Chapter One: It's Her!

Start from the beginning
                                    

"I love you, son!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago tuluyang binitiwan. "Got to go! Magsho-shopping pa ako." At bago siya tuluyang umalis ay muli niya akong hinampas sa puwet.

Napaigtad ako. "Ma!"

"Mauna na ako, Henry!" Paalam ko sa aking co-pilot bago tuluyang lumabas ng cabin. Kagagaling lang namin ng Singapore at mamaya pa ulit ng hapon ang susunod kong flight.

Palabas na ako ng arrival area nang madaanan ko ang isang kumpol ng mga stewardess. Ngumiti ako sa mga naroon and they giggled in response. My smile alone was enough to drive a woman crazy. Hirap maging guwapo! Napapailing na nilagpasan ko sila nang tumunog ang aking cellphone. Pinigilan ko ang mga mata sa pag-ikot nang mag-register ang pangalan ni Mark sa screen.

"Yeah..." Tinatamad na sagot ko.

"Just want to remind you that you need to come back here the day after tomorrow. May tatlong session ka pa ng anti-rabbies vaccination."

"I know," sabi ko na lang. Pero ang totoo wala akong balak bumalik sa kanya. Hinding-hindi na ulit ako magpapaturok ng injection.

"And Vince..."

"What?"

"Kapag hindi ka nagpakita ako mismo ang pupunta sayo!"

Aba! Nanakot pa ang loko. Tignan ko lang kung ma-hunting pa niya ako sa mga susunod na araw. Naka-schedule na kaya akong magbakasyon sa Bangkok.


Valjean's POV

Oh god! Male-late na ako sa flight ko. Kasi naman hindi tumunog ang alarm clock sa cellphone ko kaya tinanghali tuloy ako ng gising.

Patungo ako ngayon ng Cebu para magbakasyon. Ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon na makauwi sa amin pagkatapos ng isang taong pananatili sa Manila. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na naipusod ang mahabang buhok. Basta ko na lang inipitan iyon ng hairpin. Hindi na rin ako nakapagsuot ng contacts at nagsuot na lang ngeyeglasses. Wala na akong pakialam kung anuman ang maging itsura ko dahil alam ko naman na maganda pa rin ako.

Lalo kong binilisan ang paglalakad nang marinig ang final boarding announcement ng flight ko. Geez! Five minutes na lang at aalis na ang eroplano. Halos tumakbo na ako sa sobrang pagmamadali. Mabuti na lang at nakasuot ako ng flat shoes. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang biglang paglipad sa ere ng kapares ng sapatos ko. Napahinto ako at pinanood kung saan iyon babagsak. Ngunit sa kasamaang palad ay nag-landing iyon sa kamay ng isang naka-unipormeng lalaki. Nagtataka na napatingala pa siya sa itaas. Pagkatapos ay luminga siya sa paligid at nakita ako.

Nang mga oras na iyon ay parang gusto kong kumaripas ng takbo dahil sa kahihiyan. Oh my! Anong gagawin ko? And to my horror, naglakad ang nasabing lalaki patungo sa kinaroroonan ko. Teka! Si Vince ba iyon?

"I guess this is yours," he said, smiling from ear to ear. At sa aking pagkamangha nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko at ini-offer sa akin ang hawak niyang sapatos. Parang eksena lang sa isang fairy tale book. Ako si Cinderella at siya naman si Prince Charming.

Napatulala na lang ako kay Vince. Gravity! Parang gusto kong himatayin sa sobrang kilig. But wait! Ang flight ko pala! Pahablot na kinuha ko sa kanya ang sapatos at basta na lang isuot iyon bago muling nagtatakbo sa departure area. But it's too late. Kakaalis lang ng eroplano na dapat ay sasakyan ko.

Nanlulumo na napaupo ako sa waiting bench. Haggard na nga ang itsura ko, hindi pa ako nakaabot. Parang gusto kong maiyak. Peak season pa naman at siguradong mahihirapan ulit akong magpa-book ng flight. Ang tagal kong hinintay na makauwi ulit. Tapos... Napigil ang pag-iyak ko nang mayroong mag-abot ng panyo sa akin.

Pagtingala ko ay ang nakangiting si Vince ang aking nasilayan. "It's okay. May available pa naman na ibang flight. Kung gusto mo pwede kitang tulungan." Pagkatapos ay kumunot ang noo niya. "Have we met before? Pamilyar ka kasi sa akin."

