Chapter Fifteen :)

Start from the beginning
                                    

"Bakit po di nyo sinabi na dadating kayo? Edi sana, nasundo ko kayo sa airport." pagmamaktol ko. Tinawanan lang ako ni Dad sabay gulo sa buhok ko.

"Edi hindi na surprise yun?" He leaned on the table at tiningnan ang handouts ko na nakakalat roon. Dumampot ako ng onion rings at sinasaw iyon sa dip na ginawa din ni Dad.

"Math shits? Haha. I still dont understand this. I will never love Math." inisa isa pa nya ang mga papel at tiningnang mabuti ang pinagsususulat ko doon. Nakalimutan kong katabi ng mga papel ko ay ang iphone ko na kanina pa nagbi blink sa kakatawag ni yelo.

"Cream, may natawag ata sayo." dinampot ni Dad ang phone at sinilip iyon. Nakalimutan kong may picture nga pala ang caller ID kaya napatitig si Dad.

"Icelot? Sino yun?" tanong agad ni Daddy. Inagaw ko sa kanya ang phone at sinagot ang tawag ni Ice.

"Yelo. Mamaya ka na mangulit, I'm busy." sabay patay ng tawag. Ni hindi ko na sya nabigyan ng chance na mag hello man pang o umimik ng  nais nyang sabihin.

"Hard." sabi ni Dad sakin. Kinindatan ko na lang sya sabay lagay ng phone sa lamesa at dampot na din mg onion rings. Dad's onion rings are the best!

"Sino palang sumundo sa inyo?" natanong ko bigla. Imposible kasi na si Mom kasi nasa Paris yun ngayon. May inaasikasong kung ano man yun.

"Pinasundo ako ni Tito Richard mo kay Kier. Graduate na pala ang isang yun? Laki na din ng pinagbago eh."

"Kier the asshole??" I asked Dad. Tinawanan na naman nya ako. Sometimes talaga, iniisip ko kung joke ba lahat ng sinasabi ko kasi lagi akong tinatawanan ng mga taong kausap ko. It's like, meron ata akong plakard sa ulo ko na nagsasabing, tawanan nyo ako dali!

"He's you're cousin Cream. Pero sino muna si Icelot? Balita ko, may manliligaw ka daw ah?" ngumisi si Dad at tinitigan ako.

"Dad! Saan mo naman napulot ang isang yan?" Teka nga. Paano naman nalaman ni dad na may manliligaw na ako eh kahapon ko lang pinayagan si Ice na manligaw.

Besides, ni wala pa ngang flowers na pinapadala ang bugok na iyon! Not that I'm saying I want flowers pero, diba yun naman ang ginagawa ng normal na guy?

"Kay Kier. Tinanong nya sakin. Ano nga palang pangalan nun? Villa...Villarasa? Ice Vilarasa?" OMG! Alam na ni Dad? Alam ni Dad pati pangalan!

"Dont say his name Dad

it's forbidden!" naalala kong pinagsabihan ko lahat ng tao sa loob ng bahay na wag na wag mababanggit ang pangalan ng lalaking iyon. Ayaw kong naalala ang kagagahan ko tungkol sa pagpayag na ligawan nya ako. Wag nya akong aartehan ng magaling dahil hindi porket crush ko sya eh oo na agad ang isasagot ko sa kanya.

"Oh, akala ko ba eh di ka naniniwala sa love? Anong nangyari?" kinuha ni Dad ang phone ko sa lamesa at kinalikot iyon. Wala naman akong tinatago kaya okay lang na buksan nya iyon. Alam naman nya ang password ko at kahit kailan ay hindi ako nagbago dahil madali akong makalimot ng password.

The Coolest Guy (ON GOING)Where stories live. Discover now