5. Respect.

- Should I explain?

- Nakita nyo na naman siguro yung incident na yun. Kaya please lang, respect each other.

- Pero mas disrespectful yung mga taong nandi-deadma lang talaga.

RT GuideyWhere stories live. Discover now