"Ewan ko sa'yo." I snapped at biglang tumayo. Nakakainis siya. Sa tuwing magkikita na lang kami ay iyon at iyon ang tinatanong niya. Hindi ko malaman kung may amnesia ba siya o short memory.

"Miss..." Muling tawag niya pero dire-diretso ako na naglakad palayo. Asa pa ako na maaalala niya ako.


Vince's POV

Naguguluhan na sinundan ko ng tingin ang babae. Hindi ko malaman kung snob lang talaga siya o malabo lang ang mga mata niya at hindi niya nakita ang kaguwapuhan ko. Kung sabagay nakasuot siya ng eye glasses kaya malamang malabo nga ang mga mata niya. Pero gayunpaman maganda pa rin siya. Simple pero malakas ang dating. Kahit sa sarili ko ay hindi ko maipaliwanag ang ginawang pagluhod sa harapan niya kanina. Never in my life, sa kanya ko lamang ginawa iyon. Minsan lang ako makasalo ng isang sapatos na inaakala kong nanggaling sa kalangitan.

Muli kong tinanaw ang papalayong babae nang biglang magsalubong ang aking mga kilay. I knew it! Kaya pala pamilyar sa akin ang kanyang mukha dahil siya ang pasaway na nurse na naglakas- loob na injection-an ako sa puwet. Bakit hindi ko siya nakilala agad?

"Valjean..." Wala sa loob na bulong ko sa sarili hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa aking paningin. Of all the people, siya pa ang may kapareho ng pangalan iyon. The name I couldn't forget kahit pa siguro ilang beses na maalog ang utak ko. Kaya noon ipinakilala siya sa akin ni Mark bilang kanyang assistant nurse, agad akong nagduda na baka siya na ang babaeng matagal ko nang hinahanap. I even asked him to do a background check on her but the results is not what I expected. For the third time I failed to find that special girl. How I wish I can remember her face and what she looks like. Sa paraan iyon baka sakaling mahanap ko na siya ng tuluyan.

Napasinghap akong bigla nang mayroon akong maupuan na matigas na bagay sa waiting seat. At dahil sariwa pa ang injection sa aking puwet ay hindi ko maiwasan mapangiwi sa sakit. Ang salarin- ang kulay pink na hairpin na pakalat-kalat doon. Wala sa loob na dinampot ko iyon at kunot-noong pinagmasdan nang biglang may sumingit na alaala sa aking isipan.

"Happy birthday!" Sabay abot sa kanya ng maliit na kahon.

"Hmmm.. what is this?" Nangingiti na pinagmasdan niya ang regalong ibinigay ko.

"See for yourself." I smiled sheepishly in return.

Nae-excite na binuksan niya iyon. "Oh!" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Ang kulay pink na hairpin na madalas niyang balik-balikan sa isang mamahaling boutique. "Thank you, Vince. I really love it."

"Let me." Kinuha ko sa kanya iyon at inipit sa kanyang mahabang buhok. "You didn't realized how lovely you look," sabi ko habang pinagmamasdan ang kanyang magandang mukha.

Namumula ang mga pisngi na nag-iwas siya ng tingin at inaayos ang kanyang eyeglasses.

Ang tunog ng cellphone ang nagpabalik ng isip ko sa realidad.

"My flight ka ba mamaya?" Tanong ni Tyron sa kabilang linya. "Birthday ngayon ni Tanya at invited tayo sa party niya. Dude, sigurado akong maraming chikababes dun!"

Hindi ako umimik. Halos wala akong naintindihan sa sinabi niya.

"Vinci boy, are you still there? Naririnig mo ba ako?"

"Tyron... I-I think I found her." "Who?"

"S-si first love."

"What!" Napangiwi ako sa lakas ng boses ng kaibigan. "Na-recognized mo na siya? Saan mo siya nakita?"

"Hindi ako sigurado pero..." Nanlaki ang mga mata ko nanilingon ang direksyon na tinahak ni Valjean. "Tyron, I'll call youlater," sabi ko sabay pindot ng end call. I need to find her. Kungkinakailangan kong ipahaluglog ang buong airport ay gagawin ko. Gusto kongmakasiguro at baka tama     

Big Boys Don't Cry (published under PHR)Where stories live. Discover now